Chapter 18: Bakla Ako!

590 6 0
                                    

Karylle went down from Vice's room to the kitchen. Kitang kita ang pagkainis sa mukha niya.. Dure-duretso ito sa refrigerator para kumuha ng maiinom.. Ng di nito napansin na may ibang tao rin sa loob ng kusina..

K: Bwisit! Kainis! Sarap kalbuhin ng demonyong iyon!! Uurrrgh!! (Inom ng tubig)

---: Init ng ulo natin ahh?!

K: Agh! Agh! (Choked).. Peter?! Kanina ka pa diyan?..

Peter: Yup! Eh.. Mukhang di mo na ako napansin dito sa sobrang badtrip mo diyan.. Ano bang nangyari sayo at ang init ng ulo mo?.. (Kumakain ng cake)

K: *Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung nangyari, paano na?!*.. Ahh! Wala hayaan mo na. Di na importante..

Peter: Sigurado ka??

K: (Nodded)

Peter: Ok.. Ganito na lang! Gusto mo ng cake? It's good to lift up your mood! (Smiled widely)

K: (Smiled) Sige ba!

At kumain silang dalawa ng cake.. Masaya silang nagkwentuhan hanggang sa naisipan ni Peter na asarin si K kaya nilagyan niya ito ng icing sa mukha at gumanti naman si Karylle.. Naghabulan sila sa kusina hanggang sa nahabol ni Peter si Karylle at niyakap ang dalaga mula sa likod..

Nung una ay pumapalag pa si Karylle pero ng mapansin niya ang position nilang dalawa ay napahinto ito at di nakagalaw.. Ramdam ng dalaga ang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang paginit ng mukha nito..

Si Peter ay napatigil rin at nanatili ito sa kanilang posisyon, napatitig ito sa mahaba at makinis na leeg ng dalaga dahil nakapusod lang ang buhok nito, hindi maiwasan ni Peter ang mapalunok kaya ipinatong na lang niya ang ulo sa balikat ni K.. Amoy nito ang mabangong buhok ng dalaga.. Nagising naman si Peter sa pagiisip ng marinig nitong magsalita si Karylle, kaya napakalas ito sa pagkakayakap sa dalaga...

K: (Cleared her throat) Ahhm.. Peter?

Peter: (Stood up properly).. Hahhahh! Ang lagkit na natin oh! We should clean ourself up.. Sige maliligo na muna ako.. Ikaw rin K. (Smiled and walk out from the kitchen)

Bago pa man makasagot si K ay naka-alis na si Peter.. Naiwan ito sa kusina mag-isa at nabigla sa mga nangyari.. Hanggang sa maisipan na nitong maligo, pero di pa rin nawawala ang mga pangyayari kanina kasama si Peter..

Samantalang si Peter ay nasa banyo na ng kanyang silid at nakasandal lang sa pintuan.. Iniisip nito ang nangyari kanina..

Peter: Ano ba yun? Bakit ganun ang naramdaman ko? Niyakap ko siya at bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko.. Para akong nanghina.! And the worst is, na-turn on ata ako! Shiiitt!! This can't be! Imposible! Imposible!! Dahil BAKLA AKO!.. Wala ito! Namiss ko lang siguro ang boyfriend ko since 1 month na kaming di nagkikita.. Tama! Namiss ko lang ang boyfriend ko!

Naligo na si Peter at pinilit na burahin sa isipan niya ang mga nangyari.. Umalis ito ng bahay upang maiwasan si Karylle.. Sa isip niya ay kailangan niyang lumayo at mag-isip.. Alam niya sa sarili niya na magkakaroon siya ng pagkailang pag nagkasama sila ni K..

----------------------------------------------------------------------------

Lumipas ang 3 araw at napansin ni Karylle ang pagiging cold ni Peter sa kanya. Babatiin lang niya ang dalaga tapos duretso na ito sa pag-alis. Hindi narin siya sinasabay ni Peter sa pag-punta sa office at pag-uwi at kahit tuwing lunch break ay di na rin siya sinasabayan.. Kakausapin naman siya ni Peter pag may kailangan lang na papeles.. Gusto man ng dalaga na tanungin si Peter ay hindi nito magawa...

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon