Chapter 6: Kailan Pa Siya Naging Adobo?

716 5 0
                                    

Gabi na ng umuwi ang mga kaibigan ni Vice.. Hinatid ng binata ang mga kaibigan sa labas ng bahay.. Pagkaalis ng mga ito ay dumaan muna si Vice sa kusina..

Vice: *Andun kaya si Karylle?*

Pagkarating ni Vice sa kusina, si Tito Martin lang ang kanyang nakita.. Itatanong na sana nito si Karylle ngunit nahiya ito..

Tito Martin: Oh..Vice! Gutom ka na ba? Paghain na kita ng dinner..

Vice: Naku, wag na Kuya Mart.. Busog pa naman ako e....... Ahh..... Tubig na lang po..

Hindi mapigilan ni Vice ang tumingin tingin sa pasilyo papunta sa kwarto nila Tito Mart at Karylle...

Hindi na mapigilan ni Vice ang magtanong..

Vice: Ahh.. Kuya Mart.. Hmmnn.. Pamangkin mo pala yung babaeng nagdala ng mirienda kanina? (While drinking)

Tito Martin: Ah.. Si Karylle. Anak siya ng kapatid ko. Sa akin na kasi lumaki yun e.. Bakit?

Vice: A-aah.. Wala po.. Natanong ko lang.. Si-sige po akyat na po ako.

Dali daling umakyat si Vice sa kanyang silid.. Palakad lakad lang ito sa loob na tila di mapakali at kinakausap ang sarili..

Vice: Aisst! Bat ko pa kasi tinanong e.. Baka kung ano pa isipin ni Kuya Mart nito.. Hayy!! Ano ba nangyayari sayo Vice. Baka nakakalimutan mo, sinapak ka nun!...... Pero nagsorry na sya ahh.... Tsk, bat ko ba kinakausap sarili ko.. Makatulog na nga lang.

Habang pinipilit ni Vice ang matulog... Si Karylle naman ay nakauwi na sa bahay ni Tita Lani at kakatapos lang mag-impake ng mga gamit.. Lumabas ito sa kanyang silid at nakita si Julius sa sala na nagdra-drawing at ito'y kanyang linapitan...

K: Ohh.. Ang busy ata ng baby boy ko? Hindi ako pinapansin e.. Tsk! Nakakatampo naman. (Sitting on the couch while pouting)

Julius: Ate naman e.. Wag kanang tampo! (Hugged K)

K: Ano ba kasi ginagawa mo baby?

Julius: Eto ate oh.. (Pakita ng papel) ginawa ko yan para sayo..(.^__^.)

K: Ang ganda naman.. Ang sweet sweet ng baby boy ko!! (Hugged Julius)

Julius: Magiingat ka dun ate hah.. Wag mong pababayaan sarili mo! Wala ako dun pag may nang away sayo e. (Still hugging)

K: Naku! Yan naman ang mamimiss ko sayo ehh.. (Hugged tighter) Tsaka, dadalaw naman ako lagi.. Di kaya kita matitiis noh..

Tita Lani: Ano ito, MMK? Ang drama hah..

K: Tita talaga daot sa acting ko.. (Humiwalay sa pagyakap)

Tita Lani: Hoohh! Pangit ng acting eh.. (Nakatayo sa tabi ng TV na nakapamewang)

K: Ehhehh.. Pero Tita seryoso, mamimiss kita (Wiggling her eyebrows)

Tita Lani: Ito rin seryoso, di kita mamimiss.. Para namang eng-eng to.. Uwian ka naman every weekends ah.. Feeling mo naman sa ibang bansa ka pupunta..

K: Si Tita nagpipigil pa..ehhehh. Tsaka syempre di ako sanay na malayo sayo noh.. Kaya sure ako na mamimiss kita. (Back hug kay Tita Lani)

Tita lani: Ang daming drama nito. Hoy! Alagaan mo Tito mo dun. Wag maging pa-biggest losser.. Wag maging pabigat! (Hinayaang nakaakap si Karylle)

K: Naks! Ito ang mamimiss ko sayo Tita, Yung cute mong pagtataray..ehhehh.. Don't worry Tita, akong bahala kay Tito.. (Kiss sa cheek ni Tita Lani at kay Julius)

Matapos ng usapang iyon, ay nagsipantulog na ang mga ito.. Para kay K bukas ay magiging exciting at nakakapagod dahil sa presensya ni Vice. Iniisip pa rin kasi ni Karylle na maaaring galit pa rin ito sa kanya...

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon