Dalawapu't Anim

599 15 0
                                    

Dalawapu't Anim
+++

GINO's POV

"There! There! May van doon at isang kotse!'' Sigaw ng isa naming kaklase.

Halos tanaw na namin ang dulo ng gubat kung saan kalsada na ang kasunod. Madilim pa din sa kalsada na iyon at puro bungo sa gilid.

Kanina habang naglalakad kami ay may nadadaanan pa kaming mga kalansay. Hindi na namin iyon gaanong pinagtuunan ng pansin dahil sa kalagayan ni Mysthy.

"Hey, sino nagplano ng pagtakas nyo?" Tanong nung kakambal ni Mysthy.

Malalaki at mabilis ang hakbang nya dahil sa pagsabay sa hakbang ni Rainer. Buhat pa rin nya si Mysthy na medyo papikit-pikit na. Sobrang putla na ng mukha nya at mahigpit na nakahawak sa damit ni Rainer.

"Plano naming tatlo nila Gino." Sagot ni Rainer.

There is no expression written on his face. His famous expressionless and cold aura is back. But I'm sure, he is worried for Mysthy's condition.

Nakaakbay saakin si Sir Uston na umiiyak at paika-ika. Tinutulungan din ako ni David sa pag-alalay sa kanya.

"Guys, sa van na kayo, kami na sa kotse." Sabi ko

Sumang-ayon naman sila.

This is it! We will now escape from this Hell.  Matitigil na siguro ang patayan sa oras na makaalis kami dito.

Sana nga matigil na.

Sumakay na kami sa kotse. Kung hindi ako nagkakamali kay Sir Uston ito. Nakikita ko ito kapag nasa school kami dati.

Nauna sa backseat yung kakambal ni Mysthy, isinunod naman ni Rainer si Mysthy at inihiga patagilid habang ang ulo ay inunan sa lap ng kakambal nya. Sumunod na pumasok si Sir Uston at pinatong sa lap nya ang paa ni Mysthy.

"I'll drive." Sabi ni Rainer Tumango ako at pumasok na sa shotgun seat.

Hindi naman kasi ako mabilis mag-maneho kaya hahayaan ko na lang sya.

"Ahm, Sir Uston alam nyo naman po ang daan hindi ba?" Tanong ko

Bahagya syang tumango habang tulala.

"Iderestso nyo lang at kumanan sa unang kanto, highway na ang lalabasan."

Tiningnan ko si Rainer na wala paring ekspresyon pero panay ang sulyap nya sa rare view mirror.

Nilingon ko si Mysthy pati ang kakambal nya. Tsaka ko lang narinig na mahinang nagsasalita si Mysthy. Nakangiti ito kahit lumalabas ang dugo sa bibig nya.

Nag-simula nang magpatakbo si Rainer pero nanatili akong nakatingin sa backseat.

"I-I really m-miss you, Ate. *cough* W-What t-took you so long to s-see me again. *cough*"

"Shh, don't talk first huh! Reserve your energy." Sabi ng kakambal nya habang hinahaplos ang buhok ni Mysthy.

Nakita ko ang bahagyang pag-iling ni Mysthy. Nakita ko rin kung papaanong tumulo ang isang butil ng luha sa mata nya.

Nanlaki ang mata ko ng tingnan si Rainer.

"R-Rainer, she cries." Bulong ko

Naalala ko ang sabi nya sa amin na hindi sya marunong umiyak kaya nagulat ako.

I knew it. Everybody can cry.

Sumulyap si Rainer kay Mysthy pero agad ding bumalik ang tingin sa daan.

"F*ck!" I hear him cursed. Bumaling uli ako kina Mysthy.

"A-Ayoko! Baka mamaya *cough* wala ka na naman. B-Baka iwan mo u-uli ako."

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon