[AN ACCIDENT AND A LIE]
MARIANNE'S POV
'Sa'n na ba ang mga 'yon? Siguro'y nauna na sila sa Park. Sabagay, mas gusto kong maglakad-lakad ng mag-isa. Hmmm... hindi naman ako siguro mawawala dito.'
I took the earphones on my pocket. Naisip ko na mag-sound trip na lang habang nagjo-jogging but, when I checked my other pocket, my phone wasn't there, 'yong anti-asthma inhaler ko lang ang dala-dala ko. Naku naman! naiwan ko pa talaga ang phone ko sa hotel room!
Suot-suot ang personalized sweat shirt ko na may statement na 'Keep CALM and be AweSAM' ay sinimulan ko na ngang maglakad, at patakbo kong sinuroy ang pababang kalsada. Nang biglang...
'Aaaah!!!!'
Hindi ko namalayan na my kotse din pala sa kalsadang nakasunod ng paatras sa akin.
***
SAMUEL'S POV
'Oh, Jeez! napakatarik naman ng daan na 'to! Oops!'
At biglang namatay 'yong engine ng sasakyan ko at nag-umpisang umatras.
'Oh my God! bakit ayaw tumigil?! Even the break hindi gumagana!'
And because the car was out of my control, I have no choice pero ibangga na lang ang likod ng sasakyan sa may poste para tumigil na sa kaatras.
'Hay na'ko! ang malas ko naman!'
I jumped out of the car para i-check ang sira sa likuran, but I was shocked ng makita kong may babaeng walang malay na nakahandusay sa kalsada just next to my car.
'Oh Lord! nakapatay yata ako!'
I panicked. I didn't know what to do. I tried to wake her up but it's like she's gasping for breath. Kinarga ko siya at isinakay sa sasakyan. Mabuti na lang at parang wala namang tao sa paligid; mas mabuti kung walang nakakita sa pangyayari. I tried to start the car, mabuti naman at umandar din after half a minute.
I brought her sa isang private hospital, good thing hindi ako nakaporma kaya walang naka-recognize sa akin. Gusto kong tawagan sina mom, pero naisip kong baka mag-alala lang sila at mas lumala pa ang situation. I need to fix the mess alone.
- - -
Wala pa rin siyang malay ng kinausap ako ng doctor. Sinabi ko na lang na nadulas siya habang tumatakbo pababa sa matarik na kalsada. Okay naman daw 'yong babae mukhang napasama lang 'yong pagkabagsak niya kaya hinimatay siya at hindi pa din nagigising, siguro'y dala na din ng kaba at inatake din siya ng hika.
Maya-maya'y kinausap ako ng nurse:
'Sir, kamag-anak niyo po ba 'yong pasyente?'
'Hindi. We're not relatives.'
Napa-isip 'yong nurse. Napa-isip din ako, 'pag sinabi kong nabangga ko 'yong babae baka ang ospital mismo ang magsampa ng reklamo laban sa'kin. Ayokong mangyari 'yon, another issue na makasisira sa image ko.
'I mean, hindi kami magkamag-anak. She's my... girlfriend.'
'Ano pong pangalan nila?'
'Samuel.'
Jeez! did I just tell her my name? She looked at me wondering.
'I mean, Samuelle... Samuelle ang name ng girlfriend ko. Samuelle with two Ls and E.' I tried to search surnames para mas kapanipaniwala.
'Ah, Samuelle...Sy.'
Mabuti naman at mukhang naniwala siya at isinulat niya 'dun sa records nila. Umalis ako agad at pinuntahan ang babae na itinransfer na sa private recovery room.
Wala pa rin siyang malay. Nakakaawa naman siya.
'Baka mapaano 'to habang wala ako, mas kokonsensiyahin pa 'ko.' sabi ko sa isip ko.
'Sir, ito po 'yong damit ng girlfriend n'yo.'
I took her clothes and stuff from the nurse. Wala naman daw siyang ibang gamit, walang wallet, mukhang isiniksik lang niya 'yong pera niya sa bulsa. Wala ring cellphone pero my earphones. Baka naiwan niya 'dun sa kalsada ng mabangga ko siya. And I found a meter dose inhaler, it was anti-asthma. May hika nga siguro siya.
I checked her clothes.
'Ayos din 'tong sweat shirt niya ah ' Keep CALM and be AweSAM'. Baka fan ko 'to? or maybe, Sam din talaga ang name niya... I'll know when she wakes up.'
Nagbantay ako sa hospital buong araw at magdamag kasi natatakot ako na baka mapaano siya, at natatakot din ako na baka namukhaan niya 'ko at magsumbong sa pulis. Kaya kailangang makausap ko siya agad pagkagising niya na aareglohin na lang namin ang nangyari at huwag ng palakihin pa ang problema.
Hanggang pagsapit ng gabi ay hindi pa din siya nagigising so, I had no choice but to stay at the hospital with her.
***
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...
