[THE ONE THAT GOT AWAY]
SAMUEL'S POV
Kahit pa sinabi 'yun ni Jazzy, I still decided na kailangan ko talagang makita si Marianne. Kailangan malinaw namin ang lahat.
Nagtanong-tanong ako sa hotel crew at nalaman ko kung saang hotel ang conference na 'yun. Mabilis akong umalis, umaasang nandoon nga si Marianne.
Ang hassle nga naman kapag walang kang sasakyan! mabuti na lang at nakapara ako agad ng taxi.
"Manong, doon po ako sa hotel kung saan ginaganap 'yong national conference... alam niyo ba 'yon?"
Ngumiti siya sabay sabing:
"Ah, na mayns myow otel mo ma (Ah, sa Pines View Hotel po ba)?"
Napanga-nga ako, ngo-ngo pala 'yong driver. Pero kahit hindi ko siya naintindihan ay tumango na lang ako... baka doon nga 'yong tinutukoy niya.
***
MARIANNE'S POV
"Hello, nay... sorry po ngayon lang ako nakatawag. Papunta na po ako ng Bus Terminal. 'wag po kayong mag-alala, okay lang po ako... Miss ko na po kayo. Marami po akong dalang pasalubong... at kwento."
Uuwi na ako. I should let go all of my feelings. What happened in Baguio should stay in Baguio. Para din naman 'to sa ikabubuti ni Sam. Hindi ko kakayanin kung ako mismo ang sisira at gugulo sa buhay niya.Mas lalala pa ang lahat kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya. Ako lang din ang masasaktan.Umasa kasi ako na mamahalin ako ng taong mahal ko... ang kaso, he's not a typical boy... hindi kami bagay. Sana na-realize ko na hindi totoo ang lahat. Nalimutan ko, sanay nga pala siya sa pag-arte... naniwala naman ako. Ang tanga ko talaga!
***
SAMUEL'S POV
"What?! nakaalis na ang lahat ng participants?!"
"Opo, Sir. May service po kasi sila papuntang terminal ng bus going to Manila... pero baka maabutan niyo pa po kung..."
Hindi ko na pinatapos pa ng pagsasalita ang front desk officer. Nagmamadali akong sumakay ulit sa taxi papuntang Bus Terminal. Hindi ako mapakali... kailangan ko siyang maabutan.
***
SAMUEL'S POV
"Samuelle! Marianne!! BABE!!!"
Hindi ko alam kung ano ang pangalang itatawag ko sa kanya. Nang sumigaw ako'y nagsilingunan ang mga tao at tiningnan ako ng lahat. Nakita ko siyang papaakyat na ng bus. Tumakbo ako papunta sa kanya. Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sa akin. Siguro ay nakikilala na nila ako, naiintriga din siguro kung bakit ako may neck braces at hinahabol ang babaeng hindi nila kakilala. Pero wala akong pakialam.
Tinawag ko siya. Pero hindi niya ako naririnig at patuloy siyang sumakay sa papalis na bus.
Sinubukan kong habulin siya pero biglang dumating sina Stephano at pinigilan nila ako. Dali-dali nila akong ipinasok sa sasakyan at umalis din kami agad.
Pinagtinginan ako ng mga tao. And when I was inside the car nakita kong may sinabi sa kanila si Stephano at kumaway ng papaalis na. And when he get into the car he talked to me:
"I've never imagined na mangyayari 'to sa'yo. Kailangan ko pa tuloy na magsinungaling sa mga tao at sabihing shooting ang naganap. What happened, Baby Boy?"
He looked disappointed with me, At ako naman hindi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa nangyari. I love her, but am I just being delusional with that? Akala ko totoo... the love I've experienced felt so real. Pero bakit ganun?
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...