Labing-apat

602 19 0
                                    

Labing-apat
+++

MYSTHY's POV

Hindi na ako natulog ng gabing yun. Ako na mismo ang nagtapos ng mga pinto. Mabuti na lamang at wala ng scandal! Tsk!

"H-Hoy Mysthy anong ginagawa mo?" Tanong ng kaklase ko.

"Tsk, wag kang maingay! Gumagawa ako ng paraan para makaalis tayo!" Inis kong sabi.

Hindi na naman sila umangal at pinanood na lang ako sa ginagawa ko.

Sunod sunod kong binutas ang mga kwarto at ang pinakahuli kong binutasan ay ang kwarto ng mga kaklase kong nerd.

Lahat sila ay nakasiksik sa gilid at takot na takot. Pagkabutas ko sa kwarto nila ay idineretso ko iyon sa ilalim ng lupa.

"Tsk, bat hindi mo sinabi na ginagawa mo na yan?" 

Bahagya akong nagulat sa boses ni Rainer. Nilingon ko siya. Kasama pala nya si Gino.

"Mga tulog mantika at tamad naman kayo eh!" Kibit balikat kong sabi.

Ipinagpatuloy ko ang paghuhukay sa lupa. Biglang inagaw ni Rainer ang pala at sya na mismo ang naghukay. Inabutan naman ako ni Gino ng tubig at panyo.

"Ganda ng singsing mo ah!" Sabi ni Gino.

Ngumisi ako at tiningnan iyon. Naalala ko si Mommy. Binigyan ko din sya nito nung 10 years old pa lang ako. 

Kamusta na kaya si Mommy?

"Mysthy okay ka lang?" Rainer
"Ha?"
"Sabi namin kung ayos ka lang?" Gino.

Ngumiti ako ng mapakla. Sinukat ko na lang ang butas. Sakto na siguro toh.

Tinakpan ko na yun ng mga kahoy na nakapalibot. Bukas ko na lang ng gabi itutuloy. Gusto ko kasi iyong ideretso iyon sa gubat. Pwede na kaming makatakas mula doon.

May tatlong araw pa ako para matapos ang lahat. Konting konti na lang.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto at nakasunod naman sakin yung dalawa. Tahimik lang ako hanggang makapasok sa kwarto. Kumuha ako ng damit at pumasok sa cr.

Paglabas ko ay nakatingin sakin ang dalawa. 

"Ano na naman at ganyan kayo makatingin?"

"Mysthy, iiyak mo na kasi yan!" Rainer
"Nandito lang naman kami eh!" Gino

"AHHHH!"

Umalingawngaw ang isang sigaw.  Tsk! Ayaw talaga nilang tumigil.

Dali-dali kong kinuha ang baril at kutsilyo ko sa bag at tumakbo palabas. Walang hiya! Dalawampu't tatlo na nga lang kami babawasan pa!

Tumakbo ako kung saan nanggagaling ang sigaw. Naramdaman ko namang nakasunod lang sakin ang dalawa.

"AHH! TULONG!" sigaw yun ng isang lalaki.

Tumigil ako sa isang pinto. Ang alam ko ay bakante na ang kwartong to, dahil patay na lahat ng natutulog dito. Dito nanggagaling ang sigaw.

Pinakinggan ko muna ang loob.

"Shut up! I just want your heart baby!" Sabi ng isang boses. 

Tsk, kilala ko ang boses na yun! Sinipa ko angad ang pinto at tinutok ang baril sa nasa loob. Maliwanag dito dahil sa mga sulo na nasa loob.

"Tigilan mo na sya!" Sabi ko at kinasa ang baril.

Tumawa sya at masamang tumingin sakin. Hawak nya ang isang malaking kutsilyo. Napatingin ako sa kamay nya at ngumisi. Suot-suot nya ang pula nyang bracelet.

Napatingin din ako sa lapag at nakita ko doon ang manika na palagi nyang dala.

"How come a sweet little crazy girl like you become a killer?" Tanong ko.

"I am not a little anymore!" Asik nya.

Ibinaba ko ang baril at sinuksok sa tagiliran ko. Nahagip naman ng mata ko ang mga seryosong mata nila Rainer at Gino.

"David, okay ka lang?" Tanong ni Gino.
"P-President! P-papatayin nya ko!" Nanginginig na sabi nya.

Puro sugat na ang katawan nya. Umagos ang dugo sa balat nya.

Nawala ang atensyon ko kay David ng may maramdaman akong tatama sa braso ko. Hinawakan ko ang kamay nya at pinilipit pero agad syang umikot kaya hindi napilipit ang kamay nya.

Sinisipain nya ako sa tyan pero nakailag ako at agad nagpakawala ng flying kick. Sinundan ko iyon ng isang sipa sa kanyang panga.

Napaatras sya dahil doon. Tiningnan nya ako ng masama at pinahiran ang gilid ng labi nya.

Nakita kong tinutulungan na nila Rainer at Gino si David na makatayo at agad nilang nilabas.

Sinugod nya uli ako. Pinagsusuntok nya ako pero agad akong umilag. Sinalo ko ang kamao nya at sumipa galing likuran. Tumama iyon sa ilong nya na agad dumugo. Pero hindi ko inaasahan ang pagsuntok nya at tumama iyon sa pisngi ko.

Pinilipit ko ang braso nya at sinuntok ang tyan nya sabay sipa dahilan para mapahiga sya.

"Hindi ako pumapatol sa bata. Pero kakaibang bata ka. Pasensya little killer. I will do the rule. I will kill you before I got to be killed!" Sabi ko sabay palabas ng karayom sa singsing ko at tinusok sa leeg nya. Pasimple ko ding kinuha ang pulang bracelet na nasa braso nya.

Sinubukan pa nyang tumayo pero agad ding syang bumagsak dahil sa lason ng karayom. Tumayo na ako ng ayos at nagpagpag bago umalis. Inilock ko na ang pinto ng kwartong yun at bumalik sa kwarto namin.

Naabutan kong nakahiga sa kama ni Rainer si David at ginagamot na sya ni Gino.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Rainer. Nagkibit balikat ako at umupo sa kama ko paharap sa kanila

"Pano ka napunta don?" Tanong ko kay David.
"Naghahanap ako ng cr kanina dahil naliligo yung kasama ko sa kwarto. Tinanong ko sa babaeng yun kung saan ang cr pero don nya ako dinala."

Nanginginig ang mga kamay nya. Kitang kita sa mga braso nya ang mga hiwa na ginagamot ni Gino

"S-Salamat sa inyo. Kung hindi nyo siguro ako tinulungan ay baka katulad na ako ng iba nating kaklase!" Mahinang sabi nya.

Inilabas ko ang pulang bracelet at tiningnan.

"Wait bat hawak mo yan?" Rainer
"Kinuha ko sa kanya!"

Tiningnan ko ang braso ni Rainer at nakita kong nakasuot din nya ang pulang bracelet na katulad ng bracelet na hawak ko ngayon

"Bakit may ganan ka din?" Gino. Tulog na pala si David at tapos na din syang gamutin ni Gino

"Bigay to sa kin ni Papa pero hindi ko alam na may ganan din pala sya!" Sabi nya at hinubad ang bracelet nya. Pinutol nya iyon at inihagis sa sahig. "Ayoko pa naman sa lahat na may katulad ako!" Inis nyang sabi at kinuha din ang bracelet na hawak ko at pinutol din.

"Tsk! Childish!" Bulong ni Gino

"Bakit hindi natin napansin na isa pala sya sa killer?" Pag-iiba ni Rainer ng usapan.

"Kayo lang ang hindi nakakahalata!" Sabi ko at pabagsak na humiga sa kama

"Ano? Alam mo na?" Gino

"Uh-huh! Nahuli ko kasi sila dati ni Sandra na nagtitinginan. Naisip ko kaagad na may koneksyon silang dalawa kaya minatyagan ko siya."

"Tsk! Hindi ko aakalin na isa sya sa kanila!" Rainer

"Oo nga napakaamo pa naman!" Gino

"Kaano ano mo ba sya?" Tanong ko kay Rainer

"She is my sister! Ampon sya ni Papa!" Gigil na bulong ni Rainer

"Ano nga pala uling pangalan nya?" Gino

"Her name is Saiyen! Pero ang tawag namin sa kanya ay Yen!"

...

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon