Chapter 1: Tsk! Men!

2.5K 18 1
                                    

Isang mainit na panahon ang bumungad ngayong araw na ito. Tipikal na araw sa mga taong nagtratrabaho at pumpasok sa eskwelahan. Gigising ng maaga para maligo at magbihis, kakain ng almusal at tutungo sa kanikanyang patutunguhan.

Kkkkkkrrrrrriiiiiinnnnnggggg!!!

Hmmnn!

Kkkkkkrrrrrriiiiiinnnnnggggg

(Abot sa alarm clock sa tabi ng higaan, at tinapat sa tenga)

Hello? Ahh!!!

Aray!. Sakit naman sa tenga neto!.(-_<)..

(Ting)

Sigurado akong si tita ang nag set nito. Tsk.

(Nagpapadyak, Paikot ikot at unti unti ng bumangon sa higaan sabay punas ng mga mata)

Kamusta? Ako nga pala si Karylle, short for Ana Karylle Tatlonghari. Nasa 20ish na ako(tumigil ang pagbibilang ko sa aking edad nung tununtung ako ng 20). Want to know the truth?atin atin lang to hah.. 22 na ako, nakapagtapos ng simpleng secretarial coarse. At nakapagtrabaho bilang secretarya ng isang maliit na law office ng 3 buwan, pero umalis rin ako dahil sa sobrang kamanyakan nung matandang abugadong boss ko. Hindi niya napigilan ang sarili niya sa alindog at kagandahan ko siguro(Ehhehh hindi naman sa pagmamayabang ano). Pero ngayon sumaside line ako bilang singer sa isang club malapit sa amin. Pinasok ako roon ng kaibigan kong si DD (Dingdong) siya ay nagtratrabaho rin doon bilang guitarista sa club na iyon. Si DD ay kaibigan ko simula highschool pa, kaya super close na kami nyan.

Sa ngayon ay nasa poder ako ng aking Tito Martin at Tita Lani, ngunit medyo mainit ang dugo sa akin ng aking tita lani dahil para sa kanya pabigat raw ako sa pamilya nila. sa totoo lang, mabait naman si Tita Lani e. Medyo masungit nga lang, pero kahit ganyan yan mahal ko yan. Si Tito Martin naman ay nagtratrabaho bilang tagapagluto sa isang pamilya sa Manila, kaya madalas wala siya dito sa bahay dahil stay-in sya doon at kami ay naiwan dito sa Batangas.

Mabait si Tito Martin, tinuring nya akong tunay na anak simula nung pumanaw ang aking ina 12 years ago. At kung tatanungin nyo naman ako sa aking ama.. Well, di ko na sya nakita, sabi nila nung nalaman daw nya na buntis ang aking ina ay di na ito nagpakita pa. (What a..!?!) di naman nagkwekwento si Tito, dahil di man daw niya nakita yung magaling kong ama at sinikreto nila ang kanilang relasyon noon sa buong pamilya. Well, i don't care.. Wala na rin naman akong balak makita siya.

Tita Lani: oh buti naman at nagising kana.baka gusto mong tumulong sa bahay noh! Nakakahiya naman kasi sayo.!

K: Tita naman, ang aga aga mainit agad ulo mo. BAhala ka, baka tumanda agad ang itsura mo nyan, e ang ganda ganda mo pa naman..tsk

Tita lani: naku karel!! tigilan mo ko sa mga pambobola mo! At matagal ko ng alam na maganda ako!

K: si Tita, ang aga magjoke.ehhehh

Tita Lani: aba! Itong bata na to. Mabuti pa magluto ka na ng agahan dyan ng may pakinabang ka.

K: i love you tita. (^____^)

Tita Lani: behh! :p

Isa lang ang naging anak nila Tito at Tita, siya si Julius, 6 years old. Sweet siya at sobrang cute lalo na sa mga dimples nito sa pisngi. Gusto ko nga pag nagkaanak ako, gusto ko katulad niya.

Julius: Good morning ate K!! .(.^______^.) hmmnn.. Sarap naman ng luto mo. ( sabay yakap sa bewang ni K)

K: sus! Ang agang paglambing naman nyan baby ko. Buti pa magtoothbrush kana at ihahatid na kita sa school. Malate ka pa nyan. (Sabay gulo sa buhok ng bata)

Julius: ok po.

-------------------------------------------------

Kakahatid ko lang kay Julius sa eskwelahan, sa ngayon naglalakad ako para maghanap ng trabaho pandagdag kita man lang.....

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon