Dalawampu't tatlo
+++MYSTHY's POV
Nagising ako sa isang may kadilimang kwarto. Ipinilig ko ng ilang uli ang batok ko kung saan ako hinampas kanina. Siguro ay namamalikmata lang ako sa nakita ko bago ako mawalan ng malay.
Imposible naman kasi.
Napatingin ako sa harapan ko. Tulog pa din si Daddy at kitang kita ko ang ilang sugat nya sa mukha.
"Gising ka na pala!"
Napatingin ako sa babaeng papalapit sakin. Kami lang tatlo ang nadito sa kwarto to at tatlong sulo lang ang nagbibigay liwanag dito.
Hindi ko maalis ang titig ko sa mata nya. Yun din ang mga matang nagpatigil sakin kanina. Dahan-dahan nyang tinanggal ang mask nya na mas lalo kong kinagulat.
Napaawang ang bibig ko.
"B-Bakit? P-Papaano? Sino ka ba?"
Hindi ko maiwasang kabahan sa nakikita ko.
Kamukhang-kamukha ko sya.
Para akong nananalamin ngayon.
"I-I'm Mystell, Mysthy! I-I'm your twin!"
Kitang-kita ko kung paano mangintab ang mata nya dahil sa luha.
"I-I have a twin? But how? Walang sinasabi si Mommy!"
"Hindi nya talaga sasabihin iyon sa'yo, Mysthy. D-Dahil pinabayaan nya akong kunin nila Lola."
Napakunot ang noo ko. I have grandparents too? Akala ko ba ay patay na.
"A-Are you fooling me? Sabi ni Mommy, patay na ang grandparents ko!"
Inis nyang sinabunutan ang sarili nya.
"Puro ko na lang sabi ni Mommy, sabi ni Mommy! Hindi mo ba naisip nagsisinungaling sya sayo! Niloloko ka nya. Niloloko nya tayo!"
"HINDI TOTOO IYAN!" Sigaw ko kaya naman nagising si Daddy.
"Mysthy, anak. Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nya habang nakatingin sakin.
"D-Daddy!" Sabi ni Mystell. Kunot noong nilingon ni Daddy si Mystell bago nilipat ang tingin sa akin.
"K-Kambal kayo?"
"Daddy hindi ko alam, pero yun yung sinasabi nya!" Medyo garalgal kong sabi.
I can't believe this. Kung kakambal ko talaga sya, .....
How did she end up being like this?
"Arggg!" Sigaw ko ng sumakit ang ulo ko.
"Mysthy okay ka lang?" Tanong ni Mystell
"Anak! Anak! Shh, calm down anong nangyayari sayo?" Sabi ni Daddy habang nag-pumiglas sa pagkakatali nya.
"Yung..yung ulo ko, Daddy! Yung ulo ko!" Sigaw ko at iniinda ang kirot ng ulo ko. Bahagya ding lumalabo ang mga mata ko.
"Iha, please kalagan mo ko, kailangan ako ni Mysthy!"
MYSTELL's POV
Seeing my twin in pain make feel in pain too. Hearing my father begs hit me too.
Ano bang nangyayari kay Mysthy?
"Please, Iha. Kung talagang kapatid ka ni Mysthy at anak kita, please, please, please. Help her."
Napalingon ako kay Mysthy.
Pabaling-baling na ang ulo nya at patuloy na umaagos ang luha nya.
"Ang ulo ko!" Umiiyak nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar