Chapter 39: Swimming tayo!

447 9 0
                                        

Karylle's POV:

"Waaahh!!!"

Iyan ang tili ko. Napalakas nga yata.. Kasalanan kasi ni Billy! Tinulak ba naman ako sa pool! Buti na lang at napakapit ako ng maigi sa braso niya kaya nasama ko siya sa pagkahulog ko.. Karma ang tawag du'n..

"Urgh! Billy naman kasi eh!" Sigaw ko sa kanya sabay hampas ng tubig sa mukha niya.. At nakakainis dahil pinagtawanan lang niya ako..

Nilapitan ko si Billy at pinagpapalo.. Pero dahil sa hindi pa ako nakontento ay pilit ko siyang nilulunod, pero di ko man lang matinag ang bwisit na ito.

Nakita ko naman si Anne na nasa gilid ng pool at umiinom ng juice, habang si Vhong ay bume-buwelo sa pagdive.

Teka nga! Bakit nga ba ako na-uwi sa pool na ito at kasama ang mga taong ito.??

Ahh... Oo nga pala!..

-Flashback-

Naglalakad si Karylle sa may hardin at nagmumuni-muni.. Nagiisip-isip ito ng pwede pa niyang gawin habang naghihintay ito sa pagbabalik ng kanyang ama..

Umupo muna ito sa isang bench at tumingin sa mga halaman na naroroon.. Ngunit napabalikwas ito ng may biglang tumakip ng kanyang mga mata.. "Si-sino ka?" Nag-aalangang tanong ng dalaga..

Narinig ni Karylle ang pagpipigil tawa ng taong nagtakip sa kanyang mata.. Kaya napa kunot ng noo ito at tinanggal ang mga kamay na nasa mata niya.. Lumingon si Karylle upang makita ang taong nangtri-trip sa kanya at napangiti ito ng napakalawak ng malaman niya kung sino ito..

"Billy!!" Sabik nitong sigaw at akap sa lalaki..

Napangiti rin naman si Billy dahil namiss niya talaga si Karylle.. "Ang tagal mong di nagparamdam ahh? Saan ka ba galing"

Napahiwalay naman si Karylle ng yakap at ngumiti lang kay Billy.. "Ano ito close-up commercial? Ngiti-ngiti lang?" Nagtatakang tanong ni Billy.

Umiling lang naman ang dalaga at umupo ulit kaya sumunod naman sa kanya si Billy..

"Wala naman..nagpahinga lang ng konti.." Sagot ni Karylle habang nakangiti..

"Halos isang buwan kita hindi nakita K.. Kung di pa nabanggit sa akin ni Vice na bumalik kana, di ko pa malalaman.. Tapos nagpahinga? Yung totoo, ilang hektarya ba ng palayan ang tinaniman mo at sobrang napagod ka ng ganyan?" Mahabang litanya ng binata..

Tumawa naman ang dalaga.. "Ano ka ba? Nagbakasyon lang naman ako. Kaya wag ka ngang ano diyan!"

Tinitigan siya ni Billy at sinusubukang basahin ang mukha ni Karylle.. Pinilit ni Karylle na ngumiti para di na mag-alala pa ang kaibigan..

Nagulat na lamang si Karylle ng akbayan siya ng binata.. "You know what? You're too transparent, K.. Even I've just known you for a short while, I can still say when you have problems or not."

Ini-angat ni Karylle ang ulo upang tignan ang binata at nginitian ito.. "You know what? I've just known you for a short while.. And I'm so lucky to have a friend like you, Billy." At isinandal nito ang ulo sa balikat ng binata.. "Don't worry.. Malalaman mo rin naman lahat. Sasabihin ko rin sa iyo lahat."

Ramdam ni Billy na may dinadala ang kaibigan niya, at dahil sa naging pahayag ng dalaga ay hinayaan na muna niya ito. Hihintayin na lamang niya na sabihin ni Karylle ang kung ano man ang bumabagabag sa kanya.

Napag-pasyahan nilang dalawa na maglakad-lakad sa buong bahay hanggang sa mapadpad sila sa swimming pool..

Napangiti naman si Billy at may naisip na kalokohan.. Nagpahuli sa paglalakad si Billy at dahan-dahang lumapit sa likuran ng dalaga..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon