Dalawampu't dalawa
+++BIG BOSS' POV
Napatulala na lang ako ng makita ko ng malapitan ang mukha nya. Dinala namin sya sa sikretong kwarto dito sa Hell Camp. Tiningnan ko ang mga alaga ko isa-isa. Busy sila sa pagpupunas ng mga kutsilyo.
"Sino ang nagdala dito kay Mysthy?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nila at tumingin sa akin.
"Kilala mo si Mysthy, Boss?" Tanong ni Sandra.
"Just answer me!"
"Well, pinadala ni Mr. Uston na adviser nila ang buong section nila Mysthy dito!" Sabi ni Lady
Napalingon ako sa tulog na lalaki.
Bakit? Hindi nya ba kilala si Mysthy? Nilapitan ko si Mysthy at hinaplos ang mukha. Bakit ka pinapunta dito? Anong dahilan nya?
"Alam mo, Boss ang tanga ng lalaking yan. Yan si Mr. Uston. Kamakailan nya lang nalaman na anak nya pala yang si Mysthy." Iiling-iling na sabi ni Mr. Nomed.
Kamakailan lang? Sabagay ano bang aasahan sa lalaking to.
"Boss, bakit parang kilala mo pala ang mga yan? Akala ko ay wala kang kilala dito sa Pilipinas." Sabi ng isang babae na may hawak na itim na bola.
Tiningnan ko muna ang mukha ni Mysthy. Tears fell on my cheek pero hindi naman nila iyon makikita dahil sa mask ko.
"Kilala ko sila. Pero hindi nila ako kilala. At sa pagkakaalam ko, hindi alam ng dalawang ito na nag-e-exist ako!"
Natahimik naman sila. Nanatili akong nakatitig kay Mysthy.
Nakakaingit ka! Sana ikaw na lang ako at ako na lang ikaw!
GINO's POV
"Bilis. Kaunti na lang maiaangat na natin!" Sigaw ni Rainer.
Tumutulong na din ang iba naming classmate sa pagbuhat ng harang. Sandali kaming tumigil dahil sa hingal. Napakabigat ng mga harang.
"Bakit hindi na lang natin iwan si Mysthy?" Sabi ng isa naming kaklase.
Suaugudin sana sya ni Rainer pero agad naming pinigilan ni David.
"Ayos ka ah! Matapos ka nyang tulungang makalabas dito ganyan ang sasabihin mo!" Asar na sabi ni Rainer
"Bakit? Choice naman nyang bumalik don!"
"Tama na! Hindi ba kayo naaawa kay Mysthy? Sya halos ang nagplano at gumawa ng lahat ng ito!" Saway ko. Natahimik naman sila. Kaya nagpatuloy ako. "Maraming pagkakataon na pwede na syang makaalis dito pero hindi nya ginawa."
Tiningnan ko sila na unti-unting yumuko.
"Hindi nya ginawa kasi iniisip nila kayo--tayo! Iniisip nya na may naghihintay satin sa labas. Kung tutuusin nang magawa nya-- namin ang tunnel na to dapat umalis na kami. Pero hindi naisip ni Mysthy yun. Gusto nyang mailigtas ang lahat!"
"Tama si Gino! Kahit ako iniligtas ni Mysthy. Dalawang beses to be exact. Muntikan na akong mapatay ng isa sa mga killer. Pero iniligtas nya ako. Pinatay nya yung dapat papatay sakin. Ganun din sa pangalawang beses. Kaya please!" Sabi ni David. "Please wag tayong tumigil. Wag tayong sumuko, kasi hindi tumigil at sumuko sa atin si Mysthy!" Dagdag pa nya
Wala pa ring umimik.
"Kung tutuusin walang pakialam satin si Mysthy. Ni hindi nya tayo kilala sa pangalan kahit ata sa mukha. Pero hindi nya inisip yun. Iniligtas pa din nya tayo!" Sabi ko sa mababang tono.
Tama naman hindi ba?.
Si Mysthy ang dahilan kung bakit kami nakalabas dito. Sya ang dahilan kung bakit ligtas ang halos kalahati ng bilang ng klase namin.
Although marami ng namatay, at least may nailigtas pa din.
"Tara na! Tutunga-nga na lang ba kayo dyan?" Inis pa ding sabi ni Rainer.
Walang kumilos sa mga kaklase namin kaya napabuntong hininga ako. Humarap na kami ni David sa harang para tumulong kay Rainer. Tatlo na ang naitataas namin kaya ibig sabihin nito ay dalawa na lang.
Pinilit naming itaas iyon. Nagulat na lang kami ng may ilan nang tumulong sa amin.
"Sorry, tutulong na kami!"
Napangiti na lang ako. Alam ko namang hindi nila kami matitiis. Lalo na ang babaeng tumulong samin.
Hintay lang, Mysthy! We will help you!
ANGELITA's POV
Napatulala ako sa ilang babaeng kaklase ni Mysthy. Umiiyak sila at paulit-ulit na nagpapasalamat.
"Ma'am salamat po talaga! Lalo na kay Mysthy! Hindi nya kami iniwan!"
"Hindi naman po kami close pero hindi nya parin kami pinabayaan!"
Ngumiti ako sa kanila. Sobrang proud ako kay Mysthy Oo alam kung hindi sya masyadong dikit sa mga kaklase nya. Sa kahit na sino.
Pero kilala ko din ang anak ko.
Hindi nya maaatim na iligtas ang sarili nya habang ang mga nakapaligid na inosente sa kanya ay unti unting namamatay.
I'm so proud to be her Mom. To be the Mom of the greatest teen in my eyes and her classmates.
The saviour.
Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang pader ng Hell Camp.
Ayos lang kaya ang anak ko sa loob? Si Terrence? Nagkita kaya silang mag-ama? Ayos lang ba ang lagay nila?
Sana ay ayos lang. Hindi ko kakayanin kung sabay silang mawawala.
Aaminin ko.
Sa lumipas na 16 years hindi nawala ang pagmamahal ko kay Terrence. Dahilan para hindi na ako muling umibig. Para sa akin kasi, nag-iisa lang si Terrence at walang pwedeng pumalit sa parte niya sa buhay namin.
Masyado lang akong nagalit at nasaktan sa ginawa nya. Kaya nga naging malupit ako dati kay Mysthy dahil naaalala ko si Terrence sa kanya. Magkahawig kasi sila.
Nilibot ko uli ang tingin ko sa mga kaklase ni Mysthy.
They are so happy. Natigil ang paningin ko sa dalawa pa nilang kaklaseng babae. Nakayuko sila at magkayakap.
Sabay silang tumingin sa akin. Kahit umiiyak ay ngumiti sila.
Kambal sila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Kamusta na kaya si...
Don't forget to Follow, Vote, Comment and Share. Thank you!
BINABASA MO ANG
Hell Camp (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVED: RANK #1 - ANTONIO RANK #1 - PLAYFULNESS RANK #1 - KILLS Hell Camp "Hide, kill, or be killed? First Cover by: Viennethesecond New Cover by: Aldrin Gargar