[TRYING TO BREAK-FREE]
SAMUEL'S POV
----Music Playing while driving: Mahal na Mahal by *Sam Concepcion----
https://www.youtube.com/watch?v=yORqgKVTXQc
'Mas ramdam ko sana ang sarili kong kanta kong totoo ang inspirasyon ko.'
Matagal ko na ring hindi nagagawang magdrive mag-isa at makapag-isip.
'HowoooW! this is life! Hahahah!'
Teka, almost three years na rin akong walang real girlfriend. Wala din namang nagtagal sa mga naging girlfriend ko eh. My first girlfriend was when I was in high school, Cheska, ang crush ko since elementary. One month lang kami nun but she kissed me on our monthsary, then after a week I discovered na nakipag-relationship lang siya sakin dahil artista na ako. Then, si Diana, Nicole and Andrea... more than two months lang din ang relationship ko with them kasi nga we're in shos business and maraming issue. Then, ito... si Jazzy... maganda siya, walang question dun. My chemistry nga kami, the very reason why our fans really believed na we have something special. But, these weeks masyado na siyang nakakasakal eh. She wants to take control of everything. She's making statements sa press na hindi naman talaga totoo; maybe her way para mas maging maugong ang career niya...but I could not take what she's doing anymore.
'Is it time for me to have a girlfriend? a real girlfriend this time... Kaya lang baka mahirapan din ako, kasi pagnalaman niya na ako si Samuel Lopez, ang sikat at gwapong Samuel Lopez, tsk! ibo-boyfriend niya lang ako dahil artista ako. Saan bang lupalop ng Pilipinas ako makakahanap ng igi-girlfriend na hindi alam na artista ako?'
Malabo. Malabo yata ang iniisip ko.Wala na nga talagang natitira pang privacy sa buhay ko.
***
MARIANNE'S POV
'Hu-wow! Baguio here I come!'
Napasigaw ako pagakababa ko ng bus. Napatingin sakin ang mga tao pero deadma lang ako, bakit naman ako mahihiya eh wala namang nakakakilala sakin dito.
'Manong, para po, Pines View Hotel nga po.' Uy! gwapo ni manong driver, sa tantsa ko mga mid-twenties ang age nito.Pag ganito ka-gwapo ang magiging boyfriend ko, hmmm... okay na din, pwede na. Pero siyempre pinakagwapo pa din si Samuel! May mahahanap kaya akong pwedeng maging boyfriend dito? Sa buong buhay ko hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit kalahati... gusto ko sana si Samuel baby ang first boyfriend ko, first date ko, first kiss ko, at first... Hay nako! ano ba yang iniisip ko?! erase, erase! Masasaktan lang ulit ako.
'Dito na po ba tayo? Magkano po ba gwapong manong driver?'
'niktinayn mo, mam.'
Ay! ngongo?!
'Ah ito po, manong. Salamat po.' Gwapo nga, ngongo naman. sana hindi na lang nagsalita.
'ningkyo nin mo, mam myotimol!' Aba! at kumindat pa!
Bago pa ko maloka ng labos ay dali-dali kong binitbit ang maleta ko at kumaripas papasok sa hotel.
---
Pagdating sa kwarto ay nagpahinga muna ako. Two weeks ako dito sa Baguio, sigurado ako mga oldies 'yong kasama ko sa conference bukas.Hay, LOrd! give me patience and wisdom para maintindihan at makihalubilo sa mga oldies na makakasama ko!
Nang gabing 'yon ay napanaginipan ko si Samuel... hay, ang sarap ng tulog ko, masaya pa ang gising ko.
At dahil masaya ang gising ko ay masaya din ako sa first day ng conference. Hindi ako nagkamali, mga matatanda na nga ang kasama ko, may mga hindi pa naman lolo at lola pero may mga edad na nga talaga. Pero okay lang, mabait naman sila sa akin kaya nga lang ako 'yong taga-timpla ng kape at tsa-a nila.Naging instant care-giver ang beauty ko!
'Hija, bukas sumama ka sa amin ha. Magjo-jogging kami at magae-aerobics sa may Burnham Park. Maganda 'dun at malapit lang dito. Kung hindi ka makakasabay ay sumunod ka na lamang 'dun bukas, sa hapon na lang tayo umattend ng conference, and let's enjoy this beautiful place! Aasahan kita! Pag hindi ka dumating, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sayo.'
Aba, at pinagbantaan pa ako ni Lola. Wala na nga akong nagawa kundi ang tumango at pumayag.
Bago natapos ang araw na 'yon ay tumawag muna ako kina nanay. Nangamusta ako bago ako natulog, at siyempre inihanda na din ang pang-jogging ko for the next day. Na-obliga akong sumunod sa mga kasama kong lolo't lola... Ayoko ko yatang masumpa ng mga matatanda, noh!
***
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...
