[START OF SOMETHING NEW]
SAMUEL'S POV
She's quiet when we were driving pabalik ng hotel, baka pagod lang kaya pinabayaan ko na.
When we reached my place I prepared the bed and told her na dun na lang siya matulog and I would just take the couch. But she insisted na sa couch na lang daw siya at 'dun na nga siya natulog. I found her snoring ng bumalik ako from the living room.
I looked at her. She's charming... para siyang bata pagnatutulog, walang pakialam kung ano 'yong position niya.
I went to my bed to sleep, but napaisip ako, paano ko ba matatapos ang napasok kong 'to? what if hindi na talaga bumalik pa ang memories niya? Or what if she'll find out na nagsisinungaling nga ako sa kanya? I still have more than a week dito sa Baguio, saka ko na lang siguro iisipin ang mga bagay-bagay. For now, gusto ko ng matulog at magpahinga, but napakalakas ng hilik niya so I had to cover my ears with my pillow for the whole night.
***
MARIANNE'S POV
Hindi ako nagsalita while we were driving pabalik ng hotel, bukod kasi sa medyo sumasakit ang tiyan ko ay I remembered Samuel's conversation with somebody sa phone. Naaawa lang siya sa'kin, he's doing this for himself para hindi na siya makonsensiya sa pagkakabundol niya sa'kin. Medyo nakakalungkot naman. Pero naisip ko din na e-enjoy ko na lang ang chance na 'to. Hindi lahat nabibigyan ng once-in-a-lifetime chance para makasama ang Dream guy/Forever crush nila.
Nang dumating kami sa hotel room ay inayos niya agad ang higaan. He told me na doon daw ako matulog at sa couch na lang siya; siyempre hindi ako pumayag 'no, another sacrifice na naman sa kanya 'yon at ayokong nahihirapan siya. Sa natulog na ako agad sa couch para wala na siyang magawa pa.
***
Ng magising ako the next day, naisip ko agad sina nanay. Three days na din akong hindi nakaka-contact sa kanila. I'm sure nag-aalala na sila sa'kin.I went out sa living room and tried to find Sam pero hindi ko siya mahanap. Then, I found a note sa my bed side. Umalis daw siya kasi may pupuntahan ng maaga, hindi na niya ako ginising kasi tulog na tulog pa ako;mag-breakfast na lang daw ako and he'll be back before lunch.
I took the opportunity para mapaalam kina nanay na okay lang ako. I went back to my hotel tapos tinawagan ko si nanay. Tama nga ako, nag-aalala nga sila. sabi ko na lang wala kasing signal; dagdag na kasinungalingan na naman.
Medyo matagal-tagal din kaming nag-usap; nilubos-lubos ko na. Nakokonsensiya ako kasi nagsinungaling din ako kina nanay at tatay. Punong-puno na ako ng kasinungalingan.
Pagkatapos ng tawag ko ay nag-set ako ng scheduled message sa phone ko
para magtext sa pamilya ko, ayaw kong mag-alala sila. Mas okay na 'to para may matanggap naman silang text mula sakin para hindi sila mag-alala; sana lang hindi nila mahalata na pare-pareho 'yong oras ng pagtext ko at paulit-ulit ang message. Tapos ay nagpa-load ako ng good for one week para tuloy-tuloy lang din ang pag-send ng scheduled message.
After that, bumalik ako sa hotel ni Samuel. Tamang-tama naman at nauna akong dumating sa kanya.
'Sam, look what I have...'
Ipinakita niya sa'kin ang fliers about mountain climbing. And we then decided na mag-mountain climbing. Na-excite nga siya eh. He gustong-gusto daw kasi niyang gagawin ang adventure like this. Natuwa naman ako kasi masaya siya, pero hindi niya alam na takot ako sa gubat... takot akong mag-isa at mawala sa gubat. Nahulog kasi ako sa bangin ng bata ako noong pumunta kami sa bukid ng lolo ko. Mula noon, hindi na ako nag-dare pang pumunta ulit sa gubat or umakyat sa mga matatarik na bundok.
'Paano ngayon 'to?' napaisip ako.
***
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomansWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...
