CHAPTER III A STEP CLOSER

198 3 0
                                    

SAMUEL'S POV

Ang hirap palang mag-perform sa harap ng mga taong nagmamahal sayo 'pag wala ka sa mood. It's so hard na pilitin mo ang sarili mong ngumiti and pretend that you're fine. 

'Baby Boy! ano na naman 'yang hawak-hawak mo?'

Biglang pumasok si Steph, my (gay) personal assistant/stylist, sa hotel room. I chose to stay alone in my room and hindi sumama sa presendential room na kinuha nila sa hotel.

'Nothing, just a letter from a girl kanina.' Binigay ko sa kanya to let him see it.

'Oh, Eiffel Tower... 'di ba gusto mong pumunta sa Paris and kiss somebody at the top of Eiffel tower? Oh how romantic?!'

Tinawanan ko lang siya. 'Tumigil ka nga, Stephano. Wala ako sa mood para sa mga 'romantic thoughts' mo!.'

'Oh, eh ano? Hindi mo ba babasahin to? Itatapon ko ba?' He was rolling his eyes on me.

'Huwag mong itapon, itago mo na lang. Wala pa ako sa mood para sa mga fluttering words.' Pagkasabi ko ay nagtago ako sa ilalim ng kumot.

'Samuel, do you want me to talk to your mom?' He sounded serious.

'Para ano?'

'To convince her that you need a break from your busy life. You need some time for yourself, a vacation.Hindi mo ba gusto 'yon?' Steph was waiting for my response.

Steph had been my personal assistant and stylist for quiet a long time na nasa showbiz ako. Bestfriends na nga sila ni mom eh. Alam niya ang nangyayari sa buhay ko, kabisado niya na rin kong ano nararamdaman at iniisip ko. Aside from my handler, sila ni mom, who is also my manager, ang nag-uusap palagi about my career and my life.

'Hindi ko alam. I just want to sleep right now. good night, Steph.'

***

MARIANNE'S POV

Ang sarap ng gising ko. Siyempre, dahil pagkamulat ng mata ko ay nakita ko ang picture namin ni Samuel Baby na idinikit ko sa wall ng bedroom namin. Pati nga sa office eh puno ng picture niya ang table ko. Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko ang beautiful face niya. Parang nakikiliti ang aorta ko! kilig much!

'Marianne...'

At tinawag na naman ako ng masungit kong Boss.

'Marianne... Marianne... Marianne Gracia!!!'

Galit? Aporado? 'Sir, andyan na po... Hu-wait lang...'

'Sir! what happened?! Huh? napaka-manyak niyo naman!' Na-shock ako ng makita ko siyang nakahiga sa sahig at dinadaganan ng isang nude painting. Siguro ay sinubukan niyang ikabit ang painting sa office wall niya pero hindi niya kinaya kaya nahulog siya at nadaganan pa ng malaking painting.

 Isinugod siya sa ospital dahil inatake ng stroke, mild lang naman at may konting mga bali ng buto; masamang damu kaya 'yon, hirap patayin. Pero naawa din naman ako sa kanya kahit papaano. At dahil hindi siya nakapasok ng office two days ay gumanda ng konti ang araw ko. Hanggang sa may natanggap akong letter from the Administration with my Boss's recommendation.

'Hu-what? Ako ang pupunta sa conference sa Baguio on-behalf of Sir Raulo? Ang matandang 'yon kahit wala dito ay binibigyan ako ng po-problemahin!' Medyo napa-Over react ako 'dun, mabuti na lang at nakapag-isip ako agad bago ko pa mapunit ang letter.

'Sa bagay, all-expense paid naman 'to... with allowance pa, sayang naman pag 'pag hindi ko tinanggap. At... two weeks? Oh my Lord! mahaba-habang vacation ito!'

Tinanggap ko ang recommendation. Sayang naman kasi, pangtanggal stress din 'yon at baka makatulong para maka-move on na ako at makalimutan si Samuel.

May maganda din pala akong mapapala dito sa masungit kong Boss. Kaya agad-agad akong nagpa-book ng flight at nagprepare for my conference/vacation!

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon