Chapter 34: Tulong! Masakit na!

454 7 0
                                    

Ilang oras rin na nagmuni-muni si Karylle at kung saan-saan nagpunta para makapag-isip.. Hanggang sa namalayan na lang nito na naglalakad na siya sa kanto ng bahay nila sa Batangas.. Napagpasyahan niyang umuwi muna rito para maka-iwas sa pamilyang Viceral at para makapag-isip na rin..

5 na ng hapon ng makarating ito sa bahay nila.. Pero huminto si Karylle pagkatapat nito sa gate ng kanilang bahay.. Nagiisip ito kung papasok na ba siya o hindi dahil alam niya na sasabunin ito ng tanong ng kanyang Tita Lani pag nakita siya.. Lunes pa lang kasi ngayon at umuwi siya agad rito..

Napabuntong hininga si Karylle ng malalim at naglakad muli palayo ng kanilang bahay dahil nais muna nitong mapag-isa.. Habang naglalakad ito, biglang may tumawag sa kanya kaya napaharap ito sa dereksyon ng taong tumawag sa kanya "Karel!! Aba tagal ko ng hindi ka nakikita dito ah." Sabik na sambit sa kanya ni Aling Bebe ang nagtitinda ng barbeque sa kanto nila.. Linapitan niya ito at nakita ang mahabang ngiti ng tindera.. "Aba! Mukhang excited si Aling Bebe na makita ako ah. Nakaka-touch naman!" Bulong ko sa aking sarili..

Paglapit ni Karylle ay nginitian niya ito.. "Naku Aling Bebe, tagal na nga po.. Nagtra-trabaho na po kasi ako sa Manila e.." Nakangiting sagot ni Karylle sa kausap.. Pinaupo naman kaagad ni Aling Bebe si Karylle sa bakanteng upuan niya "Umupo ka muna dito Karel.. Tsaka, may gusto ka bang kainin??"... Tumingin naman si Karylle sa mga binebenta niya "3 isaw po atsaka 1 tenga Aling Bebe." Masayang tugon ng dalaga..

Pagkatapos maluto ng inorder ni Karylle, iniabot ito agad ni Aling Bebe sa kanya.. At nanatiling nakatingin lang ito ng seryoso sa dalaga habang kumakain.. Napakunot naman ng noo si Karylle ng mapansin nito ang pagtitig sa kanya ni Aling Bebe "May problema po ba? E baka malusaw po ako niyan sa titig niyo." Napakamot naman ng ulo si Aling Bebe "Kasi Karel, naalala mo pa ba nung huling pagpunta mo dito?"... Napaisip naman si Karylle.. "Kasi, di ba nagorder ka sa akin nun ng 12 isaw at 4 na pwet at 1 tenga??" Pagpapatuloy ni Aling Bebe... Naalala naman ito ni Karylle pero lito pa rin ito sa gustong sabihin ng kausap niya.. "E baka naman kasi gusto mo ng bayaran yun. Tinakasan mo ako e.." Pataray na sambit ni Aling Bebe.. Napataas naman ng kilay si Karylle "Naku, Aling Bebe.. Akala ko ba naman ay namiss niyo ko kaya ganyan na lang kayo ka-excited ng makita ako.. Yung utang ko lang pala ang habol niyo.. Nakakatampo naman kayo e." Pagtatampo kunwari ng dalaga sa kausap... "Business is business my dear" sagot naman ni Aling Bebe at sabay irap kay Karylle...

Pagkatapos magbayad at kumain ni Karylle ay nagpaalam na ito kay Aling Bebe..

Naglakad-lakad pa si Karylle at di muna umuwi.. Hanggang sa makarating ito sa isang parke malapit lamang sa kanilang bahay. Umupo ito sa isang swing at unti-unti nitong tinulak ang sarili. Habang nagmumuni ito, napatingin siya sa mga bata na naglalaro at naghahabulan. "Sarap naman maging bata.. Parang walang kaproble-problema." Kausap niya ang sarili habang nakatingin lamang ito sa mga bata...

Isang oras rin na nanatili si Karylle sa parke at pinipigilan ang mga luha na bumagsak sa kanyang mga mata.. Ng bigla itong napabalikwas ng may cotton candy na inilagay sa tapat ng mukha niya. Iniangat nito ang tingin at nakita ang kaibigan niya na nakangiti sa kanya. Hindi na napigilan pa ni Karylle ang sarili at dali-dali nitong niyakap ang kaibigan at ang kanina pang luha na pinipigilan ay tuluyan ng bumagsak sa kanyang mukha..

Patuloy lang na humuhikbi si Karylle habang nakayakap sa kaibigan. "Tulungan mo ko! Ayaw ko nito DD!! Ayoko na!"... Yumakap lamang si Dingdong at hinayaan ang dalaga sa pag-iyak.

Ilang minuto ring umiyak si Karylle sa balikat ni DD.. "Ano bang problema ng napaka ganda kong kaibigan?" Nakanginiting tanong ni DD habang hawak-hawak nito ang magkabilang pisngi ng dalaga...

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon