3 araw na ng bumalik sa bahay ng mga Viceral si Karylle. At 3 araw na rin ang nakalipas ng umalis si Mr. Reynaldo papuntang ibang bansa para ayusin ang biglaang problema nila sa negosyo.
Ngayong araw na rin bumalik si Karylle sa trabaho.. Siya ay nakaupo at nakaharap sa computer niya na tila wala sa kanyang sarili. Malalim ang kanyang iniisip.
*Kailangan ko ng maghanap ng ibang trabaho.* Bulong nito sa kanyang sarili habang nakatulala lamang sa screen ng kanyang computer.
Nagiisip ito kung paano ba siya magpapa-alam kay Peter ng hindi ito magtatanong kung bakit.. Nakapagisip-isip na kasi si Karylle na umalis na sa kumpanya at maghahanap na lang ng iba. Dahil sa sitwasyon niya ngayon ay mas nais na lang niyang magtrabaho sa iba bukod sa kumpanya ng kanyang ama.
**************************
Peter's POV:
Masaya ako na bumalik na si Karylle at nakakasama ko na siya sa trabaho.. Grabe! Di ko mapigilan ang mapangiti sa tuwing naiisip ko na kasama ko siya.. Hahaha!
Hapon na nga. Ang bilis talaga ng oras, di ko man lang namalayan na patapos na ang araw.. Excited rin ata ito na umuwi.. Hahah! Nababaliw na ata ako. Buti pa makahingi na lang ako ng kape kay K..
Kaya kinuha ko ang telepono sa gilid ng aking mesa at pinindot ang "0"..
-Kriingg! Kriingg! Kriingg! Kriingg!-
-Kriingg! Kriingg! Kriingg! Kriingg!-
................
*Oh! Bakit hindi siya sumasagot?* Tumingin ako sa pinto ng opisina ko at napakunot ang noo. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Pero baka nagCR lang siguro. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas. Pagbukas ko ng pinto napataas na lang ako ng kilay.. Nakita ko si Karylle na sobrang seryoso sa harap ng kanyang computer. Parang ang busy ata niya sa kanyang ginagawa.
Tinitigan ko siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya.. Ang buhok niya na kulot, ang kilay niya na medyo magkadikit na dahil siguro sa ginagawa niya.. Mga mata nito na napakaganda at di nakakasawang tignan.. Yung mga labi niya.... Yung labing iyan... Parang ang sarap lang... Ano kaya ang pakiramdam pag hinalikan ko yun?.. Teka nga! Ano ba itong iniisip ko? Tsk!
Umiling ako sa mga naiisip ko.. Muli kong pinagmasdan si Karylle.. Pero parang di naman siya gumagalaw sa lugar niya.. Naka sandal lang ito at nakatingin sa computer niya.. Parang ang lalim ng iniisip nito.. Panay buntong hininga lamang siya.. May problema ba ito?
Naglakad ako papunta sa kanyang mesa at pumwesto sa harapan niya. Pero di naman niya ako napapansin. "Karylle?".. Pero parang wala siyang naririnig..
Naglakad pa ako papunta sa likod niya at hinawakan ko ang kanyang balikat. Alam ko na nagulat ko siya dahil naramdaman ko ang biglang pagangat ng kanyang balikat at napaupo pa ito ng tuwid..
Tumingala siya ng dahan dahan sa akin, kaya magkita ang mga mata namin ay nginitian ko siya at nginitian rin naman niya ako kaya.. Pero phindi ko makita sa mga mata niya na masaya siya.. Pakiramdam ko tuloy pilit lang ang binigay niyang ngiti.
"May problema ba K?"
Pero umiwas siya ng tingin sa akin at pinaglaruan ang mga keys ng keyboard. "Wala Peter. Ayus lang ako."
Pero halata naman na may bumabagabag sa kanya. "Para kasing ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo nga ako napansin na lumapit sa iyo."
Nagbuntong hininga siya At humarap sa akin. At ngayon ay ngumiti siya na para bang nagsasabing wag na akong mag-alala pa dahil ayus lang siya.

BINABASA MO ANG
We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]
RandomViceRylle Story: It is a complicated love story, a girl met two guys by mistake and in a wrong way.. At first they hated each other but eventually the destiny strikes! What will happen if the one guy is a "Badboy" and the other one is a "Gay". A lot...