Tatlumpu't Pito

471 18 0
                                    

A/n: Kinikilabutan ako at nandidiri habang tinatayp ko to. Argg, pero hahaha it was part of my story.

MYSTHY's POV

Nag-iwas ako ng tingin bago bumuntong hininga. Umupo ng bahagya at sinipat si Brent.

Dilat ang mga mata nito at umaagos pa ang sariwang dugo mula sa bibig nito.

Nalagasan na naman kami ng isa.

Hinawakan ko ang noo nya at pinadulas papunta sa mga mata nya para isarado iyon.

May you rest in peace.

Tumayo ako at muling tiningnan si Gino. Tahimik pa din itong umiiyak habang nakayakap kay Sandra. He keeps on saying Sorry on Sandra's ear.

Napailing na lang ako.

"Let go of me, morons! H'wag nyo lang akong bibigyan ng pagkakataong makawala dito, I swear, I'll drink all of your blood up to its last drop. I swear! I swear!"

Sa inis ko ay lumapit ako sa likod nya at pinatulog sya sa pamamagitan ng paghampas sa batok nya.

It hurts, I know.

Napailing na lang si Rainer sa ginawa ko.

"He's your twin!" He said

Napapaltak lang ako. Pinagtulungang buhatin nila Joshua si Mydel.

"W-Wait, iiwan ba natin ang bangkay nila dito?" One of my girl classmate ask.

Pilit akong ngumiti bago tiningnan si Brent at si Sandra na yakap-yakap pa rin ni Gino.

Lumapit ako kay Gino at marahang tinanggal ang kamay nyang nakaakap kay Sandra.

"Tara na?" Mababa at kalmado kong pag-aanyaya sa kanya.

Nakita kong umupo si Rainer sa likod ni Gino at marahang tinapik ang balikat nito.

"N-Nakapatay ako, Mysthy. Nakapatay ako!" Humihikbi paring sabi ni Gino.

I know how it feels. Ganitong-ganito din ako noong una akong makapatay.

"S-Salamat, pare." Sabi ni Rainer.

I know that Gino did it for Rainer. To save him from Sandra's arm. Well, hindi ko talaga inaasahan na ganito ang mangyayari.

Masama mang sabihin pero, okay na rin siguro to.

Inalalayan naming makatayo si Gino. Pinahiran ni David ang kamay nito.

"Mysthy, look at this!" Napabaling ang tingin ko kay Yohann.

Nakatayo ito sa nakabukas na pinto. Katapat ng kwartong kinalalagyan namin ngayon.

"Sige na, pumunta ka na doon!" Sabi Rainer.

Tumango ako at lumapit kay Yohann. Napakunot ang noo ko ng makita ang kulay ng pinto.

Kulay gray.

Ito yung pinasok namin ni Rainer dati na muntikan na kaming mahuli ni Mr. Nomed.

Tinulak ko ang pinto at nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ganun pa din. Madilim.

Inilawan ako ni Yohann gamit ang lente na hawak nya. Pumasok ako ng bahagya at hindi na ako nagulat sa mabahong amoy na nasa loob.

Pinagsamang formalin at nabubulok na katawan ang nalalanghap ko.

"Ano ba yan? Ang baho!" Dinig kong sabi ni Yohann na nakasunod sakin. Nang lingunin ko sya ay nakataas ang damit nito at nakatakip sa ilong tapos ipinatong pa ang kanang kamay.

Napailing na lang ako. Sanay na ako sa ganitong amoy kaya hindi na ako nag-abalang takpan ang ilong ko.

Nandun pa din ang mga kabinet na pinanggagalingan ng amoy. Naka-podluck pa rin iyon. Inabot ko ang hairpin sa ulo ko at ikinorteng sasakto sa butas ng podluck.

Ipinasok ko iyon at kinalikot. Hindi naman nagtagal at nabuksan ko iyon.

Mas lalong umalingasaw ang amoy ng bahagyang umawang ang pinto ng kabinet. Napaatras ako at napatakip na rin ng ilong at bibig. Marahan namang napamura si Yohann at umubo-ubo pa.

Ipinilig ko ang ulo ko at hinawakan ang handle ng kabinet. Dahan-dahan ko iyong binuksan.

Napaatras na kami ni Yohann ng ilang hakbang nang makita namin kung ano ang laman noon.

Mga puso ng tao iyon. Sa baba ng mga yun ay may nakalagay ang Alphabet letters.

"Holysh*t!" Mura pa ni Yohann ng mapatingin kami sa baba.

Mga grapon iyon may mga fetus. Nakalutang ito sa formalin at walang takip.

Pinuntahan ko ang isa pang kabinet. Binilisan ko ang pagbubukas nito at natutop kong muli ang bibig ko sa nakita ko.

Tatlong magkakahelerang naaagnas na katawan nang tao na walang ulo ang nakita ko.

"Do you like my collections?"

Napalingon kami sa likod, sa kaliwang bahagi ng kwarto. Nang ilawan iyon ni Yohan ay hindi na ako nagulat.

Si Ana!

Hawak pa din nito ang isang itim na bola sa kaliwang braso nya. Nakangisi. Nakasuot sya ng itim na sando at denim pants. Sa kanan naman ay may hawak syang malaking kutsilyo.

"Don't you try to like them. They are all mine." Mataas ang boses nya ng sabihin nya sa akin iyon.

"I will never like them." I boredly said.

Ngumisi sya at inilapag sa isang maliit na lamesa ang bola at kutsilyong hawak nya.

Binuklat nya ang bola at ganun na lamang ang pandidiri ko ng ilabas nya mula roon ang isang pugot na ulo ng lalaki.

Si Yohann naman ay nagsusuka  na.

"Love, say hi to them!" Sabi pa ni Sandra at iniharap ang ulo samin.

Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang itsura ng ulo. May mga sugat at uod ito.

Nagulat ba ako ng ibato nya ito sa direksyon namin. Itinulak ko si Yohann at sabay kaming bumagsak sa sahig.

Mabilis ang naging pagkilos ni Ana. Kinubabawan nya ako at pinagsusuntok. Sinalag ko iyon at pinilit makabawi. Hinila ko ang buhok nya kaya napatingala sya. Itinaas ko ang paa ko at ikinulong ang leeg nya. Bahagya ko iyong pinilipit dahilan para mawalan sya ng malay.

Tumayo ako at bahagyang tinulak ang katawan ni Ana.

Hinanap ng mata ko si Yohann.

"Y-Yohann!"

"Mysthy, t-tulong!"

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon