Chapter 33: AMA!

363 9 2
                                    

Matapos ng usapan nila Karylle at Vice hindi maiwasan ng dalaga ang maalala ang kanyang ina.. Hindi siya makatulog dahil sa gumugulo sa ispan niya kaya napagdesisyunan na niyang maglakad-lakad muna..

Sa pagmumuni-muni ni Karylle, nadala siya ng kanyang mga paa sa may beranda ng bahay at naupo ito sa upuan sabay hinga ng malalim at dinama ang lamig ng bawat ihip ng hangin sa kanyang balat.. Napapikit na lamang si Karylle at sumandal sa kinauupuan nito..

Laking gulat ng dalaga ng pagmulat nito ang matitingkad na mga bituin at maliwanag na buwan ang bumungad sa kanya.. Natulala siya sa nakikita at napangiti sa kagandahan ng langit..

K: Ma... Nakikita mo ba ako mula diyan?? Alam mo ma.. Namimiss na kita.. (Smiled sadly).... Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa iyo noon na kahit wala ang magaling kong ama sa buhay natin, pinaramdam mo pa rin na meron akong kumpletong pamilya..

Kahit matagal ng nawala sa piling niya ang kanyang ina.. Ramdam pa rin ni Karylle ang pangungulila.. Nararamdaman pa rin nito ang kurot sa dibdib niya sa tuwing nakakakita siya ng mga batang masayang nakikipaglaro kasama ang kanilang mga magulang..

K: Pero sabi mo nga noon ma, lahat ng mga mahal natin sa buhay na pumanaw na ay nagiging mga bituin sa langit.. (Chuckled)..... Di naman ako naniniwala dun e.. Pero sa pagkakataon na ito, I'll pretend! Para man lang makita ko na parang malapit ka lang sa akin..

Itinaas ni Karylle ang kanang kamay na parang inaabot ang mga bituin sa langit.. Tinuturo isa-isa ang mga ito..

K: Saan ka ba sa mga iyan ma?? Yun ba?? O kaya yun?? Hmmmnn.. Siguro ikaw yung isa na yun! Yung pinaka mailaw!!

Ilang minuto rin itong nanatili sa kanyang pwesto at pangiti-ngiti lang dahil sa mga inaalalang pangyayari sa kanya noon kasama ang kanyang ina.

Sa kabilang dako naman.. Nagising si Mr. Reynaldo sa pagkakatulog at napagpasyahang pumunta muna ng kusina para makainom ng tubig..

Paglabas nito sa kanyang silid, naramdaman nito ang lamig ng hangin na nanggagaling sa may beranda.. Lumapit ito para sana isara ang pinto, ngunit napansin niya ang pigura ng isang tao..

Lumapit ito at nakita ni Mr. Reynaldo si Karylle na nakaupo..

Mr. Reynaldo: Bat hindi ka pa natutulog?

K: Ayy.. Aswang ka!! (Shocked with her hand on her chest)

Mr. Reynaldo: Ako aswang?..ahhahh

K: Naku s-sorry po sir.. N-nangbibigla naman po kasi kayo e.. (Napayuko sa hiya)

Mr. Reynaldo: Hahhahh.. E ano ba kasi ang ginagawa mo dito ija? Ipapaalala ko lang, gabi na. (Sat on the chair next to K)

K: Nagiisip-isip lang po.

Mr. Reynaldo: Hmmnn! 3 possible reasons why a person is alone in a middle of the night.. First, thinking about Lovelife.. Second, thinking about Financials and lastly, baka aswang who's waiting for a victim!! Hahhahh

Napatingin naman si Karylle at napatawa rin dahil sa kakulitan ng amo nito.. Di siya makapaniwala na meron itong ganoon na side..

K: Hahhahh!! May point naman po kayo dun.. Hahhah..

Mr. Reynaldo: So, saan ka sa mga iyon ija?!.. Imposible naman na aswang ka..

K: *Smiled*.. Wala naman po sa mga choices e.. (Looked at the sky).. Napansin ko lang po kasi na ang ganda po ng langit ngayon.. Ang sarap titigan.. Nakakagaan ng pakiramdam.

Napatingin na rin si Mr. Reynaldo sa langit.. Nakita nito ang kagandahan ng gabi na puno ng mga bituin at ang buwan na tila napakalapit lang sa laki at liwanag na binibigay sa paligid, kaya naman may bigla itong naalala sa kanyang nakaraan at tumingin pabalik kay Karylle..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon