Anim

773 19 0
                                    

Anim
+++

RAINER's POV

"Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko sakanya sabay tanggal ng kamay nya na nakaakbay sakin.

Hinila ako ni Papa papasok sa kwarto ko at sinampal ng malakas.

"Wag kang tanga, Rainer!"

Hawak ko ang pisngi ng masama akong tumingin sa kanya.

"Ano PO bang problema nyo?"

Idiniin ko salitang "po" dahil tatay ko pa din sya.

"Bakit ka nakikipagkaibigan doon?"
"Anong masama doon? Ngayon lang uli ako nagkaroon ng kaibigan pagkatapos ni Kiana!" Sigaw ko sa kanya dahil naalala ko ang huli kong naging best friend.

Sya si Kiana.

Pumasok din sya dito sa Hell Camp kasama ang tropa nya. Sabi nya they want some spice on their trip kaya dito nila napili.

Ginawa ko ang lahat para protektahan sya at hindi sya mapatay ng kung sino mang pumapatay sa lugar na to.

Pero nalingat lang ako sandali namatay na sya.

Nakita ko ang katawan nya sa cr. Putol putol ang katawan nya at wala nang dugo pati ang puso nya ay wala na din. Rosas na lang ang nasa loob ng dibdib nya.

Inilibing ko sya ng ayos sa likod ng bahay namin at palaging dinadalhan ng puting rosas na paborito nya.

Napabalik ako sa reyalidad ng sampalin nya ako muli.

"Wag mo syang kaibiganin!"
"Bakit ba?"
"MAKINIG KA NA LANG SAKIN!" sigaw nya na naman at iniwan akong nakaupo sa kama ko.

Ganito din sya noong nalaman nyang kaibigan ko si Kiana. Napasubsob na lang ako sa kama ko at inalala si Mysthy.

Kailangan ko syang tulungan at hindi ako papayag na matulad sya kay Kiana. Poprotektahan ko sya, lalo na at may nalaman akong importante tungkol sa kanya.

3rd PERSON's POV

Tuwang-tuwa sya habang pinaglalaruan ang puso ng babaeng napatay nya kani-kanina lang.

"Itigil mo na yan at ilagay mo na sa cabinet!" 

Utos nya sa may suot na pulang bracelet habang hawak nya sa kanyang kamay ang isang rosas.

"Maglalaro ka?" Tanong ng may pulang rosas sa nag-utos sa kanya.

Laro lang para sa kanila ang pumatay ng tao lalo na ang pagkuha ng puso nito at palitan ng pulang rosas. They are indeed a bunch of psychos but who cares? They are enjoying.

"Gusto ko namang lalaki ang patayin. Gusto ko yung nanlalaban!" Nakangising sabi nya.

Naglakad na sya palabas ng silid na iyon. Tiningnan muna nya ang paligid bago nakayukong maglakad.

"Shit san ba ang cr dito?" 

Napangisi sya ng may marinig na boses ng lalaki. "Pag sinuswerte ka nga naman!"

"Excuse me saan ba dito ang cr?" Tanong sa kanya ng lalaki

Nginitian nya ito. "Halika sumunod ka sakin!" 

Tumalikod na sya sa lalaki at nakangising naglakad papaunta sa isang kwarto kung saan nakalagay ang kabinet na may lamang mga koleksyon nila.

Itinuro nya ang pinto na may mga kalmot at bakas ng dugo.

"S-Sigurado ka bang cr yan?" Parang kinakabahang sabi nung lalaki.

"Oo naman. Matagal na ako dito kaya alam ko ang lahat ng nandito!" 

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon