Labing-walo

573 17 0
                                    

Labing-walo
+++

RAINER's POV

Dilim na naman kaya alisto na kami. Nakatali pa rin ang tatay ni Mysthy sa upuan at mukhang tulog.

Ang mommy naman nya nakahiga na sa kama ni Mysthy at mukhang inaantok na. Si Gino naman ay lumabas kasama si Mysthy para silipin ang mga kaklase namin.

Binibigyan din lahat ni Mysthy ng karayom na may lason, para daw kung sakaling malapitan sila ng mga killers ay may panlaban sila.

Naglalakad ako pabalik balik at kung minsan ay umuupo din pero agad ding tatayo.

Shit kanina pa sila sa labas ah! 

Maya-maya din ay bumukas na ang pinto..

"Myst--- Lady? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

Ngumiti sya sakin.

"Bat nakatali yan?" Tanong nya at nakaturo sa papa ni Mysthy

"Ah eh naglalaro kasi kami. Tatanggalin ko na nga sana eh dumating ka lang!" Sabi ko at kumamot sa batok ko.

"Eh sino ba yan?"

Nakita kong sumilip si Mysthy kaya naman... "Ah eh si GINO YAN KAKLASE NI MYSTHY. NAKATULOG NA NGA SA KAKALARO EH!"

Sinadya ko talagang laksan para marinig nila.

"Eh bat ka humihiyaw?" Nakakunot ang noo nya ngayon.

"Ah eh hehe wala lang trip ko lang!"

Napatango-tango naman sya at tiningnan ang mama at papa ni Mysthy. 

Nakatalikod naman sa pinto ang mama ni Mysthy kaya hindi halata na hindi si Mysthy iyon.

"Ah sige nag-iikot lang ako!" Nakangiti nyang sabi.

Naiangat nya ng bahagya ang jacket nya kaya napakunot ang noo ko ng may mahagip ako doon.

Agad naman nyang ibinaba ang manggas at ngumisi sakin.

"Lady, sandali! Ano yang nasa braso mo?" Tanong ko.

"Wala to!" Sabi nya at ngumisi sakin. "Sige alis na ko!" 

Tumango na lang ako kaya umalis na sya. Maya maya naman ay pumasok na sila Mysthy at Gino.

"Mysthy, may nakita ako kay Lady!" Salubong ko sa kanila.

"Hoy, ikaw anong pinagsasabi mong naglalaro tayo?" Sabi ni Gino.

"Easy bro, sinabi ko lang iyon para hindi na magduda si Lady kung bakit may ibang tao dito!" Plain kong sabi.

"Tama na yan! Ano ba yung sinasabi mo kanina?" Tanong ni Mysthy at nilapitan ang Mommy nya. Kinumutan nya ito ng ayos at pinatay ang sulo sa gilid ng kwarto. "Pasensya na, ayaw ni Mommy ng maliwanag eh!" Sabi pa nya.

"Nakita ko kanina na medyo lumihis ang manggas ng jacket, parang...parang may mga tahi!" Sabi ko at naupo.

"Sigurado ka ba pre?" Tanong ni Gino
"Oo kitang kita ko, pero sabi nya wala daw yun!"
"Sino ba naman kasing tino ang magatatahi ng balat nya noh!" Sabi ni Gino na ikinaismid ko.

Pero tama sya. Matalino at maganda si Lady, bakit nya tatahiin ang sarili nyang balat.

"Isa sya sa pinag-hihinalaan kong killer!" 

Napatingin kami sa kanya. Nakaupo sa sa gilid ng kama nya kung saan nakahiga ang Momny nya. Hindi namin sya masyadong maaninag dahil madilim sa may parte nya.

"Paano mo nasabi? Ang inosente ng mukha ni Lady eh!" Sabi ko

"Bakit inosente din naman ang mukha ni Sandra at Yen ah!" Sabi nya.

Natigilan naman ako doon. Tama sya. Ang dalawang killer na yun ay masyadong inosente ang mukha.

"Kung tama ang hinala ko sya ang may pakana ng mga bangkay na chinap-chop pero tinahi rin!" Napatango-tango naman ako. "Matulog na kayo. Mamayang madali araw sisimulan na natin ang pag-papatakas!" Sabi nya.

"Saan ka matutulog?" Tanong ni Gino
"Oo nga gusto mo dito ka na lang sa kama ko?" Sabi ko naman.
"Hindi, dito ka na lang Mysthy, sa higaan ko. Sanay ako sa lapag!" Sabi naman ni Gino.

"Hindi ako matutulog. Mahiga na kayo at maaga pa tayo bukas!" Sabi nya. Inis kong nilingon si Gino bago nahiga.
Papansin!

MYSTHY's POV

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Gino at Rainer.

I'm lucky to have both of them. Tumayo na ako at pinatay na isa-isa ang sulo sa kwarto.

Napatingin ako sa huling sulo. Nasa tapat ito ni Sir Uston. Ang tatay ko.

"Mysthy, anak!" Nag-angat sya ng tingin

"Wag mo kong matawag-tawag na anak. Hindi kita tatay!" Malamig kong sabi.

"Patawad sa lahat. Lalo na kanina, kung iniisip mo na binigo kita, nagkakamali ka. It was just an act!" Sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

I saw sincerety on those. Sabi nga ni Mommy, sa mata daw makikita ang lahat. Kung nag-sisinungaling lang ang tao ay madali iyong makita doon. Pero ang pinapakita ng mata nya ngayon...

Nag-sasabi sya ng totoo.

"Itinutok ko ang kutsilyo sayo kanina dahil...dahil sa isang kasunduan, Mysthy!" Hindi ako umimik at sinalubong lang ang tingin nya. "Sabi nya, once na hindi kita saktan at lokohin, papatayin ka nya at ang mommy mo."
"Sino si Mr. Nomed?"
"Hindi!"

Napakunot ang noo ko.

"Natatakot ako para sainyo Mysthy. Para sa inyo ng Mommy mo. Ilang taon ko kayong hindi nakita at nakasama. Ikaw halos buong buhay mo hindi kita nakita kaya..kaya ginagawa ko ang lahat ng to. Mali ang inaakala mo sa lahat."

"Anong mali?" May bahid na ng pagkairita ang boses ko.

"Hindi si Mr. Nomed ang nasa likod nito. May mas malaki pang tao sa likod ng lahat ng ito!" Tumigil sya sandali pero walang bumitaw sa titig namin sa isa't isa.

"At hindi mo aakalain na sya ang nasa likod ng lahat ng ito!"





Don't forget to Follow, Vote, Comment and Share. Thank you!

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon