Naka leather jacket: Anong sabi mo?! (Nasa boses nito ang pagka pikon)
K: Eh.. Nagkamali ako.. Hindi pala ikaw yung lalaking tinutukoy ko..
Naka leather jacket: Ang ibig mong sabi....(Naputol ang sasabihin)
K: Ahh.. Sige alis na kami sensiya tao lang.. (>_o)
Natawa bigla ang 2 lalaking kasama ng napagkamalan ni Karylle. Ngunit di na nakapagsalita at kitang kita sa mukha nung lalaking naka jacket ang pagkabigla at pagkainis sa pagkakamali ni K.
Bigla na lang tumalikod si K sa lalaki at maglalakad na sana palabas ng may naalala ito bigla, at bumalik at naglakad... Ngunit nilagpasan nito yung lalaking pinagkamalan niya at pinuntahan ang ex ni Iza...
K: Hoy lalaking mukhang daga na pinaglihi sa piris!! (Piris ay isang insekto na mabalbon na madalas nakikita sa mga puno, at pag dumikit ito sa balat mangangati kayo!) *in case di nyo alam ehhehh.
Mystery BF: T-teka! Sa-sa-sandali lang miss! (napatayo sa kinauupuan)
Kinakabahan si Mystery BF sa paglapit ni Karylle dahil nakita nito ang pambubugbog nya sa lalaki. At lahat rin naman ng mga tao na nandoon ay nakatingin na kena K...
-booooggssshhh-
Sinapak ni K si Mystery BF ng buong lakas nito. At sa sakit at pagkabigla ay di na ito nakagalaw pa sa kinatatayuan nya.
K: Yan ay para sa kahihiyan na dinulot mo sa akin!
Mystery BF: Teka! Bat ako,? E ikaw yung sumugod dun sa lalaki ahh..
K: Aba't sumasagot sagot ka pa!! ( Akmang sasampalin ito pero di tinuloy)
-kkrruucchhh- (basta sound effect yan ng sinipa sa eggs ni Mystery BF)
Mystery BF: Arrgg!! Ahhh! Hhuu! Hhuu! (Napaluhod ito sa sakit)
Audience: Ooww!! ( sigaw ng mga taong nandoon)
K: Yan naman ay para sa kaibigan ko na pinaglaruan mo!!
Sa sobrang panggigigil ni K dahil sa kahihiyan.... Inabot nito ang buhok ni Mystery BF at sinabunutan ito...
K: Sa su-su-nod, ma-mi-mi-li ka ng ba-ba-eng lo-loko-hin mo!! (Sabay bato nito sa ulo ni Mystery BF) Para di napapahiya ang mga tao ng dahil sayo! Hmp!
Sabay talikod at dali daling lumabas na para bang nagmamarathon lang..
Diana: K!!..
DD: Uyy! Sandali lang K!
K: Naku bilis bilis K!! ( Sabi nito sa sarili. Dere-deretso pa rin ang pag lalakad nito.)
Ang tanging nasa isipan nito ay ang makalayo sa lugar na iyon agad agad!
Hanggang sa may humawak sa braso ni K upang tumigil ito sa paglalakad..
DD: Sandali lang naman K! Stop ka muna. (Hingal)
Iza: tama bang iwan kami dun ng ganun ganun lang!
Napansin ni K na malayo na ito sa lugar ng krimen!(Charot! Ehhehh)
K: Wala bang sumunod sa inyo? Di ba kayo nakilala? Baka naman nakahalata na sil.. ARAY!!
Diana: UMM!! Gusto mo pang binabatukan ka eh.
K: ang sakit kaya nun!! Pag ako nagka-amnesia! Ay! Sinasabi ko sayo Diana!..
Iza: Amnesia agad K!? E mukhang wala namang laman yan, kaya walang maaamnesia sayo. Ehhehh
K: Ahh ganyanan na lang! Laitan ganun?! Masaya ka na?! Masaya na kayo!? Tsk. (Pouted)
DD: Hala pikon na ang bata ohh..(Sabay akbay sa dalaga) Ang cute mo! (Kurot sa ilong ni K)
BINABASA MO ANG
We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]
RandomViceRylle Story: It is a complicated love story, a girl met two guys by mistake and in a wrong way.. At first they hated each other but eventually the destiny strikes! What will happen if the one guy is a "Badboy" and the other one is a "Gay". A lot...
![We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/21931624-64-k440203.jpg)