Tatlumpo

563 12 0
                                    

3RD PERSON's POV

Napangisi si Sandra habang inaayos ang hood at shades nya.

"Dito pala kayong dalwa nagtatago ha." Sabu nya habang nakatingin sa two-storey apartment kung saan kasalukuyang naka-tira si Gino at Rainer.

Lumabas sya ng kotse at umikot sa may back seat at kinuha ang dalawa sa tatlong huling boxes na dala nya.

Lumapit sya sa guard na agad syang binati at nginitian. Tinanggal nya ang hood nya at pasimpleng tumingin sa paligid.

"Good afternoon po, pwede po bang pakibigay to kila Rainer at Gino, sa Room 410 po." Nakangiti nitong sabi

"Pwede naman pero pwede po bang malaman ang pangalan nyo Maam. For security and information lang po, Maam." Magalang na tanong ng nakangiting guard.

"Sasabihin ko po sa inyo pero wag nyo pong sasabihin sa kanila, surprise ko po sa kanila yan eh."

"Sige po Maam!" Sabi ng guard at tumango tango pa.

Inabot na sa kanya ang blue log book kaya naman nagsulat na sya.

Ardnas Sllik-----pagkage surprise

(Sandra Kills)

Yan ang sinulat nya na hindi naman tiningnan ng guard bago isara. Inabot na nya ang dalawang box na agad namang tinangap ng guard.

"Maam, ano po palang sasabihin ko sa kanila?"

"Sabihin nyo po, galing po yan sa kaibigan nila."

Kumunot bahagya ang noo ng guard pero agad din syang ngumiti.

"Sandali lang, Maam. Dadalhin ko lang po ito."

"Aalis na din po ako, Manong. Salamat po, ito tanggapin nyo po."

Nag-abot si Sandra ng puting sobre na may bahid na kulay pulang tinta.

Bahagyang nag-alinlangan ang guard na tanggapin iyon dahil sa hitsura nito na animo'y binahdan sadya ng pulang tinta na hitsurang dugo pero sa huli ay tinaggap nya din ito.

"Salamat po, Maam!"

Ngumiti si Sandra at naglakad na uli papasok sa kotse nya.

"The game is not yet done, III-Rose. My classmates...be ready." Nakangisi nyang bulong at pinaandar na ang sasakyan.

Sandali syang napasulyap sa backseat at napansin ang nag-iisang box.

Ang box para sa isa sa pinaka importanteng tao sa laro nila.

"Si Mysthy! Saan na ba nakatira ang babaeng yun?" Inis na bulong nito.

Simula kaninang umaga ay nagtulong sila Lady, Ana at Sandra na ipadala ang mga boxes na iyon sa mga nakatakas sa Hell Camp.

RAINER's POV

Nag-aalmusal kaming dalawa ni Gino ngayon. Share muna kami sa isang apartment lalo na't isang linggo pa lang ang nakakaraan matapos kaming makalabas sa Hell Camp.

*tok-tok-tok

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Do you expect some visitor?" I ask

"Nope!"

"Then who could it be?"

Sabay kaming tumayo at pumunta sa pintuan. Sumilip muna sya sa maliit na butas ng pinto para tingnan kung sino ang nasa labas.

"Yung guard!" Sabi nya bago binuksan ang pinto.

Simula ng makalabas kami sa Hell Camp ay nagkanya-kanya na kami, sumama lang ako kay Gino dahil ayaw ko pang bumalik sa condo ko.

Malay ko ba, baka buhay pa pala ang demonyo kong tatay edi doon nya ako unang hahanapin.

"Gino, Rainer may nagpadala sa inyo nito." Sabi nung guard at inabot saamin ang dalawang boxes na kulay pula.

"Kanino galing?"

"Sabi nya lang, kaibigan nyo daw sya kaya kinuha ko na."

Sandali kaming nagkatinginan bago kinuha ang box at nagpasalamat.

Umupo kami sa salas ng magkatapat.

"Expecting a package from anyone?" Tanong nya

"No! I don't even know whose my relatives. Kaya imposibleng may magpadala nyan sakin tsaka wala akong kaibigan maliban kay Mysthy noh. Baka ikaw?" Sabi ko at sumandal sa upuan.

"Tsk, bakit kaibigan ka ba ni Mysthy?"

"Eh ikaw? Kaibigan ka din ba nya?"

"Aishh, tumigil ka na nga. Buksan mo na yan!"

Inismiran ko lang sya at nagpasipol-sipol. Sino sya para utos-utusan ako, si Mysthy lang pwede gumawa non noh.

"Ang tamad mo talaga!" Inis na sabi nya at dinampot ang box nya at sinimulang buksan.

Nabitawan nya bigla iyon kaya sumabog ang laman.

Nanlaki ang mga mata namin ng umagos ang dugo mul doon.

"F*ck, sinong nagpadala nyan?"

Agad kinuha ni Gino ang bago nyang cell phone nya at may kinalikot. Sunod-sunod ko ding narinig ang Messenger tone.

"Rainer basahin mo to!"

Inabot nya sakin iyon kaya tiningnan ko ang mga chats nila. Group chat ata ito ng mga natitirang sa section nila.

"Ano? Nakatanggap din sila ng ganito?" Kunot noong tanong ko.

Itinihaya ni Gino ang box nya at nakita namin ang isang pulang rosas na puro dugo.

Isa lang ang ibigsabihin nito.

May buhay pa sa mga taga-Hell Camp.

Kinuha nya uli sakin ang cell phone nya at nagtype habang ako ay nakatingin pa rin sa rosas sa sahig.

"Magbihis ka may pupuntahan tayo." Sabi nya at pumasok sa kwarto nya.

Agad naman akong pumasok sa kabilang kwarto at nagbihis kahit naguguluhan kung saan kami pupunta.

Paglabas ko ay saktong paglabas din ni Gino. Tumakbo sya palabas kaya sumunod ako. Sumakay kami ng kotse ng teacher nila na hindi ko pa naisasauli pagkatapos ng huli naming pagkikita.

"Saan tayo pupunta?"

"SM!"

"Oh? Kakatanggap lang natin ng box na may rosas at dugo tapos maggagala ka lang pala. Itigil mo, hindi na ako sasama."

"Aishh. Hindi SM na pasyalan ang tinutukoy ko. Sementeryo! Sementeryo, Rainer."

"Anong gagawin natin don?"

"Pupuntahan natin si Mysthy."

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon