Pito

685 22 1
                                    

Pito
+++

RAINER's POV

Kanina pa ako nakatayo dito at hinihintay si Mysthy. Gabi na din at madilim na ang paligid.

Tahimik na ang buong Hell Camp dahil napagpasyahan ng mga estudyante na magkulong sa kwarto nila.

Takot na takot na sila sa mga nangyayari.

Kung pang-ilang batch sila na napunta dito ay hindi ko na alam. Basta isa lang ang nasisiguro ko.

Sa dami ng batch na pumasok dito, walang nakakaligtas ng buhay.

But now, hindi ko na hahayaang mangyari iyon, lalo na kay Mysthy. Hindi na ako papayag na maging isa sya sa listahan ng mga namatay sa loob ng Hell Camp na to.

"Rainer?" Napalingon ako sa nagsalita. Akala ko si Mysthy na hindi pa pala.

"Anong ginagawa mo dito, Yen?"
"Naglilibot lang!"  Nakangiti nyang sabi. Ang ngiti nya ay parang iba ang gustong ipahiwatig sakin.

Ni hindi ko sya nakikitang nakasimangot. Palagi syang nakangiti at tumatawa.

"Gabi na. Pumunta ka na sa kwarto mo!" Sabi ko at tumalikod. Tumingin ako sa direksyon kung saan makikita ang gulayan.

"Walang makakaligtas sa lugar na to, Rainer." Napalingon ako sa kanya. Pilit kong itinatago ang pagkagulat sa narinig ko sa kanya.

"Anong alam mo?" Tanong ko. Ngumiti na naman sya.

"Wala akong alam. Basta naoobserbahan ko lang!" 

Iba talaga ang gustong ipahiwatig ng mga ngiti nya. Umalis na sya at iniwan ako doon. Paniguradong may alam sya tungkol sa nangyayari.

"Kanina ka pa?"  Isang malamig na boses ang nagpalingon akin.

"Hindi naman. Ano tara na?" Tanong ko.
"Sige!"

Naglakad na kaming dalawa papunta sa sinasabi kong kwarto na nakita ko lang bago makarating ang klase nila dito.

Dahil alam kong busy sila Papa sa pag-assist sa mga bagong dating, sinamantala ko iyon para libutin ang ilang kwarto dito.

Tumigil kami sa isang kulay gray na pinto.

"Anong nasa loob nyan?" Mysthy
"Hindi pa ako sigurado kaya ngayon aalmin ko!"

Nauna akong pumasok sa pintong iyon. Sinindihan ko ang mga sulo na nasa loob noon.

"Madaming iba't ibang cabinet dito at iba ang amoy ng mga to!" Sabi ko

Nakita ko namang inilibot nya ang tingin nya sa loob. Lumapit sya sa isang malaking cabinet. Hinawakan nya ang podluck noon at tiningnang mabuti.

"Tsk, mukhang importante ang laman ng cabinet na to ah!" Sabi nya habang nakatingin parin sa podluck

"Paano mo nasabi?"
"Magandang klase ng podluck ang ginamit nila. High Class kung baga. Mahirap tanggalin."

Lumapit din ako at tiningnan ang podluck

"Mahirap nga!"
"Mahirap nga pero sinabi ko bang hindi ko kayang tanggalin?"

Napangisi sya sakin nang manlaki ang mata ko. Gangster nga pala ang babaeng to. Paniguradong sisiw na ang podluck sa kanya.

Kinuha nya ang hair pin sa ulo nya at kinalikot iyon ng ilang sandali.

"There it goes!" Sabi nya
"Galing ah!" Nakangiti kong sabi. Unti unti nyang inalis ang podluck. Kinakabahan man, hindi ko maiwasang ma-excite sa posible kong malaman.

"Anong ginagawa nyo dito?" Napabitaw si Mysthy sa podluck at tiningnan ang nagsalita. Hindi din ako makagalaw sa nangyari. "Ang sabi ko, anong ginagawa nyo dito?"

Hindi namin namalayan na paparating pala sya dito.

"W-wala!" Utal kong sagot. Lumapit sya samin at hinablot ang braso namin ni Mysthy. 

Napatingin sya sa likod ni Mysthy. Pinipilit ni Mysthy na ibalik sa pagkaka-lock ang podluck.

"Anong ginagawa nyo dito?" Matigas nyang sabi.
"Napadaan lang kami dito, Mr. nomed!" Malamig na sabi ni Mysthy.

Tinabig nya ang kamay ni Papa at naglakad papuntang pinto. Naiayos na pala nya ang podluck. Hinawi ko rin ang kamay ni Papa pero diniinan nya lang iyon.

Gets ko na ang gusto nyang sabihin.

"M-Mysthy pumunta ka na sa kwarto mo!" Sabi ko. Tiningnan naman nya ako sa mata at tumalikod na.

Napapikit ako ng itinaas ni Papa ang kamay nya. 

Pero ilang sandali pa ay hindi ko naramdaman ang malutong na sampal nya kaya napamulat ako. Nakita kong hawak ni Mysthy ang braso ni Papa

"Don't treat your son like that, Mr. Nomed!" Sabi nya at binitawan ang kamay ni Papa.

Hinila ako ni Mysthy palabas. Hindi ako makapaniwala na kinakalaban nya si Papa.

"Mysthy dapat hindi mo yun ginawa!" Sabi ko habang hila pa din nya ko  "Hindi mo alam ang pwedeng gawin sayo ni Papa!"

Oa na kung Oa pero iba magalit si Papa. Natatakot ako para kay Mysthy.

"Alam ko! Kaya nga ibinulong nya ang kaisa-isang rule dito at hindi pinarinig sa amin hindi ba?" Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako. "The only thing you need to do for you to survive is to KILL!"

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam ang rule na yun. Napailing ako.

"Hindi ko alam yan!" Ngumisi sya.

"Hindi mo alam dahil sa totoo wala ka talagang alam dahil ayaw nila sayong ipaalam kung ano ang pwede mong malaman sa lugar na to!"

Nakatingin sya ng diretso sa mata ko. Binigay nya sakin ang isang pulang papel at iniwan ako. Binuklat ko iyon at nanlaki ang mata ko sa nakasulat doon.

Hindi ito totoo.

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon