Chapter 4: Anak ng Tokwa

725 9 0
                                        

4 na ng hapon ng makarating sa bahay ng pinagtratrabauhan ni Tito Martin si Karylle..

Karylle: Woow.. Ganda naman at malaki rin ang bahay ahh.. Infairness.

Puti ang buong bahay na nagbibgay ng eleganteng itsura at may itim na kulay sa mga sulok at gilid nito at maraming salamin na dingding na nag bibigay ng modernong desenyo dito.

- Buzzz..Buzzzz-

Isang lalake na may suot na gloves at boots ang nagbukas ng gate para kay Karylle na nasa 30s na siguro.

K: Magandang hapon po.. Anjan po ba si Tito Martin? Ako po yung pamangkin nya.

---: Ahh!! Oo, pinagbilin ka na nya.. Halika pasok ka.

K: Salamat po.

---: Naku, kanina ka pa nya hinihintay eh.. Ako nga pala si Kulas.

K: Ehhehh.. Ako naman po si Karylle.

Sinamahan nga ni Kulas si Karylle sa loob ng bahay. Pumasok sila sa harap kung saan makikita mo agad ang malaking salas may malalaking sofa at mga ilaw na nagbibigay ng maaliwalas na itsura ng loob ng bahay. May makikita ring hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.

K: Wow.. *ang laki ng bahay hah.. Hotel ba ito?ehhehh.. Salas palang bahay na namin ahh.* sa isip ni K.

Kulas: Ohh.. Tara dito tayo..

Sinundan siya ni Karylle ng lumiko ito sa kaliwang parte ng bahay at nandoon ang dining kung saan may malaking mesa na gawa sa salamin at may mga 8 upuan na nakapalibot dito. Dumeretso pa si kulas at binuksan ang isang pinto na may spring upang magsara agad (Di ko alam ang tawag sa pintong iyon e.. Basta yung makikita nyo sa mga sinehan, yung ipupush mo lang..)

K: Tito Idol!!! *tawag ko kay tito martin* (Sabay yakap)

Tito Martin: Hayy! Saan ka ba galing at ngayon ka lang ganda! (Hinawakan sa balikat si K)

K: Yun naman ang namiss ko sayo Tito e.. Nakakaganda masyado ang tawag mo sa akin..ehhehh.. (Sabay yakap uli sa tito nito)

Tito Martin: Naku! Gustong gusto naman.

Kulas: ohh.. Bago pa kayo magiyakan dyan, mauna na muna ako sa inyo at di pa ako tapos sa paglilinis ng garden..

K: Salamat po Kuya Kulas..

Nginitian ito ni kulas at umalis na ng kusina.

Nagusap naman sila Tito Martin at Karylle tungkol sa dahilan kung bakit nito pinatawag si Karylle.

Tito Martin: Si Iris kasi umuwi sa kanila sa Iloilo dahil namatay ang tatay niya. Siya ang tumutulong sa akin dito sa kusina. Pero di na siya bumalik, kaya nangangailangan ako ng makakasama dito. (umupo ito sa upuan na nasa kusina)

K: So.. (Umupo rin ito sa kabilang upuan at naglean sa mesa.)

Tito Martin: Gusto kong ikaw ang tumulong sa akin dito.

K: Naks, Tito.. Ang ibig nyong sabihin ako ang magiging assistant chief niyo..ehhehh

Tito Martin: Hahahh.. Parang ganun na nga. (Pataas taas pa ang mga kilay)

K: May pleasure chief..(Sabay yuko na parang hari ang kaharap)

Tito Martin: Anong alam mo Karylle. (Sabay tayo at may kinuha sa ref) Kaya kumuha ka na ng gamit mo, dahil stay-in tayo dito. (Inabot ang juice kay Karylle)

K: Paano po sila Tita at julius?

Tito Martin: hayy.. Wag munang intindihin yun.. Nakausap ko na sila tungkol dyan.

K: Parang alam ko na kung ano ang sinabi ni Tita.. (Tumayo at nilagay ang mga kamay sa bewang, ginaya ang boses ni Tita Lani) Ay maganda yan ng hindi ko na nakikita ang mukha ng batang yan dito, ng di nasisira ang araw ko..hooh!

Tito Martin: Hahaahh.. Infairness kuhang kuha mo.. Pero alam mo naman na ganyan lang talaga Tita mo, pero mahal ka nun..

K: Alam ko naman yun tito.. Ang cute lang kasi talagang bwisitin ni tita...ehheh (Sabay upo)

Tito Martin: Naku.. Tiyak akong mamimiss ka nun..ahhahh

K: Mamimiss ko rin po ang kacute an ni Tita..ehhehh (Abot sa juice at uminom)

-----Bbuuusssshhhhh-----

Billy: Good afternoon kuya mart, pinababa po ako ni Vice.. Hingi daw po sya ng mirienda..

Binaling ni Billy ang tingin nya dun sa isa pang tao na nasa kusina ay biglang nanlaki ang mga mata nito sa nakita...

Billy: Teka! Kilala kita ahh!!(0.o)

K: ..(?_?)..

Billy: Ikaw nga!!(Napangiti ito kay Karylle) Ikaw yung nambugbog kay Vice..

K: Hah?!! (Nagtatakang tanong nito)

Nang biglang maalala ni Karylle ang nangyari kanina sa kainan kasama sila Iza.

K: Ahhh!! Uhhoohh! Uhhoohh! (biglang nasamid sa ininom na juice)

K: *Ano ba yan!! Bat andito ito!!..(~,~).. Anak ng tokwa,..Pag sinuswerte ka nga naman.*

Halatang nabigla si tito Martin sa sinabi ni Billy..

Tito Martin: Magkakilala kayo ng pamangkin ko?

Billy: Not really Kuya Mart.. But we've met. (Winked at Karylle)

Dahil sa malapit na mag dinner, naisipan ni Tito Martin mag-grocery, pero iniwan na muna nito si Karylle sa Bahay para makapagusap sila ni Billy.. Nung una ay ayaw ni Karylle, pero di rin pumayag si Tito Martin pinaiwan pa rin si K at inutusan na magbalat ng patatas habang hinihintay ito.

Napahilamos ng palad sa mukha si K dahil sa frustration at di pa rin makapaniwala na makikita nya ang mga taong ito.. At tinignan na lamang ni K ang mukha ng lalake. Nakita nito na nakatingin at nakangiti lang ito sa kanya.

K: Nakatira ka dito?! (Medyo kinakabahan)

Billy: Naku, hindi.. Si vice ang nakatira dito. (Still smiling)

K: Vice?? Don't tell me na sya yung naka leather.. *please.. Tell me hindi sya yun.!*

Billy: Sya nga.. Sya yung binugbog mo.ehhehh... And I can't wait to tell this to Vice.. I'm sure epic ang face nanaman nun..hahahh!!

K: *Kung makatawa naman to parang wala ng bukas! Ipasok ko kaya tong baso na to sa bungnanga niya ng manahimik.!*..(~,~)..

Hinawakan ni Karylle ang braso ni Billy and pouted..

K: Sandali lang.. Hindi ko naman talaga sinasadya e.. Napagkamalan ko lang talaga sya.. Sorry?!

Billy: Naku miss, wag sakin, kay Vice mo dapat sinasabi yan.

K: *Yun nga eh.. Di ko kaya! Mabugbog pa ko nun* Bulong nito sa sarili.

Billy: Ano miss?? Di ko naring..

K: Wala.. Ang sabi ko, sana tulungan mo ako sa kanya.. (Throwing sweet wide smile)

Billy: Naku, pasalamat ka maganda ka miss.. Sige backup mo ako.

K: Naku! Salamat.. Ako nga pala si Karylle, short for Ana Karylle tatlonghari.. (Sabay abot ng kamay)

Billy: Ako naman si Billy, short for Billy Joe Crowford.. (Inabot ang kamay ni K)

K: Salamat talaga Billy.. Natatakot kasi akong mabugbog nun kapag nakita ako..

Billy: Alam mo, kahit ganun yun, di nya kaya ang manakit ng babae.. Kaya wag kang magalala Karylle..

---: Uy billy!! Bat ang tagal ng mirienda! Inubos mo na ata?

Nagulat si Karylle sa boses na narinig.. Pamilyar ito.. *Siya na nga yun!!* bulong nito sa sarili.

-----------------------------------------------

Author's POV

Thank you sa pagbasa..medyo boring yung umpisa, pero medyo gaganda rin yung story sa mga susunod na chapter promise..

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon