[FORGETTING REALITY]
SAMUEL'S POV
I just got out of the rest room when I saw her rose up from bed. She looked around wondering so, before pa siya nag-panic ay kinausap ko siya.
'Hi, I'm glad gising ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo? may masakit pa ba sa'yo...' Nakatulala lang siya na nakatitig sa akin.
'I'm really sorry about what happened. It was an accident. Do you know me? I'm Samuel... ikaw, ano pangalan mo?'
Maputla pa din siya, but she tried to answer me.
'Ma... Ma... malay ko.'
Nagulat ako. 'You don't know? You can't remember?' Umiling lang siya.
'Sir, gising na po pala ang girlfriend mo.' Biglang dumating ang nurse na nagtanong sa'kin kagabi. 'Mabuti naman po ma'am at gising na kayo, alam niyo po, hindi kayo iniwan ni sir...'
At mukhang nanunukso pa 'yong nurse. Tiningnan ko ang babae, mukhang naguguluhan pa din siya, pero parang naniniwala siya sa sinabi ng nurse. Kung wala siyang naaalala, walang magrereklamo sa akin at kawawa din naman siya kung iiwan ko siya na hindi alam kung saan pupunta... and besides, paano ko mapapaliwanag na nagsinungaling ako sa nurse na girlfriend ko siya para hindi ako masampahan ng reklamo na nabundol ko siya. Teka, kung wala siyang naaalala, eh di, hindi niya din ako kilala.
Umalis na 'yong nurse, and I don't know what to tell the girl.
'Boyfriend kita? bakit ako nandito?'
Tinanong niya ko... I couldn't think clearly so I told her:
'Yes, I'm your boyfriend. And you're here dahil nadulas ka while we were jogging yesterday. Sorry, it was my fault, hindi kita inalalayan.'
'Aksidente naman pala 'yong nangyari, don't be sorry. And besides, sabi ng nurse you were with me the whole night. Thank you.'
Thanks to God, she believed me. 'Ah, don't you really remember your name... Babe?'
She stared at me, I think she was trying to remember her name and I stopped her because of the fear na maalala niya pati ang totoong nangyari.
'Sam... Samuelle. Yes, that's your name, Babe... You're Samuelle. Magkapareho nga tayo ng pangalan eh.'
She smiled at me. Mukhang mabait naman siya, hindi nga lang masyadong kagandahan, pero konti ayos lang siguro ay gaganda din siya.
MARIANNE'S POV
Nang magising ako'y medyo masakit ang katawan ko. Nagulat ako ng namalayan ko na nasa ospital ako't may bandage ang ulo at naka-dextrose. Naalala ko, nabangga pala ako ng sasakyang umaatras.
Sinubok kong alalahanin ang mga pangyayari, and I remembered kong sino ang bumuhat sa'kin papuntang loob ng sasakyan; nakita ko si Samuel... pero baka guni-guni ko lang 'yon kasi tumirik na 'yong paningin ko at mukhang inatake pa yata ako ng hika.
Sinubukan kong bumangon ng may lalaking lumabas ng CR.
Oh my God! Namamalik-mata lang ba ako, o kaya naman ay nananaginip pa rin? Si Samuel kasi ang nakita ko. Hindi ko alam kong ano ang gagawin o sasabihin ko. NAkatitig lang ako sa kanya.
'Hi, I'm glad gising ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo? may masakit pa ba sa'yo...' Nagsalita siya, totoo ba 'to?
'I'm really sorry about what happened. It was an accident. Do you know me? I'm Samuel... ikaw, ano pangalan mo?'
Oh my gulay! So, tama ako, siya nga ang nakita kong bumuhat sa'kin... at mukhang siya pa ang nakabundol sa'kin. Ano daw pangalan ko?
'Ma... Ma...'
Hala, lagot! baka umalis siya agad at bigyan niya lang ako ng pera, hindi pwede... magkunwari kaya akong na amnesia... bahala na!
'Malay ko.'
Nagulat siya.
'You don't know? You can't remember?' Umiling ako.
'Sir, gising na po pala ang girlfriend mo.'
Biglang may dumating na nurse, at may itinurok siyang gamot sa'kin habang nagsasalita.
'Mabuti naman po ma'am at gising na kayo, alam niyo po, hindi kayo iniwan ni sir...'
Teka, ano daw? girlfriend ako ni Samuel? Boyfriend ko siya? Paano nangyari 'yon?
'Boyfriend kita?'
Tinanong ko siya. Nagkunwari na rin akong hindi ko alam ang nangyari.
'Bakit ako nandito?'
'Yes, I'm your boyfriend. And you're here dahil nadulas ka while we were jogging yesterday. Sorry, it was my fault, hindi kita inalalayan.'
Ha? Bakit ganun? Why is he lying? Naguguluhan ako kaya sinakyan ko na lang.
'Aksidente naman pala 'yong nangyari, don't be sorry. And besides, sabi ng nurse you were with me the whole night. Thank you.' I smiled at him. Mukha kasing uneasy siya at hindi ako sanay na makita siyang ganun.
He walked towards me. 'Ah, don't you really remember your name... Babe?'
Tama ba narinig ko? Tinawag niya akong 'Babe'? Parang hihimatayin ako ulit.
He caressed my shoulder, 'Sam... Samuelle. Yes, that's your name, Babe... You're Samuelle. Magkapareho nga tayo ng pangalan eh.'
Parang aatakihin ako ng hika sa kapipigil ng feelings ko. Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang. Nako po, ano ba 'tong pinasok ko?
Parang naiiyak ako na nilalamig na ewan.
'Okay ka lang, Babe? Do you want anything?'
'Babe...' Nanginginig ako habang nakatingin sa kanya, 'nagugutom ako.'
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...