Karylle's POV:
"Naku! Ganda!" Sabik na sambit sa akin ni Tito Martin.. Pinutol rin niya agad ang pagyakap sa akin at tinitigan ako mula paa hanggang ulo. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala "Ano ba ang nangyari sa iyo bata ka! Hindi mo na inaalagaan ata ang sarili mo. Tignan mo nga! Nangangayayat ka na!!".
Napangiti naman ako dahil ramdam ko ang pagmamahal talaga niya sa akin. Tumayo siya bilang ama ko at pamilya ko nung iwan kami ng magaling kong ama at ng pumanaw si mama. Kaya laking pasasalamat ko talaga na magkaroon ng isang Tito na tulad niya...
Kaya naman may karapatan rin siyang malaman ang nadiskubre ko.. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at seryoso ko siyang hinarap. "Tito.. May sasabihin po sana ako sa inyo." Napansin niya siguro ang pagiging seryoso ko kaya tumango siya at umupo sa isa sa mga stools sa kusina habang nagpupunas ng kamay gamit ang apron nito..
Nanatili lang kong nakatayo at nakaharap sa kanya "Tito, pasensiya na kung hindi ko ito agad sinabi sa inyo.. Naging magulo lang kasi ang isip ko..." Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mga kamay niya "M-may nalaman kasi ako... Tito, alam ko na kung sino ang Ama ko.." Napalunok ako matapos kong banggitin ang mga salitang iyon. Tumingin ako sa kanya para malaman kung ano ang reaksyon niya..
Kitang kita ang pagkagulat at pagkalito sa mukha niya. "Ano ba ang sinasabi mo Ana Karylle?"... Ayun! alam ko na seryoso na si Tito dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan'.. Tinatawag lang naman niya ako ng "Ana Karylle" pagseryoso siya o galit na siya.
Napayuko ako dahil hindi ko na alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya.. "Sino? Sino siya?" Mahinahong tanong niya sa akin, kaya napa tingin ulit ako sa kanya...
Huminga ulit ako ng malalim.. "S-si Sir... Si Sir Reynaldo po.." Kinakabahan kong sagot.. Nanlaki ang mga mata ni Tito Martin dahil hindi ito makapaniwala sa mga naririnig niya mula sa akin..
"Ana Karylle.. Hindi maganda ang nagbibintang! Paano naman magiging si Rey ang ama mo?" Hindi makapaniwalang tugon ni Tito.
Napailing ako sa kanya.. "Tito, nakausap ko siya.. Kinwento niya sa akin ang nakaraan niya.. Pinakita pa nga niya yung picture nila ni mama! Pero hindi ko nasabi sa kanya.. Dahil nadala na ako ng galit, kaya umalis na lang ako agad.." Di ko na mapigilan pa ang maiyak.. Ang bigat na kasi sa dibdib, kailangan ko ng ilabas ito..
Ilang minuto rin na nanatili kaming tahimik ni Tito. Tila tinatansya at inaalam ang dapat gawin.. Patuloy lang naman ako sa pagpunas sa nakakainis na mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko.
"Tito..." Pagtawag ko sa kanyang pansin.. Napasinghap ako ng humarap siya sa akin at nakita ko ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mga mata..
"Kailan pa?" Tanong niya sa akin.. "Mahigit isang Lingo na po.." Napayuko ako dahil sa hiya dahil sa paglilihim ko sa kanya.. Pero nabigla ako ng yumakap siya sa akin.. "Ganun katagal mo na dinadala ang sakit at bigat sa dibdib mo? Karylle naman! Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na lagi lang ako nandito.. Hindi mo kailangang solohin yan.."
Napa-iyak ako lalo dahil sa mga sinabi ni Tito.. "Sorry po! Sorry.. Sory.." Paulit-ulit kong sambit habang nakayakap lang ako kay Tito at siya naman ay pinapatahan ako habang hinihimas ang ulo ko.. "Sshh! Tahan na.. Naiintindihan ko." Tugon niya.
Nanatili lang kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto.. Hanggnag sa napahiwalay kami sa isa't isa ng marinig namin ang pagbukas ng pinto sa kusina..
Nagdikit ang mga kilay ni Tito ng makita niya kung sino ang dumating.. Kinabahan naman ako bigla dahil sa sitwasyon namin ngayon..
"Oh! I'm sorry.. Wrong timing ata ako Mart. Sige, mamaya na lang." Paalis na sana siya ng pigilan siya bigla ni Tito Martin.. "Sandali lang Rey.. Mag-usap tayo." Seryosong sambit ni Tito.. Nakaramdam ako ng takot dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso..

BINABASA MO ANG
We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]
RandomViceRylle Story: It is a complicated love story, a girl met two guys by mistake and in a wrong way.. At first they hated each other but eventually the destiny strikes! What will happen if the one guy is a "Badboy" and the other one is a "Gay". A lot...