THE CHASE
SAMUEL'S POV
Lagpas tanghali na ng marating ko ang tirahan nina Marianne. Dito ako itinuro ng Lola na nagtitinda ng gulay sa may labasan. Napa-isip ako... ano kaya ang sasabihin ko sa kanya? paano ko ipapaliwanag ang lahat? at paano kung ipagtabuyan niya ako? Teka, mukhang may handaan yata... maraming mesa at may buffet pa. Mukhang hindi naman fiesta dito, baka may kasalan.
Huminga ako ng malalim at minabuti kong magpractice muna kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya bago ako pumasok sa bahay nila...
"Samuelle...Marianne...kahit ano pa man ang pangalan mo, maging sino ka ma... gusto ko lang malaman mo na..."
"Ehem, ehem... Ah, excuse lang, mukhang bago ka rito ah...may hinahanap ka?"
Nagulat ako ng may lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Naku! baka nga narinig niya pa ang dialog ko, baka isipin niya na baliw ako.
"Ah, opo eh. Dito po ba nakatira si Marianne? May importanteng pakay po kasi ako sa kanya. At saka, ano po ba ang meron at may handaan?"
"Ah, oo...diyan nga siya ngayon tumutuloy pero siguro ay aalis na rin siya diyan..."
Natigilan ako. Aalis siya? eh hindi pa nga kami nagkikita! Bigla kong tinulak ang pinto ng gate at sinubukang pumasok ng bigla akong hilahin pabalik ng lalaki.
"Teka, boy, eh wala siya diyan eh... at kung gusto mo siyang kausapin ay ipagpabukas mo na lang kasi sigurado akong hindi ka nun mai-entertain."
Naguluhan ako.
"Bakit po? Nasaan po ba talaga siya?"
"Nasaan pa ba? eh 'di sa simbahan!"
"Ha? Nag-madre siya?"
"Sus! yun din ang akala naming lahat dito...pero pag-ibig nga naman oh akalain mong magkaka-asawa na siya!"
"Po?"
"Hindi mo alam? Sus! ngayong araw mismo ang kasal ni Marian!"
Hindi na ako nakasagot. Naramdaman ko na lang na bigla akong sumakay sa motorsiklong pag-aari ng lalaki. Hinabol pa niya ako kasi hindi man lang ako nagpaalam.
Ikakasal siya? Bakit? Hindi pwedeng hindi niya malaman na mahal ko siya... I couldn't just let this pass and not take the chance para masabi sa kanya ang dapat ay noon ko pa sinabi. Kahit masaktan pa ako, still I'll try...I'll still chase her to win her heart, again...
Mabuti na lang at natagpuan ko agad ko agad ang simbahan kung saan ginaganap ang kasalan... mabilis akaong tumakbo, diretso mismo sa pinto hanggang sa loob ng simbahan. Nagulat ang lahat ng isinigaw ko ang kanyang pangalan...
"Marianne!!!"
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/21360281-288-k641714.jpg)
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...