CONFESSIONS
MARIANNE'S POV
Nasa kalagitnaan na ng seremonya ng kasal ng may bigla sumigaw at tinawag si Tita Marian. Natigilan ang lahat ng bigla na lamang may nagsalita...
"Marianne...sorry, naging duwag ako... sorry, sarili ko lang ang inisip ko... sorry, dahil hinayaan kitang umalis..."
Nagbubulungan na ang mga tao at tila hindi rin alam ni Tita kung ano ang nangyayari at mukhang hindi niya kakilala ang lalaki.Mangiyak-ngiyak na rin ang boses niya habang patuloy na nagsasalita. sinubukan ko siyang silipin ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dami ng tao at sa sikat ng araw na pumapasok mismo sa loob ng simbahan. All that's visible is the man's silhouette.
"Sorry, hindi ko sinasadya na guluhin ang kasal mo...someone told me that it's better to love and be hurt than not to have loved at all so, I took this chance and follow my heart... kung magalit ka man sa akin at kahit masaktan man ako tatanggapin ko...Sorry, kung hindi ko na sabi na mahal kita... at sorry din kasi I can't stop myself from loving you...Marianne... Marianne?"
He was really crying... and his voice seemed to be familiar, and just as he called that name again,bigla na lang akong kinabahan...
I stood up and walked from where I was. Sinubukan kung lumapit sa sa may altar para makita kung sino ba ang lalaking nakaluhod sa aisle ng simbahan at nanggugulo sa kasal ng Tita ko... pero masyadong nakakasilaw talaga at hindi ko pa din maaninag ang mukha niya... Nang biglang may dalawang lalaking lumapit at pinipilit siyang lumabas na ng simbahan. Noong una ay mahinahon siyang lumakad kasama ang dalawang lalaki ngunit bigla siyang bumalik at tumakbo papunta mismong altar. Nang malapit na siya ay biglang hinarap siya ni Tita Marian at bigla siyang natigilan.
"Marianne?"
Tumakbo ako papunta sa kanya. Hindi ako makapaniwala, akala ko imposible pero... natagpuan niya ako, hinahanap ako ni Samuel!
Parang nag slow motion ang lahat ng tumakbo ako papunta sa kanya, hindi makapagsalita... ng mapansin niya akong paparating ay nagkatinginan kami, parehong maluha-luha ngunit napangiti. Subalit sa isang iglap ay...
"PAK!"
"Sino ka at ang lakas ng loob mong guluhin ang kasal ko ha?!!!hindi nga kita kilala eh!!
Ayun... dahil sa galit ng Tita Marian ko ay nasapak niya ng pagkalakas ang Samuel Baby ko. It was too late ng marecognize niyang si Samuel pala yun at napagkamalang siya ay ako. kawawa naman Samuel Baby ko, hinimatay tuloy.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Accidental GIRLFRIEND
RomanceWhat if one day you'll wake up and find out that you're with this amazingly beautiful guy who turned your world upside down in an instant? would you choose to stay with him, be madly in love,live a lie, and be loved for who you're not, or would you...