Chapter 31: Buwisit!

398 7 0
                                        

Isang Linggo ng iniiwasan ni Karylle si Vice.. Dahil nalilito ito sa nangyayari.. Na-aawkward at nahihiya siya sa tuwing kasama niya si Vice. Kaya hangga't maari, iniiwasan na lang niya ito..

Samantalang si Vice naman ay sinusubukang lumapit kay Karylle at gumagawa ng paraan para lang makasama niya ito at makausap.. Pero sadyang mailap si Karylle at todo iwas lang ito lalo na ang mapagusapan ang nangyaring halikan nila.. Kung anu-anong rason ang binibigay para lang hindi sila mabigyan ng pagkakataong makapagusap ng sarilinan..

At ang higit na ikinaiinis pa ni Vice ay ang presensya ni Peter na isa pa sa dumadaot sa mga pagkakataon na maari niyang makasama si Karylle..

Hindi na alam ni Vice kung papaano pa niya maayos ang katangahan na ginawa niya..
--------------------------------------
Vice's POV:
Nakaka-bad trip ang umaga na ito.. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon at pilit na nilalaro ang lapis sa mga diliri ko.. Pakiramdam ko sasabog na ako! Hindi na ako nakikinig sa nagpre-present sa harapan.. Hindi ko na alam ang topic namin sa meeting na ito.. Nakaupo lang ako at palinga-linga lang sa may pintuan habang ang mga Heads ng iba't-ibang department ay seryoso lang sa pakikinig at minsan nagbibigay ng mga suggestions and solutions..

Kunot noo kong tinignan si Peter na abala sa pagsasalita ngayon at agad ko rin binaling ang aking tingin sa may pintuan.. May pagtataka kong sinulyapan ang aking relo pagkatapos ay inis kong isinandal ang aking likod sa upuan at sinabayan ko na rin ng pagbuntong hininga.

Vice: *Asan na ba si Karylle?! She should be in here! Kainis! Don't tell me kasama niya pa rin yung buwisit na lalaking iyon?!*

Hindi na talaga ako mapakali! Naiinis na talaga ako! Sabihin niyo nga, may karapatan naman akong magalit di ba?!! Ganito kasi iyon....

-Flashback-

Nalate ako ng gising ngayong umaga.. Nakalimutan ko kasing iset ang alarm ko.. Nagmadali akong maligo at mag-ayos at dali-dali ng pumunta sa opisina.. Pagdating ko ay agad akong sumakay ng elevator, muntik pa nga akong maipit dahil pasara na ito ng maiharang ko ang braso ko dito at unti-unti ring bumukas ng kusa.. Pagtingin ko sa loob nito, may isang lalaki na rin pala na nakatayo doon.. Pamilyar sa akin ang itsura nito, parang nakita ko na siya dati.. Hmmmn!!

-Ting!-

Bumukas ang elevator at bigla na lang sumulpot si Buern dito..

Buern: Ayy!! Buti naman at andito kana.. Kanina ka pa hinihintay ni Sir Pete.. Baka di mo pa napapansin, 20 minutes ka ng late.. (Nakapameng na sabi nito)

Vice: Tsss!! Ano ba ang magagawa ko e sa sobrang traffic e.. (Inirapan ko na lang siya ng mata)

Naramdaman ko namang gumilid yung lalaki na kasabay ko at unti-unting lumabas ng elevator.. Kaya tinitigan ko lang siya.. Sa hindi ko malaman na dahilan, bago pa ako makapasok sa pintuan ng conference room ay napatingin ako dun sa lugar na pinuntahan nung lalaki.. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!

Yumakap yung bwisit na lalaking yun kay Karylle! At nakaka-asar rin ng makita kong yumakap rin si Karylle dun!! *Aba! Matindi! Sino ba iyon at dito pa talaga naglandian!!kainis!*

Pupuntahan ko na sana sila pero bigla ko na lang naramdaman ang mga kamay ni Buern sa braso ko at sabay hila sa akin sa conference room.. Wala na akong nagawa dahil pinagtinginan na nila ako, kaya dumeretso na lang ako sa aking upuan..

-End of flashback-

Oh! Tingin niyo?? Tsk! Dapat andito siya ngayon at hindi dun at nakikipagusap sa lalaki na yun.. At isa pa itong si Peter!! Bat niya hinahayaan na wala dito si K??!! Diba siya ang sekretarya niya, so she needs to be here.. Kabuwisit talaga!

We've Met by Mistake (ViceRylle story) - [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon