SAMUEL'S POV
'Mom, please huwag sa Indonesia. Hindi din ako makapag-isip dun.' I was trying to convince mom na I would just stay sa Philippines.
'Tama nga naman, Mommy Tin. Sikat si Baby Boy si Indonesia, noh. hahabulin lang din siya ng mga fans niya dun. Mag Paris ka kaya!'
'Nice suggestion, Steph. But I'm not ready for Paris, and I'm not in the mood para magliwaliw; I just want to think... alone.' Mom was looking at me and I could see my mother not my manager.
'Okay, Sam... where do you want to be, then? Still can't decide? Hmmm... Mag Baguio ka na lang kaya, Anak... pwede ka pang mag-isip while driving, just promise me mag-iingat ka and be responsible sa pagmamaneho.'
I was surprised. Mom never let me drive my own car. She even hired a driver para ipagmaneho ako papuntang tapings and shows; sometimes, Stephano drives for me. Hindi na niya ako pinayagang mag-drive mula ng nabangga ko 'yong bagong car ko sa puno while driving at our village during my 18th Birthday; medyo masaklap 'yon kasi kinailangan kong maglagay ng neck-braces for almost two weeks.
'Mom, are you sure you're letting me drive again?'
Napangiti ako, hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mom, baka kasi magbago pa isip niya so I just hugged and thanked her.
'Thanks, Mom. I promise I'll take care of myself. Don't worry, I'm big boy now.'
***
MARIANNE'S POV
Habang nag-iimpake ako ay nasa loob din ng kwarto sina nanay, tatay at ang kapatid ko.
'Anak, sigurado ka bang kaya mong bumiyahe mag-isa? baka mawala ka dun ha.'
Masyado na naman silang nag-aalala. Minsan lang kasi ako mawala sa paningin nila, lalo pa ngayon at mag-isa lang akong aalis.
'Nay, okay lang po ako. 'Di ba po nakapunta na 'ko ng Baguio noon. Tsaka, sa hotel lang din naman po na tinutuluyan ko 'yong conference eh. Hindi naman po siguro ako mawawala 'dun.'
'Basta ate, ang pasalubong ko ha.'
''Nak, 'yong gamot mo sa asthma 'wag mong kalimutan, baka atakihin ka 'dun; malamig dun magbaon ka ng maraming jacket at medyas...'
'Tay, relax. Two weeks lang po akong mawawala. Ah... hindi na lang po ako maliligo palagi para hindi ako lamigin!'
Tumawa na lang kaming lahat. At natulog din ng mas maaga dahil ihahatid nila ako sa airport bukas ng madaling araw.
***
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomansaWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...
