CHAPTER I This is REALITY

520 4 1
                                    

[CHAPTER I--THIS IS REALITY]

MARIANNE'S POV

My mind was like my work-place: a total chaos.

Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Ang daming papeles na kailangang i-file, at ang daming ipinapagawa ng boss ko. Kaka-graduate ko pa lamang ng college; and I just turned 20 years old five months ago pero feeling ko ang tanda ko na. Dahil sa stress, tumatanda ako ng maaga.

I checked myself in the mirror. As usual, my long hair is tousled. Parang wala na kasi akong time para magsuklay pa. Ni hindi ko nga maahit-ahit ang aking kilay na pakapal ng pakapal na; idagdag mo pa ang nangingintab na bakal sa ngipin ko (I have braces).Parami na rin ng parami ang tigidig ko sa mukha dahil sa kaka-overtime and overnight para tapusin ang mga documents sa office. 

Then, I remembered what I saw at the mall yesterday; my forever crush, Samuel, is going to have a mall show tomorrow! Yes, Samuel, the ever talented, charming and the only beautiful guy in my eyes. I’m addicted to him since I was eleven; the first time I saw him in a singing contest on TV. He was thirteen then, payat at hindi pa masyadong maappeal. Pero ngayon… iba na. ganap na siyang tao ngayon at mas naloloka ako sa kanya compared noon.

‘Marianne, natapos mo na ba ang pinapagawa kong documents sa’yo? I need to present that tomorrow sa board meeting. Marianne!’

Naalimpungatan ako mula sa napakasarap na pag-iimagine ng marinig ko ang matinis na boses ni Sir. Sy... Sy,Raulo, Jr., ang masungit kong boss.

‘Yes, Sir Raulo. Naayos ko na po ito lahat. The files are ready to be presented to the board tomorrow.’ 

I handed him the documents, but he ignored me sabay sabing, ‘Dalhin mo na lang ‘yan bukas. Samahan mo ‘kong mag-present sa meeting.’

Pagtalikod niya’y pinagdilatan ko siya ng mata; ito lang naman ang kaya kong gawin para makaganti sa kanya.

‘Hindi man lang nagpasalamat. At bakit pa ako kailangang sumama? Wait a minute. 3PM ang board meeting bukas! Hala, 5 PM ang mallshow ni Samuel, my love! Aabot kaya ako? Lord, naman… almost nine years ko hinintay ang chance na makita ang Samuel Baby ko… gawan mo naman ng paraan, puh-lease…’

***

Nang papauwi na ako from the office on that day, I decided na dumaan muna sa department store. Bumili ako ng face powder, lip color at cologne. Kailangan kong paghandaan ang pagkikita namin ng Samuel Baby ko.

Tumingin-tingin din ako ng mga damit pero wala akong nagustuhan,aside kasi sa expensive at wala pa akong sweldo, hindi din ako makapag-decide kong ano dapat ang isusuot ko para presentable naman ako bukas. wala eh, taranta na ako. when I got home, I checked my closet kung ano ang pwedeng isuot. Hindi ko talaga alam. Parang dinaanan na ng bagyo ang room ko at galit na galit si Marie, my younger sister, ng dumating siya.

I'm already 20, pero dependent pa rin ako sa parents ko, kasi nga kaga-graduate ko lang; Bachelor of Arts in English,Cum Laude,University Publication Editor-in-Chief. Hindi ako nagmamayabang, matalino din naman ako kahit papaano; may pagka-baliw nga lang raw.

'Ate, ano na naman ba'ng nangyari dito? Ba't ang kalat na naman?' 

Sana'y na'ko diyan sa kapatid ko so, I just ignored her and continue sa pangangalkal ng damit at pagbi-brainstorming kung ano ang isusuot ko tomorrow.She was murmuring, pero hindi ko na din pinansin kasi siya naman talaga ang palaging nag-aayos ng room namin.

Before I slept that night, I planned to write something for Samuel, my baby.Magdamag akong gising; nakailang type-delete na ako sa laptop ko, pero hindi ko talaga mabuo-buo kung ano ang nais kong isulat. so, I decided to write some random thoughts, at ito ang kinalabasan:

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon