Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong may feelings na ako sa kanya. Pero bago pa naman siya mag-transfer sa school namin, marami naman na akong nakikitang gaya niya. Pero iba siya. Nararamdaman ko yun.
Sabi nga nila ang isang relasyon kailangan nagsisimula muna sa pagiging magkaibigan para tumatag ang pundasyon. At dahil gusto kong magtagal kami, kailangan ko muna siyang kaibiganin.
Masaya't naging kaibigan ko siya, pero malandi siya! Umamin na ako't lahat lahat wala pa din! Grrr.
Hay, siguro nga ganun talaga. Syempre babae ka, BAKLA siya, anong aasahan mo dun diba?
Pero dahil sa joke ko na yun, akalain mo naging kami pa! Pero kabit lang daw ako at secret lang daw namin yung sa amin. Syempre may boyfriend siya eh. Pero keri na, atleast KAMI diba?
Atleast kahit papaano, tanggap niyang kami. Pero hanggang saan nga ba? Maipapakilala niya din kaya ako sa iba? Masasabi at maipagmamalaki ko din kaya yung relasyon kuno namin?
Sana nga!

BINABASA MO ANG
Chasing The Gay
RomanceSa sobrang kaka-basa ni Jenny ng mga gayxgirl na stories sa wattpad, naging batayan na ito ng kanyang pagpili sa magiging karelasyon kaya naman hanggang ngayon single pa din siya. Hanggang sa isang araw, ang unang pinaka-poging bakla na nagtransfer...