Chapter19: Bakla Nga Siya!

564 4 0
                                    

Peter's POV:

3 araw ko na siyang iniiwasan simula nung mangyari yung sa kusina.. Pinilit kong tanggalin sa isip ko ang nangyari, pero di ko magawa! Hindi ko na siya pinapansin, di ko narin siya sinasabay pagpunta sa office at pag-uwi ng bahay, hindi na rin ako sumasabay sa ng lunch sa kanya.. Minsan pumapasok siya sa office para yayain akong maglunch pero lagi ko siyang tinatanggihan, sinasabi ko sa kanya na marami pa akong ginagawa kahit wala naman talaga o kaya aalis ako bago maglunch at babalik na lang pagkatapos ng lunch break..

Mahirap! Nahihirapan akong iwasan siya.. Dahil sa totoo lang namimiss ko na siya.. Yung pagiging kalog niya, yung pagiging inosente niya sa ibang bagay, pagiging masayahin niya, yung tawa niya, yung buhok nya, yung paghawak nya sa braso ko, yung pagyakap ko sa kanya at yung amoy nya.. Wait! Ano?! Hawak, yakap, amoy niya?! Yuck! Hindi!! Hindi!! Ano ba tong pinag-iisip ko!

Pag-uwi ko kanina sa bahay, may narinig akong nagtatawanan sa may sala.. Sumilip ako sa may pintuan at nakita ko si Vice na nakayakap kay K at nagkikilitian?. Urgh! Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.. Para bang naninikip ang dibdib ko! Dati nung isang araw lang ako ang gumagawa nun sa kanya, pero ngayon iba na! Ano ba ito?! Naiinis ako! Parang gusto kong hilain sa braso si K at ilayo kay Vice! Pero hindi! Hindi tama itong nararamdaman ko!!.. Kaya bago ako pumasok, huminga muna ako ng malalim at naglakad papasok ng walang lingon at dumeretso lang sa aking silid.

---------------------------------------

Nagising ako ng 6:30 am, kaya dali-dali akong bumangon at nagbihis.. Bumaba ako sa kusina para makapag-almusal at nadatnan ko si Vice na umiinom ng kape at kausap si K na kumakain sa kusina.. Umupo ako at kumuha ng plato at naglagay ng pagkain.. Napansin ko na nanahimik silang dalawa at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig lang sa akin si Karylle..

Vice: Ahmmn.. Ang sarap talaga ng kape mo K! Walang laban ang starbucks e..hahhahh!

K: Hahhahh! Dapat pala magbusiness nalang ako ng coffee shop noh? Ano kayang pangalan?? Ahh! Karffeeliscious! (With hand gesture)

Vice: Ahahhahh!! Ang pangit!

K: Oh.. E d ikaw ang mag-isip!Tsk! (Pout)

*Tsk! Wag mong gawin yan K! Ang cute mong tignan kasi!*.. Nakita ko na akmang kukurutin sana ni Vice ang pisngi ni Karylle kaya nagsalita na ako..

Peter: K-Karylle pahingi ng kape.. (Not facing Karylle)

K: ..(o_0).. Ahh.. Gusto mo? Sige pagtitimpla kita..

Tumayo si Karylle upang ipagtimpla ako ng kape.. Namiss ko ang kape nito.. 3days ko na rin di natitikman ang kape niya.. May droga ata siyang linalagay e, nakaka-adik lang kasi..

K: Ayan! Enjoy the coffee Sir!.. (Give the coffee and smile)

Peter: *Grabe! Those smile!! Urgh! Namiss ko talaga itong babae na ito!*

Vice: K, gusto mo sabay na tayo pumasok ng office??

Napatingin ako kay Vice.. Tapos binaling ko ang tingin ko kay Karylle para makita ko ang reaksyon niya, pero nakita ko na nakatingin rin siya sa akin kaya agad kong tinanggal ang tingin ko sa kanya..

K: (Sigh) Sige sasabay ako..

Vice: Ok! Tara na.. Kasi may dadaanan muna ako tapos duretso na tayo sa office..(^_^)

K: (Nodded)

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. Ayaw ko siya sumabay kay Vice, gusto ko sa akin lang! Patayo na sila, paano ko siya pipigilan!! Paano??..

Bigla na lang gumalaw mag-isa ang braso ko! Hinawakan ko ang kamay niya, tumayo ako at hinila siya papunta sa sasakyan ko at pinagbuksan ko siya ng pinto at tumuloy na ako sa driver seat.. Nang bigla ko siyang nakita na nakatayo lang at di pa pumapasok, kaya tumayo ako ulit at inupo ko siya at bumalik ulit sa driver seat.. Habang nagmamaneho, walang nagsasalita.. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa akin, hindi ko alam ang sasabihin ko hanggang sa sumandal na lang si Karylle sa bintana ng sasakyan ko. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil kasama ko siya ngayon..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon