Tatlumpu't Anim

472 16 0
                                    

3rd PERSON's POV

Dahan-dahang lumapit sa likod ni Mydel si Mysthy.

"You're not good as I am!" Biglang lumingon si Mydel na may ngising nakapaskil sa kanyang labi.

Hindi naman nagulat si Mysthy sa nangyari.

Umamba ng suntok si Mydel pero agad iyong sinalo ni Mysthy.

"I don't want to hurt you, Kuya. So don't push me to do so." Walang emosyong sabi ni Mysthy

Lumawak ang ngisi ni Mydel at inamba pa ang isa nyang kamay ngunit sinalag din ni Mysthy.

Sisipain sana ni Mydel si Mysthy nang mabilis na bigla syang napatingin sa kanyang paa.

May lubid na pumupulupot dito. Si Rainer ay nakaluhod sa likod ni Mydel at iginagapos ang paa.

Everything was going according to their plan.

Nagpapalag si Mydel para makawala. Pero maya-maya at unti-unti itong kumalma.

Butil-butil ang pawis nito sa noo.

"M-Mysthy, please. Bilisan nyong itali ako, bago pa sya bumalik."

Napatulala sandali si Mysthy.

"K-Kuya?"

Ngumiti lamang ng bahagya si Mydel at pinagdikit ang kanyang kamay.

"Bilisan mo na, Mysthy. Habang kaya ko pa syang labanan."

Tumango si Mysthy at agad iginapos ang kamay ni Mydel.

Hinawakan si Mydel nila Joshua at Rainer.

Nilibot ni Mysthy ang tingin nya sa kwarto. Natigil iyon sa tropeyo na may dugo.

Kinuha nya iyon at binasag.

Marahas na napalingon si Mydel. Bumangis ang itsura nito at nagngitngit ang mga ngipin.

"Who the hell are you to broke my trophy?" Marahas at madiin nitong sabi.

Nagpapasag muli ito kaya naman tumulong na ang ibang lalaki para makiawat.

Hindi naman nagbigay ng reaksyon si Mysthy.

"AHHRG!"

Naagaw ang atensyon ng lahat sa isang sigaw. Mula sa likuran nila nanggagaling ang sigaw.

"Si Rita!"

Nakita nila si Sandra. Hawak nya si Rita at may nakatutok na kutsilyo sa leeg nito.

No! Hindi basta tutok ang nagaganap. Nakabaon na ang dulong talim nito sa leeg ni Rita kaya naman marahang dumudaloy ang kapirasong dugo.

Ngumisi si Sandra at nilapit ang bibig nito sa dugo. Hindi nya inaalis ang kanyang mga mata sa kanyang mga kaklase ng dilaan nya ang leeg ni Rita.

Agad pumalingaw-ngaw ang pandidiri nila sa ginawa ni Sandra.

Hindi makagalaw si Rita at tanging pag-iyak lamang ang kanyang nagawa.

Diring-diri ang pakiramdam nya.

"Pakawalan nyo si Augustin kung ayaw nyong mabawasan na naman kayo."

Sinalubong ni Mysthy ang nagbabagang tingin ni Sandra.

Hindi na mababakas ang palakaibigan at inosenteng mukha na unang nakita ni Mysthy kay Sandra. Ibang iba na sya.

'Tsk! Katulad ka lang din pala ni Genilyn.' Asik ni Mysthy sa isip nya.

"Mysthy wag k-kang makikinig sa kanya." Tila nahihirapang bulong ni Mydel sa kakambal.

"Shut up, Mydel! Shut up!" Bigla ding sabi nito.

Lumalaban si Mydel. Ipinaglalaban nya ang katawan at isip nya.

"ARGGH huhuhu!" Nabalik ang tingin ni Mysthy kay Rita ng humiyaw at umiyak ito.

Hiwa na ang leeg nito. Alam nyang mababaw lang ang hiwa nito pero delikado pa rin ito kay Rita.

Muling dinilaan ni Sandra iyon at ngumisi.

Mabilisang dinukot ni Mysthy ang swiss knife nya binato sa kamay ni Sandra. Dahilan upang mabitawan nito ang kutsilyo nya.

Agad sumugod si Brent at sinikmuraan si Sandra. Pero mukhang hindi ito tinalaban dahil lalong bumangis ang tingin nito.

Dalawang magkasunod na suntok ang pinakawalan nya at tumama ito direkta sa panga at dibdib ni Brent. Napaatras si Brent. Sinundan pa kasi ito ni Sandra ng sipa leeg.

Sumuka ng dugo si Brent.

Bumagsak ito ng dilat ang mga mata. Naghiyawan sa takot ang mga kaklase nila.

Inis na sinugod ni Rainer si Sandra.

Sinabayan nya ang bawat galaw ni Sandra. Nakakatama sya pero higit na mas madami ang natatanggap nya mula kay Sandra.

Napaatras sya ng magpakawala si Sandra ng flying kick.

Napatingin si Mysthy kay Gino.

Hindi ito mapakali sa pwesto nya. Panay ang mura nito at parang gustong tulungan si Rainer.

"D*mn! I don't want anyone to be killed but the hell, Rainer is our friend, dehado sya!" Inis na sabi ni Gino.

Sumugod sya at niyakap sa likod si Sandra.

Parang biglang nanghina ito at napakapit sa braso ni Gino.

"Tama na, please!" Pakiusap ni Gino.

Tila nagpantig ang tenga ni Sandra ng marinig ang boses ni Gino.

Marahas itong nagpumiglas at hinarap si Gino.

"You don't have the heck to tell me what I'm going to do. You never like me, right?"

Natahimik ang lahat.

"Umamin ako sayo pero hindi mo pinansin iyon. Kaya wag na wag mo akobg uutusan kung anong gagawin ko dahil hindi mo rin naman ako pinakinggan hindi ba?"

Gulat ang lahat sa sinabi ni Sandra.

No one know that Sandra likes Gino. No one know that Sandra confess her feeling toward Gino.
No one know how much it broke Sandra's heart.

"Dahil ba sa kanya, ha?" Bahagyang itinulak ni Sandra si Gino na nakayuko at hindi umiimik.

Mapait na tumawa si Sandra.

Yumuko sya at dinampot ang kutsilyo sa sahig. Tumunghay sya at tinitigan si Sandra sa mata.

"Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sakin?"

Hindi nakaimik si Sandra.

Kinuha ni Gino ang kamay nito at hinapit papalapit sa kanya si Sandra at pinaloob sa mga bisig nya.

"I love you, Sandra. Pero sister-love lang ang kaya kong ibigay sayo. I'm sorry but I have to end your pain. Goodbye!"

Nagulat ang lahat. Kahit si Mysthy ay napaawang ang bibig sa nangyari.

Sinaksak ni Gino sa likod si Sandra.

Isa...
Dalawa...
Tatlo..

At makailang beses pang sinaksak ni Gino si Sandra habang patuloy ang pag-agos ng luha nya.

He doesn't want to kill anyone. Pero kung hindi nya gagawin iyon, sila ang mamatay. Papatayin sila.

Pigil ang hikbi ni Gino. Napaluhod sya sa sahig habang umiiyak. Half of him ay nagsisisi sa kanyang ginawa pero, ang kalahati din ay sinasabing tama lang.

Hinalikan nya sa noo si Sandra. Umaagos ang dugo sa bibig nito.

"B-B..akit?"

Unti-unti na itong pumikit at lumaylay ang ulo.

She died in the arms of the man he love.

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon