CHAPTER XXI GOTTA GO MY OWN WAY

141 5 1
                                    

[GOTTA GO MY OWN WAY]

MARIANNE'S POV

Hindi ako makapaniwala. Bakit ganun? akala ko magiging totoo na ang kaligayahan ko... akala ko totoo ang forever, ang true love... na kahit ano pa o sino man ako ay mamahalin ako ni Sam. Hindi nga talaga siguro ako meant to be happy... Hindi kami meant to be.

Nainsulto ako dahil binigyan niya ako ng pera... hindi ko kailangan ang pera niya, kaya tumakbo na ako agad bago pa man umapaw ang pagka-inis ko sa kanya.

But Jazzy's right. Ipapahamak ko lang si Sam kung ipagpapatuloy ko pa 'to. This might be destiny's way para tapusin na ang kasinungalingan ko.

As I was running out of the hospital, ini-imagine ko na may tatawag sa akin tapos patitigilin ako at paglingon ko ay makikita ko si Sam... I was still hoping na hindi totoo na na-amnesia siya, na naaalala niya pa rin ako... na walang nagbago. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang nangyari. Sa isang iglap natapos ang lahat. Sa isang iglap nawasak ang masaya kong mundo. sa isang iglap...

*Beep! Beep!*

***

Nang magising ako ay nasa lobby na ako ng hotel. Dali-dali akong bumangon sa pag-asang si Samuel ang nagdala sa akin doon pero hindi ko siya nakita.

'Hija, ano bang nangyari sa'yo? ilang araw kang nawala... sa'n ka ba nanggaling?'

Bigla akong nahimasmasan. Nasa lobby ako ng hotel kung saan ako tumuloy bago kami nagkita ni Samuel, at napapalibutan ako ng mga matatandang kasama ko sa training-conference.

'Mam, mamuti na lang mo at ango ang nangangita na inyo at naalala ngo kung naan kayo numunuloy (Mam, mabuti na lang po at ako ang nakakita sa inyo at naalala ko kung saan kayo tumutuloy).'

Naku, 'yong inaway kong ngongong driver na humatid sa akin sa hotel ng dumating ako sa Baguio, mabuti na lang at tinulungan niya ako.

Nang mapansin nilang pagod na ako ay hindi na nila akong pinilit na magkwento, basta't sinabi ko na walang masamang nangyari sa akin... saka ko na lang aayusin ang gusot na ginawa ko, imbes kasi na mag-training ako at umattend ng conference eh pag-ibig ang inatupag... kaya heto, wala din naman akong napala.

Nang nagpapahinga na ako sa sarili kong hotel room, na-realize ko na wala din naman akong dapat pagsisihan sa nangyari. Naging masaya din naman ako, at ako rin naman ang may kasalanan kasi nagsinungaling ako... There's nobody to be blame but myself. Mas mabuti na ring walang naalala si Samuel, at least hindi ko siya nasaktan.Iisipin ko na lang na isang napakagandang panaginip ang lahat. Eventually, kailangan ko din naman siyang iwan... He doesn't deserve me, he doesn't someone better... like Jazzy. Mas magiging okay ang lahat kung wala ako sa buhay niya.

Hinanap ko ang cellphone ko just to find out na dead battery na nga, kaya nag-charge ako. Bukas ko na lang tatawagan ang pamilya ko. Alam kong nag-aalala na din sila, at kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko sila kausapin. Pero hindi ko muna sasabihin sa kanila ang lahat, saka na pagdating ko, total naman isang araw na lang din ako dito... last day na ng conference bukas at uuwi na ko sa mundo ko... babalik na ako sa dati at totoo kong buhay... 

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon