Chapter 37: Ipis!

363 7 0
                                        

Karylle's POV:

I slowly opened my eyes and realized a familiar surrounding. I shifted my position and I saw the drawer leaning on the wall with mirror on it. I smiled when I saw my reflection on the mirror. But my eyes turned to my door when I heard sounds outside my room. It is like people talking...

"Tulog pa eh.. Gusto mo gisingin ko na?"... It sounds like Tito Martin. Kailan pa siya umuwi?

Then I heard another voice.."Wag na. Hintayin na lang natin siyang magising."... Napakunot ako ng noo, pamilyar ang boses na iyon. Kaya napa-upo na ako bigla. Anong ginagawa niya dito?..

Dali-dali akong tumayo at dumeretso muna sa salamin para tignan ang sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ko at naglakad ng mabilis sa banyo na malapit lang sa kwarto ko.. Naghilamos ako at nagsipilyo muna bago tuluyang lumabas..

Nagulat ako ng napagtanto kong tama nga ako. Andito siya sa bahay namin. Napahinto ako ng makita kong nakatingin na silang lahat sa akin..

"Buti naman at nagising kana." Bungad sa akin ni Tita Lani sabay lakad papuntang kusina.

Nakangiti lang naman sa akin si Tito Martin at sinenyasan akong lumapit at umupo sa tabi niya. Pero di ko iyon pinansin at nanatili lang akong nakatayo.

"K-Karylle.. Anak.." Tawag niya sa akin, pero di ko siya pinansin at nakatingin lang ako kay Tito Martin.. "Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko kay Tito Martin.

"Karylle, andito siya para pasyalan ka." Tugon ni Tito..

Tumayo si Mr. Reynaldo at inabot ang isang kahon.. "Ahh.. Eto pala, para sa iyo anak.." Napatingin ako sa kahon na hawak niya.

"Sabi kasi ni Martin, buko pie daw yung paborito mo. Kaya bumili ako." Nahihiya niyang sabi ng mapansin siguro niya ang pagtataka ko.

Tinignan ko si Tito Martin at tumango lang ito. Kaya napabuntong hininga ako at inabot ang kahon. "Salamat." Mahina kong tugon.

Nakita ko naman na napangiti ito. Nanatili lang akong naka-tayo ng biglang tumayo si Tito Martin at hinila ako sa sopa at pinaupo. "Oh! Dito ka na mag tanghalian Rey. Pupunta lang ako sandali sa kusina para makapag luto na." Humawak ako sa kamay ni Tito at tinignan siya. Pero ngumiti lang ito sa akin at hinimas ang kamay ko. "Ikaw na muna ang bahala sa bisita natin."

Nakatingin lang ako sa dinaanan ni Tito Martin ng biglang magsalita si Mr. Reynaldo.. "Ahh.. Anak?.." Panimula nito.

Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Kitang-kita ko sa kanya ang kaba dahil sa pag-lalaro nito sa kanyang mga daliri. Minsan bubuksan niya ang bibig niya pero isasara rin niya ito agad na tila di niya alam ang dapat sabihin.

Huminga ako ng malalim.. "Sorry po sa naging asal ko sa inyo." Sinsero kong tugon. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Hi-hindi.. Ayus lang iyon, naiintindihan ko anak."

Muling nanahimik sa pagitan namin.. Parehong tinatansya ang isa't isa..

"Ako ang dapat humingi ng tawad, anak. Patawad, dahil kung hindi ako naging mahina hindi dapat nangyari ang mga ito." Hatid niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi niyo naman po kasalanan lahat. Hinanap niyo po kami. Iyon po ang mahalaga."

Nginitian ko saya at nakita ko ang pagsaya ng mukha niya.. "Anak.." Naluluha nitong tawag sa akin.

"P-pwede ba kitang mayakap?" Pagpapatuloy pa nito.

Tumango ako sabay ng pagtayo niya at paglapit sa akin.. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman ko ang pagbuhos ng mga luha ko kaya di ko na napigilan pa ang aking pag-iyak.. Para akong bata na humihikbi pa habang hinihimas niya ang buhok ko para patahanin..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon