CHAPTER XVI THE UNEXPECTED ENCOUNTER

149 1 1
                                    

THE UNEXPECTED ENCOUNTER

MARIANNE'S POV

Busy ang lahat sa paghahanda para sa kasal ng Tita ko. She wanted a wonderful wedding, kasi nga raw kay tagal niyang hinintay ang lalaking magmamahal sa kanya at kailangan mala-fairytale rin ang wedding niya ngayong natagpuan na siya ng kanyang prinsipe. 

Masaya ako para sa kanya dahil kahit pa mukhang ipinasa sa akin ni Tita Marian ang mga kabiguang naranasan niya sa pag-ibig ay may happy ending naman na naghihintay at magkakatotoo sa takdang panahon.

"Anak, ba't ka nag-iisa dito?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Tatay at tinapik ako sa balikat. Nakita niya sigurong nakatulala na naman ako at nakadungaw sa may veranda.

"Wala naman po... natutuwa lang po akong panuorin si Tita at sina Nanay na abalang-abala sa paghahanda sa kasal."

Tumawa siya.

"Aba'y mas magiging abala ang lahat kapag ikaw na ang ikinasal... mahal na mahal ka yata namin! baka nga maging mukhang piyesta pa ang kasal mo eh!"

"Tay! hindi po magandang biro yan! Ayoko ko pa munang pag-usapan ang ganyan. At saka, wala pa naman po akong groom eh, alangan namang ikasal ako sa sarili ko, diba?"

Pinilit kong tumawa... pero sa totoo lang, nasasaktan ako.

"Anak, alam kong nasaktan ka...sige lang, i-entertain mo lang ang sakit hanggang maghilom na ang sugat ng first heart-break mo. Ika nga eh, kapag sobra kang nasaktan dahil sa pag-ibig, yun ay dahil sa tunay kang umibig. Diba nga...It's better to love and be hurt...than not to have loved at all!"

At sabay pa talaga naming sinabi ang pabarito niyang quotation!

"Alam mo anak, artista nga 'yang first love mo pero kahit kailan mukhang hindi ko pa yata nakikita ang pagmumukha niya... sige, anak, paki-describe nga kung anong itsura niya... para mapagsabihan ko kapag nagkabanggaan kami sa kanto."

"Tay, naman! kalimutan niyo na lang po... at saka, mukhang imposible naman pong masundan niya ako dito..."

Niyakap na lang ako ng Tatay.

"Paano? magpapahinga na ako ha? maaga pa kasi ako bukas dahil magkakarga pa kami ng mga mesa at upuan para sa reception. Hay... excited na talaga akong maikasal 'yang Tita Marian mo!"

"Bakit po, tay? dahil ba gusto niyong magkapamangkin na agad? hahaha!"

"Hindi ah! dahil nakakapagod na ang maghanda. Para makapagpahinga naman ako! nakakapagod din kayang bumiyahe ng mga kagamitan ng kasal araw-araw! hahaha!"

"Kung marunong lang po sana ako eh di sana ako na lang po ang magda-drive!hahaha!."

Tumawa na lamang kami.

***

SAMUEL'S POV

Hindi ko na hinintay pang sumikat ang araw... kailangang malaman ko kung nasaan si Marianne bago pa tumirik ang araw. Pagdating ko sa lugar na iyon ay agad akong nagtanong-tanong. Dala-dala ang picture niya na ipinapakita ko sa kung sinuman ang pwede kong pagtanungan. I was just hoping na walang makakilala sa akin.

Habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada ay napansin ko ang isang mama na nagbubuhat ng mesa papunta sa isang jeepney. Ng patawid na siya ay napansin ko na may humaharurot na motorsiklo sa kalsada ngunit hindi  niya ito nakita dahil sa mesang pasan niya. Dali-dali akong tumakbo at itinulak ang mama sa tabi ng daan at pareho kaming bumagsak... tinulungan din naman kami ng mga nakakita sa pangyayari, nag-sorry din ang lalaking sakay ng motorsiklo. Mabuti na lang at hindi gaanong masama ang bagsak ng mama, habang ako naman ay galos sa siko lang natamo.

"Hijo, maraming salamat sa pagligtas mo sakin ha..."

Nilapitan niya ako at kinamayan.

"Wala po 'yun, pasensya na po at medyo napalakas yata ang pagtulak ko sa inyo."

Tinapik niya ako at inakbayan papunta sa malapit na karinderya.

"Mabuti na nga lang at naitulak mo ako, kung hindi eh baka hindi na ako makakaattend sa kasalang matagal naming pinaghandaan! hahaha! Halika at ililibre kita, ano bang gusto mong kainin? Teka, bago ka rito ano?"

At dahil mukhang hindi naman ako makatanggi dahil nga umorder na siya ay sumama na lamang ako at nakipag-usap.

"Ah opo, hinahanap ko po kasi ang bababeng mahal ko...umalis po kasi siya ng hindi kami nag-uusap.ito po siya oh."

Nang akmang ipapakita ko na sa kanya ang picture ay dumating naman 'yong inorder niyang batchoy. 

"Kumain ka na, mas masarap itong batchoy kapag napakainit ng sabaw!"

Mga ilang minuto din naman kaming hindi nagkibuan, busy kasi siya sa pag kain. Ngunit nabigla ako ng bigla siyang nagsalita...

"Alam mo, hijo...may pagkakataon talaga na kailangan nating mahiwalay sa mga mahal natin para malaman natin kung gaano natin sila ka mahal. bakit ba siya umalis?"

"Ah eh, nasaktan ko po yata siya... nagsinungaling po ako eh, pero hindi niya rin po kasi sinabi sakin yung totoo... pero kahit ganun po, masaya naman ako na nagkasama kami... pero hindi eh, ayaw kong maging memory na lang ako sa buhay niya... basta po, napakahabang istorya!"

Tumigil siya sa pagkain at hinarap niya ako.

"At napakalabo din. tsk tsk. Kayo talagang mga kabataan ngayon, complicated palagi ang status pagdating sa pag-ibig. Alam mo, hijo, kung tunay na umiibig ang isang tao, hindi na niya mahalaga kung sino ang nakasakit at kung gaano kasakit ang naidulot ng taong mahal nila sa kanila... ika nga eh, kung sobra kang nasaktan dahil sa pag-ibig, yun ay dahil sa tunay kang umibig.Kaya, tama ang ginawa mo... hanapin mo ang babaeng mahal mo at kung magkita kayo ay sabihin mo at ipadama mo kung gaano mo siya kamahal at kung gaano ka tunay ang pag-ibig na nararamdaman mo..."

Napahinga ako ng malalim sa mga sinabi niya.

"Eh, paano po kung ayaw na niya sakin... kung mas gusto niya ng buhay na hindi na ako kasama? Di ba po,mas masakit yun?"

Uminom muna siya ng isang basong tubig bago niya ako sinagot.

"Ang mahalaga, ginawa mo ang dapat mong gawin... masaktan ka man ay hindi ka magsisisi. Sabi nga nila: It's better to have love and be hurt than not to have loved at all."

Pagkasabi niya ay tumayo siya, nagbayad at nagpaalam.

"Paano? mauuna na ako sayo ha... Sana'y maging happy ending ang paghahanap mo sa tunay mong pag-ibig. Salamat ulit!"

Pagkatapos kong kumain ay itinuloy ko ang paghahanap kay Marianne... nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa mamang nakilala ko, sayang hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Nararamdaman ko, malapit na kaming magkita ni Marianne...matatagpuan ko rin siya...

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon