Chapter 24: Natatanggap ko na!

582 6 0
                                    

K: Aaaahhhhh!!..

Eto na naman ako! Napanaginipan ko nanaman ang bwisit na panaginip na iyon!.. Ano ba kasi ang ibig sabihin nun at ayaw akong tantanan..

Tumingin ako sa paligid ko.. Nagtaka ako kung bakit ang daming mga tao.. Ang sasama ng mga tingin, kung nakakahati lang ang tingin nila, malamang chop-chop lady na ako ngayon..

Manong: Miss! Nagsisisigaw ka kasi diyan.. Nakakabulabog ka ng ibang pasahero, kung di ka tatahimik, bumaba ka na lang.. Tsk!

Hala!! Nakatulog pala ako sa biyahe.. Pauwi na kasi ako ng Manila ngayon. At itong kundoktor na ito ay napakasungit..

K: *Aba ang sungit!*.. Kuya, di naman po ako magsisisigaw dito ng walang dahilan! May nakita lang kasi akong daga na singlaki at singBaho rin ng paa niyo.. *Naku! Di ko hahayaang mapahiya ako nitong panot na ito!!*

Manong: Hoy babae! Wag mo akong susungitan!

K: Eh kuya! Wag mo rin akong susungitan!

Manong: Hoy! Bumaba ka na nga! Buwisit!

K: Kuya nagbayad po ako.. Kaya may karapatan akong manatili.. E kayo, nagbayad po ba kayo? Kung hindi e d kayo ang bumaba.. Tsk!

Manong: Ay! Buwisit! Bahala ka nga diyan!! (Naglakad paalis)

Inirapan ko na lang siya.. Kainis! Umagang umaga ang sungit!.. Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na 7 na ng umaga.. *Asar! Male-late pa ata ako.*.. Tumingin ako sa bintana ng bus na sinasakyan ko at napansin ko naman na malapit na rin ako.. Sana hindi ako malate.. Buti na lang at naisip ko na dumeretso na lang ng office at wag na munang dumaan sa bahay..

Tumingin ako sa cellphone ko at nagulat dahil may 14 text messages and 4 missed calls na pala ako..

2 texts from Tito Idol...

From: Tito Idol

Ganda pauwi ka na ba? Ingat sa daan.

From: Tito Idol

Papasok ka ba ngayon? Tinatanong kasi nila Peter at Vice.

Aba!! Si Peter?? Anong nakain at tinanong ako.. Hay! K, secretary ka niya.. Malamang tanungin nun kung nasaan ka.

8 text messages from Vice...

From: Vicey.(^_^).

Asan ka?!

From: Vicey.(^_^).

Uy! Bat di ka sumasagot! Asan ka??

From: Vicey.(^_^).

Psstt!!

From: Vicey.(^_^).

Psstt!!

From: Vicey.(^_^).

Psstt!!

From: Vicey.(^_^).

Sabi ni Kuya Mart nasa Batangas ka raw? Bat di mo sinabi na pupunta ka diyan!! Tsk!

From: Vicey.(^_^).

Good morning! Uuwi ka ba ngayon? Bat wala ka pa? Huy, monday ngayon may trabaho noh!

From: Vicey.(^_^).

Asan ka na?! Isasabay na sana kita e.

Ang kulit naman neto.. Hahhahh!! Ang cute niyang magtext.. Hahhahh!

2 text messages from Dingdong...

From: DD

K, naka alis ka na ba?? May good news ako sayo..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon