CHAPTER IX A NEW IDENTITY: A TRANSFORMATION

167 3 1
                                    

[A NEW IDENTITY: A TRANSFORMATION]

MARIANNE'S POV

Nagshopping kami. Nag-enjoy ako siyempre, first time ko kayang mag-shopping na hindi conscious sa kung magkano 'yong babayaran ko. As in, hindi niya talaga ako tinipid! Kaya naman I'm making all that I can para matuwa siya, kahit pa nakakatawa na 'ko't nagmumukhang tanga... All for Samuel Baby.

 'Babe...'

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita sa tenga ko.

'Hindi mo kasi ako nililingon eh.' Natatawa pa siya.

'Eh hindi pa ako siguro sanay sa pangalan ko, sorry po...' Nagpa-cute ulit ako, kahit alam kong mukhang nakaka-irita na siguro ang mukha ko.

'Masasanay ka din!' Sagot niya sa'kin sabay gulo sa magulo ko nang buhok at abot ng isang signature crop-top na may statement na : 'Gulat Ka 'No?'

'Oh, halika ka na!' Pinagtitinginan siya ng mga sales girls at mukhang kinikilig pa. Pero biglang nandilat ang mata nila ng nakita nila akong nakasunod kay Samuel.

Nang makita ni Samuel ang ginawa nila ay hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kaming naho-holding hands. At siyempre mas nainis ang mga babae, lalo pa't tinaasan ko din sila ng kilay and I made faces.

Nakakakilig na nakakaloka ang mga nangyayari. Lalo na ng pumunta na kami ng Salon/Spa. Mukhang magkaka-total transformation yata ako nito. Body bleach, foot and hand spa, manicure-pedicure, pati buhok ko ay nag-iba ng bonggang-bongga... from straight and long (na halos nga mamamatay na), naging brown and may volume na. I didn't imagine na magkakabuhay pa ang beauty ko!

Hindi ako comfortable sa pinasuot sakin ng stylist na bading, masyadong labas ang kili-kili't maiksi kaya isinuot ko 'yong crop-top na inabot sa'kin ni Samuel kanina; 'yong may statement na 'Gulat Ka 'No?' 

'Ayan, medyo kumportable na 'ko!'

Ng lumabas ako sa dressing room ay may kausap sa phone si Sam, mukhang serious siya. Lumapit ako at nadinig kong ako 'yong pinag-uusapan nila. Nadinig kong naaawa daw siya sa'kin kaya hindi niya 'ko maiwan, na baka raw magsampa ako ng reklamo against him 'pag nalaman ko ang totoo. Now, i know why he's doing all these to me... gusto lang niyang linisin ang konsensiya niya. Tumakbo ako pabalik, pero dahil ang taas ng heels ko ay nadapa ako.

'Samuelle! anong nangyari sa'yo?' 

'Nagmo-modeling?!' Sagot ko habang tinutulungan niya akong tumayo.

Dyahe! napaka-clumsy ko talaga!

Tinitigan niya ako, pina-ikot na para bang nagsasayaw kami...

'You look... amazingly beautiful.' He smiled at me at parang natutunaw ako sa titig niya.

'Gulat ka 'no?' Sagot ko.

Natawa siya na nakatitig pa din sa'kin. tapos niyaya niya akong mag-dinner. Hala, date na naman ba 'to? 

Dinala niya ako sa isang restaurant na sosyal at dun kami nag-dinner. Nahihiya ako, hindi pa din ako makatingin ng diretso sa kanya kasi nga nag-uumapaw na 'yong kilig sa katawan ko. Pero bakit ganun? bakit parang uneasy siya? nahihiya ba siya na baka may makakita sa kanya na magkasama kami? Tama! baka may paparazzi na nagnanakaw ng pictures. Dapat maganda ang angulo ko para  maganda naman ako sa pictures kahit papaano... kaya dapat steady lang ang pose at dapat charming palagi!

Kaya 'yon, nagpapaka-model ako all through out dinner. Baliw lang din ano?

***

SAMUEL'S POV

Dinala ko siya sa salon and spa. I told the stylist to give her a beautiful transformation. Napatawa ako ng naalala ko ang mukha niya kanina ng nagulat ko siya when I spoke to her ears. Nakakatawa talaga siya na...ewan.

Hindi pa raw siya sanay sa pangalan niya. I know! what if I'll buy her something that would make her remember that her name's Samuelle?

Kaya iniwan ko muna siya sa stylist and roamed around to find something to give her. Then, I found a gold necklace na pwedeng engravan ng name so, I bought it and asked the seller to engrave her name on it: Samuelle.

Nang bumalik ako, I found my phone ringing. It was Rob calling and I answered him.

'Hey, Bro what's up? ano tong nareceive kong text from you last night na nakasagasa ka? Nakulong ka ba, kinasuhan ka? do you need a lawyer?

Nagpa-panic siya.

'Bro, relax. Everything's under my control. Walang nagsampa ng kaso, at hindi ako nakulong. Nagka-amnesia ang babaeng nabundol ko and I lied telling that she's my girlfriend... But she's fine now. kasama ko nga siya ngayon eh.'

Nagulat siya.

'What? nagka-instant girlfriend ka diyan? Baka lumala ang situation, Bro. Ba't hindi mo na lang kasi iwan ang nabundol mo, tapos bigyan mo na lang ng pera para hindi magsampa ng kaso...'

'Bro, kinokonsensiya ako. I feel responsible for her, and obligado akong alagaan siya... besides, hindi naman niya kilala kung sino ako kasi nga may amnesia siya. Naaawa ako sa kanya, Bro.'

Nagulat ako ng biglang may napasigaw sa likuran ko. At nakita ko si Samuelle na nakadapa sa sahig.

'Samuelle! anong nangyari sa'yo?'

Medyo natatawa pa ako.

'Nagmo-modeling?'Sagot niya habang tinutulungan ko siyang bumangon. She's really funny... and now she looks beautiful, in fairness, may igaganda pa nga talaga siya.

'You look... amazingly beautiful.' 

Ano ba 'to? ba't hindi ko maalis ang mata ko sa kanya? And she broke the moment between us ng nagsalita siya:

'Gulat ka 'no?'

Natawa na lang ako, kasi suot-suot niya 'yong statement crop-top na binigay ko sa kanya kanina ng nagulat ko siya. Indeed, nagulat nga ako.

'Care for a dinner?'

Mag-aalas singko pa lang pero nagyaya na akong mag-dinner? ano ba nangyayari sa'kin?

She smiled at me. 'Hindi ako tumatanggi sa pagkain.'

And I brought her sa isang fine restaurant kung saan kami nag-dinner. 

I didn't know why, pero everything seemed awkward... awkwardly romantic? Naguguluhan ako. Hindi pwedeng magka-'something' ako sa kanya. Hindi ko siya kilala.

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon