Walo

650 23 0
                                    

Walo
+++

MYSTHY's POV

Pagkatapos kong iwan si Rainer doon ay pumunta ako sa balcony. Mula doon ay may natanaw akong dalawang tao.

Mukhang nag-uusap sila pero umiiyak ang isa sa kanila. Tiningnan ko lang sila ng maglakad sila paalis. Napapikit na lang ako ng maalala ang nakasulat sa papel na yun.

Kanina, bago ako pumunta sa lugar kung saan kami nakita ni Rainer ay nakita ko ang sulat na yun na nakaipit sa isang vase.

Binuksan ko yun at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

Ang rason kung bakit may HELL CAMP!

"Mysthy, bakit ka nandito?" Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Sandra, gulat man ay hindi ko iyon pinahalata.
"Nagpapahangin lang!" Sagot ko.
"Maghanap na tayo ng paraan para makaalis tayo dito, Mysthy. Feeling ko kasi iniisa isa tayo ng kung sino mang pumapatay sa mga kaklase natin!"

Tiningnan ko syang mabuti. Hindi ko sya pwedeng pagdudahan dahil lang sa nabasa ko pero hindi ko dapat hayaan ang kutob ko na mabalewala.

Sandra Moton. Anak ni Flordeliza at Rodel Moton.

Ano kaya ang koneksyon ng pamilya nya kay Mr. Nomed?

ANGELITA's POV (Mom ni Mysthy)

Ilang araw na akong walang contact kay Mysthy. Sanay na naman ako na hindi sya mahilig tumawag o magtext para ipaalam kung nasaan siya pero, ito ang pinakamatagal na hindi sya nagparamdam sakin.

Ayokong maghinala na may masama ng nangyari sa kanya. Matapang at malakas si Mysthy, alam kong makakaligtas sya.

Pero hindi talaga ako mapanatag. Pupunta ako sa school nya.

Nagbihis ako ng long sleeves na fitted at pinatungan ng isang coat. 

Sapat na para maitago ang marka ng nangyari sa nakaraan ko. Nakaraang pilit kong kinakalimutan dahil sa isang lugar na hindi ko ninais na puntahan.

Ang Hell Camp.

SOMEONE's POV (One of the Murderer)

Lumabas ako sa kwarto ko ng makarinig ako ng umiiyak na babae.

Pinuntahan ko sya na ngayon ay nakaupo sa labas ng balcony at nakasubsob sa kanyang mga braso at umiiyak.

"May problema ka ba?" Malumanay na tanong ko. Napatingin sya sakin pero pinagpatuloy nya din ang pag-iyak. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko pa.

"Break na k-kami!" Umiiyak na sabi nya.

Tsk, dahil sa pag-ibig na naman!

"Halika sumama ka sakin. May alam akong paraan para matanggal agad ang puso mo. Ibig kong sabihin matanggal agad sya sa puso mo!"

Nakangiti kong sabi. Tiningnan naman nya ko.

"Talaga? May alam kang paraan?"
"Oo. Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko
"Ako si Faith!" Sabi naman nya.

Inalalayan ko na syang tumayo at sabay kaming naglakad papunta sa kwartong puro bahid na ng dugo ang bawat sulok.

Sa kwarto kung saan nag-simula ang lahat ng ito. Pinaupo ko muna si Faith sa isang upuan.

"Anong meron dito? Bat parang ang baho?"

Inabutan ko sya ng Red Wine. Tinanggap nya naman iyon.

"Basta, inumin mo na lang yan at maya maya mawawala na sya!"

Nakangiti kong sabi sabay inom sa red wine ko. Tiningnan muna ni Faith ang wine glass tsaka diretsong ininom. Napapikit sya dahil hindi lang basta Red Wine iyong ininom nya.

Hell Camp (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon