Una

1.9K 50 0
                                    

Una
+++

MYSTHY's POV

"CLASS QUITE!"

Napatigil ang mga kaklase ko sa kani-kanilang ginagawa.

Tsk!

Takot ba sila sa teacher na 'to? Muli kong ibinalik ang tingin ko sa bintana. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. May bisita siguro ang walang kuwenta naming guro. Paano ko nasabing walang kuwenta? Simple lang. Hindi naman niya kami tinuturuan. Bibigyan niya kami ng module at kami ang mag-aaral noon, kada Biyernes ay may exam at kapag bumagsak ka, sa detention room ang bagsak mo.

"Ito na ba ang klaseng sinasabi mo?"

Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking medyo may katandaan na. Matikas ang tindig nito at may ngising kayang makapag-hatid ng kilabot sa isang ordinaryong tao. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng aming classroom. Tila ba sinusuri niyang maigi ang bawat isa sa amin. Ilang segundo ring nag-hinang ang mga mata namin, bago umangat ang kanyang labi at humarap sa guro namin.

"Masyado yatang mahihina ang mga ito, sa tingin ko hindi sila makakaligtas doon!" 

Hindi ko ugaling makinig ng usapan ng iba. Ang totoo, wala akong pakialam sa paligid ko. Mas maganda pang pagmasdan ang mga alikabok sa bintana at pag-sayaw ng dahon kaysa mag-obserba sa paligid ko.

"I already made my decision, Mr. Nomed." Iyon lamang ang sinabi ni Sir Uston at tila ba naghatid ito ng alanganing pakiramdam sa bawat isa. Sinabayan pa iyon ng nakakakilabot na hangin.

Tahimik pa din ang buong klase. Nakatuon ang mata nila sa lalaking tinawag ng teacher namin na Mr. Nomed.

"CLASS, WE WILL BE HAVING A CAMPING!"

Nag-ingay ang klase. Mababakas sa mukha nila ang excitement.

Nakita ko ang kakaibang ngisi ng lalaki habang nakikita ang mukha ng kaklase ko. Muli kong ibinalik ang tingin sa bintana dahil wala akong paki sa camping na iyan at mas magandang isipin ko ay kung paano ko mapapatumba ang kalaban kong gang.

Ngunit napatingin akong muli sa harap ng may mag-tanong na kaklase ko.

"Saan po ito gaganapin?"
"At ano pong klaseng camping?"

Nakita ko na naman ang ngisi ng lalaki. Mas lalo itong lumapad kaysa sa pinakita nya kanina. Sa ngisi niyang iyon, aakalain mong nakangiti lang sya. Pero hindi ko maiwasang kabahan dahil doon.

"Hell Camp!"

Muling nag-ingay ang klase. Mababakas na sa mukha nila ang takot na kanina ay excitement ang mababasa.

Tumawa si Mr. Nomed. Hindi, mali! Nag-pakawala ito ng nakakakilabot na halakhak. Dinig ko tuloy ang mahihinang pag-singhap ng mga kaklase ko. Tsk!

"Hell Camp lang ang tawag but we will make sure that you will experience what paradise reall is." Naiinis na ako sa mukha ng lalaking ito. Panay ang pag-ngisi niya habang isa-isa kaming tinitingnan.

Napalitan ng tuwa ang takot ng kaklase ko. Muli akong tinitigan ni Mr. Nomed at sa pagkakataong ito, binigyan niya ako ng sarkastikong ngiti. Inirapan ko siya at tinawag si Sir Uston.

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon