A/n: Pansinin ang bawat detalye.
--
Lima
+++3RD PERSON's POV
Lumabas syang muli sa hardin ng mga rosas. Ininom nya ang kanyang espisyal na kape mula sa mataas na tasang hawak niya habang nagmamasid sa paligid.
"Sisilipin ko muna ang aking mga alaga!" Sabi nya at tumalikod.
Muli syang pumasok sa bahay at nagtungo sa isang kwarto na iilan lang ang nakakaalam. Pagbukas nya ng pinto ay napangiti sya sa nadatnan nya.
Tinatahi ng isang taong nasa kwarto ang balat ng isa pa nilang kasama.
"Kamusta kayo?"
"Mabuti naman." Sagot noong nananahi habang may ngiti sa kanyang labi.
"Inumpisahan ko na kagabi. May isang buong klase ang pumunta dito!" Imporma niya. Bibihira siyang makadalaw dito lalo na't may inaalagaan pa siyang dalawang tao sa ibang bansa.Napangiti ang dalawang taong iyon sa sinabi niya. Kinuha ng isa ang isang malaking bolang itim at dinukot mula sa gitna noon ang isang ulo.
"Madami na naman tayong pandilig mahal ko!" Nakangiti pa nyang sabi.
Tinapik sya ng isa nilang kasama at inalok ng pulang inumin, tumigil na ito sa pananahi dahil hawak na ng isa ang pinakamamahal niyang pugot na ulo.
Ngumiti sya ng malaki at tinanggap iyon. Ibinalik muna nya ang ulo sa bolang itim at ininom ang laman ng baso.
"Madami ba sila?"
"Limampu't isa na lang. Napatay ko na kagabi ang isa!"Ngumisi sila. Bakas ang pagkasabik sa kislap ng mga mata nila.
"Nga pala may napansin akong isang babae kagabi!" Sabi nya at humigop ng kape.
"Ano iyon?" Tanong ng isa habang hinahaplos ang kanyang bolang itim.
"May isa sa kanila na mukhang matapang!"
"Hindi naman siguro sya naiiba sa dati nating napatay." Pagsasawalang bahala ng isa habang binibilang ang mga karayom niya.
"Gusto ko syang ihuli."
Bumukas ang pinto at pumasok ang isa pa nilang kasama. May ngisi sa maliliit at mapula nitong mga labi.
Haplos haplos nya ang kanyang pulang bracelet at nakangiting tumingin sa tatlong nasa loob ng kwartong iyon.
"Ako ang papatay sa susunod!"
Nagpangisi ang tatlo. They sighed in contentment that they raise a child like her.
"Masyado ka pang bata!" Nakangising sabi niya habang humihigop ng kape.
"Bata ba kamo? Pero higit pa sa edad ko ang napatay ko na!"
Nagtawanan sila. Pare-pareho silang namamangha sa batang iyon.
"Kung iyan ang gusto mo!"
RAINER's POV
Pinunasan ko ang kamay ko habang hawak ang isang kutsilyo. Inis na inis ako habang pinapahiran iyon.
"Tsk. Bakit kasi kailangang ako pa ang gumawa nito?" Inis kong tanong.
Ibinaba ko ang kutsilyo at pinunasan nang ayos ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo?" Tumaas ang balahibo ko ng marinig ko ang malamig nyang boses. Nilingon ko sya at nginitian. Napatingin sya sa kamay ko na nakabalot sa puting pamunas.
"Wala!" Sagot ko at inilapag sa lamesa ang basahan.
"San ba tayo mag-uusap Mysthy?"
Tiningnan nya ako sa mata at sunod ay ang buo kong katawan.
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar