Isang mabigat na araw na naman para kay Karylle pagmulat pa lang ng kanyang mga mata.. 3 araw na rin ang lumipas simula ng malaman nito na ang ama niya ay si Reynaldo... Simula ng araw na iyon, naging iba na ang kinikilos ni Karylle.. Hindi na siya yung dating palangiti, masayahin at laging positibo sa buhay.. Kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya kahit na pilit itong ngumingiti sa harap ng mga tao..
Puro iwas lang ito sa tuwing dumarating si Reynaldo at pilit na pinipigilan ang sarili na pagsalitaan ito ng mga masasakit na salita.. Kaya pumapasok na lang ito sa opisina ng sobrang aga at umuuwi pagkatapos na lang ng hapunan para di na nito makita at makasama si Reynaldo..
Ngayon ay Lunes ngunit pakiramdam ni Karylle ay pagod na pagod na siya dahil na rin siguro sa pag-iisip at sa pagiwas na ginagawa nito sa kanyang ama..
Ngunit di naman ito nakaligtas sa mga mata ni Peter at ni Vice.. Napapansin nila ang pagbabago sa dalaga.. Lagi itong wala sa sarili minsan napapansin na lang nila ang mga luha na namumuo sa mga mata ng dalaga.. Pilit nilang inaalam ang problema ni Karylle ngunit panay tanggi lang ito sa kanila..
*****************************************
Naka-upo lamang si Karylle habang nakasandal ang baba sa kanyang mga palad. Panay buntong hininga ito at tila malalim ang iniisip.. Nagising naman ito ng bigla siyang tawagin ni Peter mula sa kanyang opisina, kaya dali-dali itong tumayo at nagtungo kay Peter...
K: Tinatawag mo ako Pete?? (Walang ganang tanong nito sa binata)
Peter: K, upo ka muna dito.. (Turo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa)
Sinunod naman ito agad ni Karylle.. Umupo ito at humarap kay Peter ng may halong pagtataka sa kanyang mukha...
K: What is wrong??
Pete: K, I should be the one asking you that question.. May problema ba?? (Worried on his face)
Napaiwas na lang ng tingin si Karylle.. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang bagay na nalaman niya.. Kung tama ba na sabihin niya na ama niya ang ama nila..
K: Pete.. Ayus lang ako.. Ilang beses na nating napagusapan ito.. I'm fine.. Medyo masama lang ang gising ko ngay--
Peter: K naman.. Your not fine.. Kitang-kita sayo oh!! Your always zoned out, you barely talk and smile which is very unusual for us.. K, if you have a problem, you can trust me.. I'm here... For you..
Alalang-ala na talaga si Peter sa kalagayan ni K.. Minsan nakikita nalang niya ang dalaga na mangiyak-ngiyak.. Gusto niya itong yakapin at tulungan sa kung anuman ang pinagdaraanan nito, pero hindi naman nagsasabi si Karylle sa kanyang problema..
Tumayo si Peter at umupo sa upuan na kaharap ni Karylle.. Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga at tinitigan ang mga mata nito.. Bakas sa mga mata ni Karylle ang lungkot, kaya di mapilgilan ni Peter na yakapin ito..
Peter: K... I know you're hurt.. I know you're not fine... I really want to know whatever that thing that troubles you.. I'm just not used to it, seeing you sad, cause it makes me sad as well.. But if you're not ready to share with me, I understand.. Just remember that I'm here for you.. (Yumakap ng mahigpit kay Karylle)
Gumanti rin ng yakap si Karylle.. Hindi na napigilan pa ng dalaga ang mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas.. Umiyak ito ng umiyak sa balikat ni Peter.. Hindi man alam ni Peter ang dahilan, ramdam naman nito ang bigat at sakit na nasa puso ng babaeng minamahal niya...
Ilang minuto rin silang nanatili sa ganoong posisyon, hanggang si Karylle na rin ang pumutol.. Umupo ito ng maayos at pinunasan ang kanyang mga luha..

BINABASA MO ANG
We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]
RandomViceRylle Story: It is a complicated love story, a girl met two guys by mistake and in a wrong way.. At first they hated each other but eventually the destiny strikes! What will happen if the one guy is a "Badboy" and the other one is a "Gay". A lot...