Chapter 36: Salamat!

376 7 0
                                    

Mr. Reynaldo's POV:

Nakaluhod pa rin ako hanggang ngayon habang umiiyak.. Nasasaktan ako dahil sa mga nalaman ko ngayon. Si Karylle pala ang anak ko, na matagal kong inakala na patay na.. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil sa naniwala ako sa mga taong nagsabi na namatay ang mag-ina ko! At nakukunsensiya rin dahil sa pagiging duwag ko, na puno't dulo ng lahat ng problemang ito. Kung hindi ko sila iniwan, sana hindi kami nagkalayo..

Naka yukong ulo lamang ako habang patuloy lang sa pag-iyak ng magsalita si Martin.. "Tumayo ka na dyan..".. Tumingala ako at nakita ko ang kamay niya sa harapan ko.

Inabot ko ito at nanghihina akong tumayo.. "Salamat.."

"Tsaka ka na magpasalamat, pag pinatawad ka na ng anak mo." Simpleng sagot nito sa akin habang tinapik ang braso ko.

Alam ko na naging malapit na kami ni Martin.. Naging parang kapatid na ang turing ko sa kanya, at nahihirapan ako ngayon dahil sa maaaring mangyari sa pagkakaibigan namin ngayon. Nabanggit ko na noon sa kanya ito pero hindi ganoon kadetalye at di na siya nagtatanong pa tungkol sa nakaraan ko..

Tinitignan ko lang siya ngayon habang siya ay nakatingin lang sa malayo at seryosong tinatanaw ang paligid.

"Mart.. Patawad.. Maiintindihan ko kung kamumuhian mo ako. Kasalanan ko naman talaga e.. Gago ako!"

Nagbuntong hininga siya at humarap sa akin. "Oo.. Gago ka nga nung iwan mo ang mag-ina mo.. Pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na e...." Naglakad na siya paalis pero tumigil siya sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko.. "Bumawi ka na lang sa kanya.. Di ka matitiis nun. Tiyaga lang.." At tinapik niya ang balikat ko.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Masaya ako na maayos pa rin kaming dalawa.. Ngayon ang kailangan kong gawin ay bumawi sa anak ko!

******************************************************

Karylle's POV

Nakaupo ako habang nilalaro ko ang baso sa kamay ko.. Kanina pa ako dito sa Cafe na ito dahil may usapan kami ni Dingdong na magkikita pagkatapos ng trabaho niya..

Sa sobrang dami ng nangyayari sa akin ngayong araw na ito, di ko na alam ang dapat kong gawin.. Napahimas ako ng ulo dahil pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang gulo na ng naiisip ko.. At ilang buntong hininga na rin ang ginawa ko, kaya hindi na ako magtataka kung magka-kabag na ako mamaya..

Ilang oras rin akong naghintay ng... "Nasa sahig na ang ngusu mo oh!!".. Iniangat ko ang tingin ko ng makita kong paupo na sa harapan ko si Dingdong..

"Akala ko ba mamaya ka pa darating? 3 pa lang e.."

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.. "Di kita matiis eh.. Tsaka, ayaw kong pinaghihintay ka noh!" Sabay kindat nito sa akin..

Napangiti ako.. "Salamat lagi kang nasa tabi ko DD.." Sinsero kong tugon sa kanya.. Simula kasi nung bata pa kami, siya na lagi ang nasa tabi ko kahit nung magkasakit si mama.. At lagi niya akong pinagtatanggol at inaalagaan simula nung mawala si mama.. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kakayanin ko noon kung wala siya sa tabi ko..

Lumipat siya sa upuan na nasa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit.. "Hinding-hindi kita iiwan K.. Lagi mong tatandaan na andito lang ako lagi para sa iyo."

Napangiti ako at pinunasan ang mga luha na bumuhos mula sa mga mata ko.. "Huwag kang mag-aalala.. Lagi ko yang tatandaan."

Saglit pa kaming nagkwentuhan sa loob ng cafe hanggang sa naisipan na naming umalis at tumungo sa mall..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon