Chapter 34: Sibling Rivalry

376 9 0
                                    

9 na ng umaga at hindi masyadong nakatulog si Karylle dahil sa nangyari at nalaman nito kagabi.. Nakahiga lamang ito sa kanyang higaan at nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. Nang biglang may pumasok sa kanyang silid..

Tito Martin: Oh, gising ka na pala. Ayus ka lang ba?

K: Opo Tito, ayus lang ako. (Sagot nito ng hindi tumitingin sa kausap)

Nag taka naman ang kanyang Tito dahil parang wala sa sarili ang kanyang pamangkin. Lumapit ito at nilagay ang kanyang kamay sa ulo ni Karylle.

Tito Martin: Hmmnn.. Wala ka namang lagnat ahh.. Bat ang tamlay mo ata.

K: Medyo di lang po ako nakatulog ng maayos Tito.. Pero ayus lang po talaga ako. (Nilingon ang kausap at nagbigay ng pekeng ngiti)

Tumayo na si Karylle at dumeretso sa banyo upang maligo. At naiwan naman sa kwarto si Tito Martin na nagaalala sa pamangkin. Lumapit ito sa banyo upang sabihan si Karylle na kumain na lang matapos maligo at umalis na rin ito sa silid ng dalaga.

Matapos maligo at magbihis ni K, lumabas na ito ng kwarto upang kumain.. Ngunit sadyang wala talaga itong ganang kumain at pinaglalaruan lamang nito ang pagkain sa kanyang kutsara.. Napansin ito ni Tito Martin pero di na nito inusisa pa ang pamangkin..

Tito Martin: Nauna ng pumasok ang magkapatid.. Hinahanap ka nga nila kanina.. (Facing Karylle and waiting for her response).. Hindi ka ba papasok??

Pero sadyang wala sa sarili ngayon ang dalaga at mukhang pagod na sa pagiisip kaya hindi na ito nakasagot sa tanong ng kanyang Tito..

Nang bigla namang pumasok sa kusina si Mr. Raynaldo upang kausapin si Tito Martin...

Mr. Reynaldo: Oh Mart, pwede bang adobo ang iluto mo mamayang dinner? Namiss ko na kasi eh..

Samantalang nanatili lamang na nakayuko si Karylle at mahigpit na hinawakan ang kanyang kutsara na tila nayuyupi na sa sobrang higpit ng hawak nito .. Nang biglang ituon ni Mr. Reynaldo ang pansin sa dalaga..

Mr. Reynaldo: Magandang umaga Karylle.. Wala kang pasok sa opisina ngayon? (Nakangiti sa dalaga)

Hindi sumagot si Karylle at nakayuko pa rin sa mesa..

Tito Martin: Naku! Eh masama kasi ang pakiramdam nya.. Ayos lang ba kung wag muna syang pumasok ngayon??

Mr. Reynaldo: Ayus lang sakin. Ako ng bahalang magsabi kay Peter.. Basta magpahinga ka lang ija.. (Worried)

K: (Turned her face to Mr. Reynaldo and gave a fake smile) Opo.. Salamat.

Dali daling tumayo para magpaalam at dumeretso sa kwarto nito.. Inisip na lang ng Tito nya at ni Mr. Reynaldo na talagang masama lang ang pakiramdam nito.. At matapos magkwentuhan ng dalawa ay umalis na si Mr. Reynaldo upang pumasok ng opisina..

----------------------------------

Nagising si Karylle ng tumunog ang cellphone nito.. Tinignan niya at nakitang tumatawag si Peter..

K: He-Hello?.. (Talk while yawning)

Peter: Oh nagising ba kita? Kamusta ka na? Kumain ka na ba? Tsk.. Ano ba kasing ginawa mo at nagkasakit ka? Puntahan kita dyan. May gusto ka bang kainin? Bibilhan na lang kita.. (Sunod sunod na tanong nito na halata sa boses ang pagaalala)

K: Ahhahhahh..

Peter: Ano to? Nabaliw na? Tawa na lang ang isasagot?

K: Ikaw kasi e.. Ang OA lang.. Wala akong sakit noh.. Masama lang ang pakiramdam pero walang sakit.. AYos na nga ako e.

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon