CHAPTER VIII LIVING WITH *HIM (*A LIE)

169 3 1
                                    

[LIVING WITH *HIM (*A LIE)]

MARIANNE'S POV

After one more day ay nakalabas na ako ng hospital. Hindi na naman masakit ang katawan ko, at sino ba naman ang hindi gagaling agad kung anghel ang taga-alaga mo? In fairness, mabait si Samuel sa'kin... kahit na minsan feeling ko napipilitan na siyang alagan ako at maging sweet sa akin. Mukhang umiwas din siya kapag nagtatanong ako.

On the way to the hotel where he was staying:

'Sam, paano ba tayo nagkakilala?' Hindi ko na napigil pa, gusto kong malaman kong ano ang istoryang isasagot niya sakin.

'Ah... actually, hindi pa tayo masyadong magkakilala. Believe it or not, two days pa lang tayong mag-on when the accident happen. That's why I don't know a lot of things about you. Nag-meet tayo habang... habang nagmo-mountain climbing! tama!'

Galing niya, parang totoo.

'Hindi ka ba naniniwala... Babe?' Tinitigan niya ako; alam ko he's worried.

'Siyempre naniniwala. I'll believe everything that you'll say... And I won't mind kung ano man nangyari before that accident, what matters for me is that I'm with you.' Wala eh, I really like him kaya parang nalunod na ako sa kasinungalingan.

***

SAMUEL'S POV

Nagsimula na siyang magtanong, and I need to lie para maayos ang gusot. Pumunta ako dito to find myself, pero ito at napasubo na naman sa isang kasinungalingan. If tatapusin ko naman to, baka lumala pa ang lahat at ito ang ikasisira ng career ko. I didn't know what to do. Mabait siya, kinokonsensya ako tuwing nagsisinungaling ako sa kanya; pero mas hindi ko kakayanin na pabayaan na lang siya na hindi alam kung ano ang gagawin dahil nga wala siyang naaalala.

'Sam, saan nga pala ang mga gamit ko?' 

Lagot! ano na naman bang kasinungalingan ang sasabihin ko sa kanya?

'Ah, sorry, Babe. I forgot to tell you. You're staying in another hotel pero dahil nga ayaw mong sabihin sakin kung saan... eh hindi ko din alam. Don't worry, we'll buy some clothes na lang mamaya sa mall. Is that okay?'

Tumango lang siya at ngumiti. Mabuti na lang at walang follow-up questions. And good thing, hindi niya kilala kung sino ako.

***

MARIANNE'S POV

Dinala ako ni Samuel sa isang Chinese Restaurant. Hindi ko na talaga kinakaya 'to! Nahihiya pa din talaga akong tumingin ng diretso sa kanya, parang palaging nanghihina ang tuhod ko. Ang hirap palang pigilin ng 'kilig' na tinatawag. Should I consider this as my first date? Dyahe naman oh, hindi pa naman ako marunong mag-chopsticks tapos dito pa niya ako dinala sa Chinese Restaurant. I tried na gumamit ng chopsticks pero natapon lang 'yong pagkain. Tumawa si Samuel. Nakakahiya!

'Sorry. Hindi talaga ako marunong eh. Sigurado ka bang Chinese ako?' Tinanong ko siya para hindi naman ako magmukhang tanga, siya kaya 'yong nagsabing chinese ako.

'Half-chinese. Pero iba lang siguro 'yong upbringing mo, baka hindi ka pinalaki in a chinese way... Don't worry susubuan na lang kita, ah...'

Oh my God! best date ever 'to! kahit kailan hindi ko naisip na magkakatotoo ang mga pantasya ko. 

'Masarap ba?' Isinubo niya din 'yong chopsticks na ginamit niyang pangsubo sakin! Para na din kaming nag-kiss!

'Hmmm...' Sumagot ako habang puno ng pansit ang bibig ko. 'Best pansit ever!' At natawa na lang siya.

TO BE CONTINUED...

The Accidental GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon