RAINER's POV
Huminto kami sa harap ng malaking gate na kulay itim. Nababalutan na ito ng mga tuyong baging at damo. Kupas na din ang mga nakaukit na letra sa taas nito.
Aquinas Memorial Garden
Bumaba na kami sa kotse.
Napansin ko din ang ilang kotse at motor sa katabi ng pinaradahan ni Gino ng sasakyan.
Lumabas doon ang ibang classmates nila Mysthy at Gino. Binati nila kami at nginitian.
"Saan ba banda iyon?" Tanong ni David. May mga benda pa din sya sa kamay at sa binti na kitang kita dahil naka short lang ito
"Banda doon." Turo ni Gino sa bandang kanan ng Memorial Garden.
Napatingin kaming sa tinuturo nya.
Puno ng puno ang Memorial Garden at medyo may kadiliman din. Medyo maunti pa lang ang nakalibing dito base na rin sa mga nakikita kong puting lapida na bahagyang nakalutang sa lupa.
Nakaramdam ako ng mga kamay na umakbay sakin. Nilingon ko ang dalawang umakbay sakin. Si Joshua at Aeron pala. Si Joshua yung nakita namin nila Mysthy na may kahalikan habang may nagaganap na patayan sa loob ng Hell Camp.
"Pare, buhay pa ba yang tatay mo?" Sabi ni Aeron
"Oo nga, nakatanggap kaming lahat ng boxes eh." Dugtong pa ni Joshua."Hindi ko alam. May sa pusa ata ang gag*ng yun at hindi mamatay matay." Inis kong sabi
Hindi na sila umimik at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Huminto si Gino sa tapat ng puno ng Acaccia at sa bandang baba noon ay may isang itim na lapida.
Agaw-pansin din ang kulay ginto nitong mga nakaukit na sulat.
Mysthy Adelle Antonio
August 07, 2002-January 28, 2019In behold of loving and precious memories of her family and friends.
Napailing na lang ako.
Itinukod ni Gino ang kamay nya sa circle bark ng puno ng Acaccia at tinapakan ko naman ang lapida.
Maya-maya pa ay bumukas na ang katawan ng puno. May isang dilaw na ilaw sa loob noon kaya kitang kita ang hagdan pababa sa ilalim.
Nag-unahan kaming pumasok sa loob.
"Ang astig talaga dito!"
"Ang talino talaga ni Mysthy!"
"Matapang pa!""Kaya nga crush ko yun eh!"
Halos sabay kaming napatigil ni Gino.
Tumahimik ang paligid at parang huminto ang lahat sa pag-galaw.
"Oh! Anong problema nyo? Sinabi ko lang na crus--"
"Ituloy mo yan, tutuluyan ko na din ang buhay mo!" Asik ko kay David
"Takte! Sinasabi na nga ba pati ikaw eh!" Biglang sabi ni Gino kaya nabaling ang tingin namin sa kanya.
Tumahimik uli ang paligid.
Nagpapalitan lang kami ng masamng tingin nina Gino at David.
"Para kayong mga t*nga! Alam kong maganda ang kapatid ko pero wag nyo naman masyadong ipahalata."
Nabaling naman ang tingin namin sa baba ng hagdan.
Nakatayo sa paanan ng hagdan si Mystel habang nakapamewang.
Kumawala ako sa pagkaka-akbay nila Joshua at Aeron at patakbong bumaba sa hagdan.
"Hi, Mystel. Asan si Mysthy?" Nakangiti kong bati.
"Para kang t*ngang ngiting-ngiti. Andun! Kanina pakayo pinagtatawanan habang pinapanood kayo sa CCTV." Nakangising sabi nya at sinenyasan na bumaba na rin ang mga kasama namin.
Malawak ang lugar na'to. Yung Acaccia Tree ang pinaka-entrance tapos may hagdan pababa dito sa parang bahay sa ilalim ng lupa.
Yung lapida? Scanner lang yun at passcode na din para makapasok dito.
Ewan ko ba kay Mysthy kung bakit dito pa nya piniling magtago.
"Hi, Mysthy! Hi, Tito!" Bati ko sa kanila ng makapasok ako sa CCTV Monitoring Room.
Tatlo ang monitor na nadoon. Ang isa ay nakamonitor sa may harapan ng gate, yung dalawa naman ay dito sa may puno, isa sa harap at sa likod.
Diba ang talino ng maha---ni Mysthy?
Nakipag-beso sakin si Mysthy at nakipag-kamay sakin si Tito Rolly.
Bakit nakipag-beso sakin si Mysthy? Well...crush nya kasi ako, joke
Nakakaalala na kasi sya at bigla na lang nawala ang pagiging cold nya. Pero astig at cool pa din sya.
Noong nag-aagaw buhay sya sa hospital ay halos masiraan na kami ng bait. Madaming dugo ang nawala sa kanya dagdag pa ang sinabi ng doktor tungkol sa temporary memory loss nya. Kaya pala hindi nya maalala ang mga kakambal nya---nagkaroon daw sya noong 10 years old sila, yung sinasabi ni Mystel sa Hell Camp habang kausap si---ano nga bang pangalan ng isa pa nilang kakambal?
"May nakasunod ba sa inyo?" Tanong ni Mysthy habang nakatingin sa monitor
"Wala! Pero nakatanggap kami ng mga boxes." Sabi ko at tatabi sana sa kanya pero sumingit si Gino.
"Hi, Mysthy!" Bumeso din sila sa isa't isa.
Binati din si Mysthy ng mga kaklase nila na nakangiti naman nyang sinagot. Mas maganda talaga sya pagnakangiti.
"So, anong laman ng boxes?"
Natahimik ang lahat at nagtinginan.
"Uhm, alam ko na. Tsk, sabi na nga ba at buhay pa ang mga yun. Their game is just about to start." Nakangising sabi nya
Bumalik ang pagiging cold nya at nakatingin lang sa bulletin board.
Nilapitan ko iyon at tiningnan.
Iba-ibang picture yun nina Papa, Sandra, Lady at Ana. Lahat sila ay naka-jacket at nakahood pero sa pagkakakuha ng picture kitang kita ang mga mukha nila.
"Saan mo to nakuha?" Tanong ko
"Last week. Lumabas ako dito at pumunta sa underground at sa bahay namin. Napapansin kong madalas silang umaaligid doon at mukhang hinahanap talaga nila ako." Cold na sabi nya at naupo sa swivel chair.
Itinaas nya ang mga paa nya sa center table at may kinuha sa gilid ng upuan.
Pinaglaruan nya iyon habang nakatingin sa mga picture sa bulletin.
"Mysthy, wag mong paglaruan yang swiss knife mo."
Nanlaki ang mga mata namin at tumingin sa katapat na pinto ng CCTV Monitoring Room, nakatayo doon ang Mommy ni Mysthy.
"L-Ligtas kayo?" Hindi makapaniwalang sabi ng kambal nilang kaklase.
Ngumiti lang sya samin at kumaway bago pumasok sa isang pinto, sa tingin ko ay kusina.
Nagulat kami ng dumaan sa harap ng mukha namin ang swiss knife at dumiretso sa direksyon ni-----
"Brent!" Sigaw ng isang babae
"Mysthy? Bak---"
Hindi na natapos sabihin ni Gino ang sasabihin nya ng biglang tumawa si Brent habang itinataas ang swiss knife.
"Good! You learn so fast." Blankong sabi ni Mysthy.
"What? You're training some of us?" Tanong ni David.
Umiling si Mysthy at may kinuhang itim na bag sa ilalim ng center table.
"I'm going to train all of you."
Pagkasabi nya noon ay pinaghahagisan nya kami ng swiss knife at dagger.
Buti na lang at sarado pa ag swiss knife at may maliit pang foam ang dagger kaya hindi kami nasaktan.
"Kung gusto talaga nilang maglaro, edi makikipaglaro tayo."
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Misteri / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar