CHAPTER XV A TASTE OF A FAIRYTALE

134 3 2
                                        

[A TASTE OF A FAIRYTALE]

MARIANNE'S POV

"Sam, saan mo ba 'ko dadalhin? Medyo malayo din 'tong binyahe natin ah, tapos maypablindfold-blindfold ka pa! baka itulak mo 'ko sa bangin ha?!"

Natawa lang siya ng sinabi ko 'yun habang inaaalalayan niya 'ko. After a while, binitawan na niya ako. Nataranta ako kasi napakatahimik and all that I could hear is the wind blowing. Baka nalaman na niya na hindi totoo na may amnesia ako?!

"Samuel! Nasaan ka na ba?"

Hindi pa rin siya sumasagot. Akala ko ba magda-date kami, bakit parang iniwan na niya ako?

"Hoy, Samuel! 'wag mo akong iwan dito! Mokong ka!"

Natatakot na ako na naiinis. Nilalamig pa naman ako.

I kept on calling him at parang iiyak na ako when suddenly, I heard somebody singing. I could never be wrong. It was him, Samuel.

Dali-dali kong tinanggal ang piring sa mata ko. He sang for me. Akala ko noon he would never sing a single song for me... pero ngayon heto siya at kinakantahan ako habang hinahawi ang aking buhok at hinahaplos ang aking mukha. Aba! at parang may violinist pa!

"Nakakaloka ka naman! akala ko iniwan mo na ako..."

While I was talking, he wiped my tears that was about to fall from my eyes.

"I'll never leave you... 'di ba I promised you that noong mahulog ka sa bangin 'dun sa bundok? babalikan kita no matter what."

I wasn't able to stop myself. Ako na mismo ang humalik sa kanya, and he hugged me tight.

I never imagined that this could happen to me. Ang iniisip ko noon, kahit sa isang fastfood chain lang o kaya'y sa tindahan ng fishball at kwek-kwek okay na akong makipag-date; but here I am sa napaka-romantic na lugar, ka-date ang isang prinsipe. Sayang nga lang at hindi ako isang prinsesa... hindi ako galing sa kaharian niya, galing ako sa ibang mundo... sa mundong malayo sa kanya. At hindi magtatagal ay babalik na ako kung saan ako ng galing at ang natatanging madadala ko lamang ay mga alala... Hindi ang puso niya, dahil may iba na siyang prinsesa na naghihintay sa kanyang kaharian.

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon