CHAPTER XI 'I FEEL SAFE WHEN I'M WITH YOU'

149 3 0
                                    

['I FEEL SAFE WHEN I'M WITH YOU']

'So, here's our itinerary: Four days and three nights tayo sa camp; hiking and trekking. May zipline and rappeling activities...' 

Samuel's re-reading their itinirary to Marianne, while she tried to calm herself. The thought of the forest and the steepy mountainside freaks her a little.

'Okay ka lang?' Napansin niya na she's a bit uneasy.

'Oo naman. excited lang siguro. Tara na! baka iwan na tayo ng mga kasama natin.'

***

SAMUEL'S POV

She's wearing another statement shirt: 'Ayokong Ma-Lost'. She's somewhat uneasy; baka hindi lang masyadong nakatulog. Sabi ko naman kasing sa bed na siya at ako na lang sa couch pero ayaw niya talaga... matigas din ang ulo.

She remained quiet on the first hours of our journey. Medyo mabagal siya kaya kailangan ko siyang hintayin. And everytime I asked her if she's fine, she would nod and smile at me. Hindi siya mareklamo; if Jazzy was with me sigurado putak na ng putak 'yon at walang preno sa pag-iinarte at pagrereklamo.

When we stopped, she got her inhaler out of her backpack and nag-puff once. I got worried; may asthma nga pala siya, I should have known that.

'Okay ka lang ba, Babe? Masama ba pakiramdam mo?'

Nagwo-worry na talaga ako.

'Yeah. I'm fine... kering-keri ko pa.'

I looked at her. I could feel that she wasn't okay but she still managed to smile.

'Babe, okay lang ako. Don't worry, magpapakarga ako sa'yo pag hindi ko na kaya.'

At nagawa niya pang tumawa.

All through-out the hiking, I made sure I was with her. 'Pag may nangyari sa kanya ulit because of me mas makokonsensiya pa ako. Mabuti na lang at mukhang nag-eenjoy din siya kasama ako. 

How could I tell her that everything that I made her believe was a lie?

MARIANNE'S POV

Mabuti na lang at paakyat pa lang kami ng bundok, pag pababa na 'to matatakot na ako siguro; feeling ko kasi mahuhulog ako kapag bumubaba na eh, kaya nga natulog na lang ako habang sumasakay ng bus papuntang Baguio.

Medyo mabagal akong lumakad, kailangan pa tuloy bumalik at maghintay ni Samuel ng ilang beses para masabayan ako. Nang nag stop-over kami eh nag-puff muna ako ng inhaler, medyo napapagod na kasi ako... pangontra lang sa hika. Nahahalata kong medyo nag-aalala na si Samuel for me so, I managed to let him see me smiling everytime he asked me kung okay ako.

'Babe, okay lang ako. Don't worry, magpapakarga ako sa'yo pag hindi ko na kaya.'

Biniro ko na lang siya para tumawa siya kahit papaano.

Ang gentleman naman ng Samuel baby ko, hindi niya ko iniiwan at inaalalayan pa. Kahit na pagod at medyo kinakabahan na ako mas gugustuhin ko pa ring tawirin kahit na ilang bundok pa basta't kasama ko siya. 

***

Three days na kami sa bundok, bukas bababa na kami. Parang nag-community immersion nga din kami kasi nakipaghalubilo kami sa mga taga-bundok; naki-jamming at naligo sa mga talon at ilog. 

Takot na takot akong subukan ang zipline. Nanginginig ang tuhod ko at parang iiyak na 'ko, mabuti na lang nandiyan si Samuel.

'I'll never let go of you. Pag nahulog ka, mahuhulog din ako... sabay tayo.'

He promised that he would be with me, na sabay kaming magzi-zipline at hindi niya bibitawan ang kamay ko. Well, he fulfilled his promised. He never let go of my hand hanggang sa nakaabot kami sa dulo. Napaiyak ako sa sobrang tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Ang sarap parang maglambitin kasama ang mahal mo.

Pati sa pagra-rappeling ay magkasama kami kaya hindi na ako natakot. Nalilimutan ko ang takot ko pagkasama ko siya. 

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon