Tatlumpu't Dalawa

537 15 0
                                    

GINO's POV

"Tama na! Mamaya na uli!"

Araw-araw, tatlo hanggang lima kaming tinuturuan ni Mysthy.

Ayaw nya na lahatan para daw mas matutukan at ngayon tatlo kami nila David at Rainer tinuturuan nya.

For today she was teaching as some martial arts at saka yung paggamit ng kitsilyo.

"Tell me anong BMI nyo?" Tanong ni Mysthy.

Napangiwi ako ng i-scan ko sya mula ulo hanggang paa.

Ni hindi pa sya pinagpapawisan.

"Sinasabi mo bang mahina kami?" Naka-ngusong sabi ni Rainer

"Well kayo ang nagsabi nyan." Umikot ang mga mata ni Mysthy at naupo sa lamesa.

Ang sarap sana nyang pagmasdan kung hindi lang sunod-sunod na tumunog ang messenger ko.

Nagkatinginan kami ni David.

Agad kong tiningnan iyon.

GC pala namin.

Joshua: Guys @Mysthy  @Gino @Rainer @David!!!! Guys si Eren Varquez natagpuan patay sa bakanteng lote sa may **** Ave.

"Bullsh*t!" Sigaw ko

"Anong nangyari?" Tanong Mysthy

"Yung isa nating kaklase, si Eren patay na." Sabi ko

"What? Asan sila?" Tarantang sabi ni David at nagsuot ng damit.

"Hindi ako pwedeng lumabas, alam nyo yan. Pero I hope you call me when you get there. Much better if we do video call. But make sure walang makakakita." Seryosong sabi ni Mysthy.

Nagsuot na din ako ng damit.

"Pre, hindi ka ba sasama?" Tanong ko ng mapansin kong hindi nagbibihis si Rainer at nakatulala lang.

"N-Nakakahiya! Panigurado akong tatay ko at ang mga kasamahan nya ang may gawa nun sa kaklase nyo." Mahinang sabi nya habang nakayuko.

Hindi man nya aminin, sinisisi din nya ang sarili nya dahil sa ginagawa ni Mr. Nomed at ng iba pang taga-Hell Camp.

"Don't blame yourself, man. Hindi porke anak ka nya ay kasalanan mo na rin ang mga kasalanan nya." Sabi ko habang tinatapik ang balikat nya.

Tumango sya pero hindi pa rin nag-aangat ng tingin.

"Salamat, pero hindi ko kasi maiwasan.."

Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang gamit ko.

Nagpaalam na kami kay Mysthy at hinatid nya kami sa kagagawa pa lamang nyang secret passage para daw walang makahalata na lagi kaming pumupunta dito sa Memorial park.

"Ako na ang kakausap kay Rainer. Basta tawagan nyo ako pagnakarating kayo doon."

Bumeso na kami sa isa't isa ganun din si David.

"Pumasok kayo sa pinto na yan at sundan nyo ang mga daan. Ang dulo ay likod bahay nila David kaya walang maghihinala sa inyo kung saan kayo galing."

Nagpaalam na kami at umalis na.

Kabado kami sa nangyayari.

Nabawasan na naman ang III-Rose.

Ano bang nangyari? Bakit napatay si Eren?

--

Pagkadating namin sa sinasabing lugar ni Joshua ay nakita namin na nakapalibot ang mg kaklase namin sa isang spot. Prente at kalmado ang itsura nila at sa tingin ko ay ginagawa nila iyon para walang makakita sa nangyari.

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon