CHAPTER XIV TRYING TO FIX THE MESS

146 2 0
                                    

[TRYING TO FIX THE MESS]

SAMUEL'S POV

I said 'let me take care of you' instead of 'let me love you'? Ano ka ba Samuel? ba't ka natotorpe nga 'yun, ha?

And I was talking to myself again.

I wasn't able to stop myself. I kissed her and it felt so real. For the very first time, I kissed a girl not because I had to, but because I wanted to... and my heart told me to.

I could feel myself slowly loving her. I know hindi ko siya agad nagustuhan ng una ko siyang nakita, pero ng makasama ko siya at nakilala kung anong klaseng tao siya, that's when I started to fall for her.

I went out early in the morning to grab some white roses sa nearest flower shop. I want to take her out tonight and confess what I am feeling for her. I already found the perfect spot, doon sa isang magandang restaurant na may overlooking view ng buong Baguio. Maganda doon during the night kasi the lights spark amazingly, na parang nasa ibang bansa ka... at mas malamig din dun, and I could hug her all night long. And as I looked around papuntang flower shop, I saw this cute pink dress; I'm sure this would fit her perfectly.

She was looking out of the balcony when I came back sa hotel room. She looked so pretty wearing my shirt; she's fond or wearing my shirts, at gutong-gusto ko rin namang makita siyang suot-suot niya ang damit ko.

I hugged her tight at nagulat na naman siya. I then gave her the flowers, but she sneezed on my face ng inamoy niya 'yon. Allergic siya siguro. Pero kahit ilang beses pa niya akong hatsingan hindi na mababago ang nararamdaman ko for her... 

'Babe, let's go out tonight... and I want you to wear this dress.'

I showed her the dress and she liked it. She was happy and I am, too. This night I'm gonna tell her my real feelings... and I'm gonna asked her to be my girlfriend... my real girlfriend. 

MARIANNE'S POV

Wala na si Samuel pag-gising ko. Medyo kinabahan ako kasi akala ko iniwan niya na ako, then I felt something on my forehead. Baliw talaga siya, at sa noo ko pa talaga niya idinikit ang note na iniwan niya. May pupuntahan daw siya at babalik naman agad, ang sweet naman may heart <3 pa!

Hindi ko pa rin maabsorb ang mga nangyayari. Hinalikan niya ako kagabi. Totoo ba 'yon? Gusto na ba niya ako? Hay... parang hindi ko na alam kung ano ang dapat kung maramdaman.

Just then naalala ko ang pamilya ko. Hala! nag-aalala na ang mga 'yon ng sobra. Baka nahalata na nila na paulit-ulit lang 'yong mga text ko kasi naka-scheduled message ang mga 'yon!

Mabuti na lang at naiwan ni Sam ang phone niya. Dahil nag-aalala na ako na baka akalain ng pamilya ko na nasalvage o kaya nama'y nawala na ako sa Baguio, I grabbed the chance para tawagan sila. Tinawagan ko sina nanay at ipinaalam na okay lang ako... mabilis lang ang pag-uusap namin. Sinabi ko na lang na nakihiram lang ako ng phone kasi mukhang sira na 'yong phone ko, para hindi na sila tumawag ulit.Malapit na din naman akong umuwi.

Naku! I remember... 3 days na nga lang pala ako dito. More than a week na din pala kaming magkasama ni Samuel. Ba't parang napakabilis lang ng mga araw?

Miss ko na sila, nakokonsensiya na ako sa ginagawa ko. Nanloloko ako ng tao. Hay, bakit ba umabot sa ganito ang lahat? Masaya nga ako pero hindi naman panatag ang loob ko kasi hindi naman totoo ang lahat ng 'to. Kapag nalaman ni Samuel ang totoo, I'm sure, kamumuhian niya ako at iiwanan din. Dapat ko na sigurong sabihin sa kanya ang totoo, bago pa mahuli ang lahat.

Nagmumuni-muni ako ng biglang may yumakap sa akin, si Samuel dumating na siya at may dala pang white roses. Nagulat ako. Ang ganda ng roses kaya hindi ko napigilang amoyin ang mga 'yon, pero napa-hatsing ako sa mukha mismo ni Samuel; nakalimutan kong allergic pala ako sa mga bulaklak. Nakakahiya naman.Pero bakit parang hindi naman siya nandiri? tumawa pa nga siya at ki-niss na naman ako sa ilong.

'Babe, let's go out tonight... and I want you to wear this dress.'

Hala, ang ganda naman ng damit na binili niya for me. I tried it on and it fits me. Lumabas ako para ipakita sa kanya ng may bigla siyang hinala sa likod ko.

'Ah, sorry, Babe. May sinulid kaya hinila ko para maputol.'

'Alam mo, sabi nila sa mga movies na kapag daw tinali nung boy yung sinulid sa daliri ng babae hindi na sila magkakahiwalay forever... pero hindi naman totoo 'yun, di ba? Hahaha!'

Ano bang pinagsasabi ko? mukhang hindi naman siya naniniwala sa ganun...

Pero ano 'to? Magda-date na naman ba kami? ang romantic naman! Siguro, mamaya ko na rin sasabihin sa kanya ang totoo...Baka ito na 'yung right time. Sana maintindihan niya kung bakit ko nagawang magkunwaring walang naaalala...Sana hindi ako mapangunahan ng feelings ko... sana mapatawad niya ako... so, help me God.

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon